11 || Ignored Messages

36 3 1
                                    

Chapter 11

Everything went well. Maayos naman na yung pakiramdam ko kesa sa kahapon.

Okay naman ako, yung mental health ko stable naman siguro kasi I need naman talaga to be okay, it was like I don't have a choice. As always. 

Pfftt, sasakit lang ulo ko sa pag-iisip na naman. Punta nalang kaya ako ng autumn tapos mamaya na ako magreview no? Pwede. 

Miss ko na si Ezekiel kainis, ano kaya meron doon at lagi nalang ding nasa isip ko? Singkit kasi eh.

Nagugutom ako, kuha muna akong foods bago pumunta na naman sa gc. 

"Oh Kian, nandyan ka  pala? Bakit hindi mo manlang ako sinabihan?" tanong ko. 

Kung kanina ay nakatingin siya sa TV at nanonood, ngayon naman ako sa akin na siya nakatingin "Ahh oo kanina pa ako nandito but don't worry okay lang naman ako rito." sagot niya. 

"Bakit hindi mo nga sinabi? Or kaya naman sana tingwag niyo ako ni mommy. Tsaka hello Kian, hindi naman ako nagwoworry sa'yo hehe."

"Nagrereview ka raw kasi kaya sabi ko kay Tita na huwag ka nalang muna tawagin at nadayo lang naman kasi talaga ako rito dahil wala akong magawa sa bahay."

"Woksi lang din naman kahit puntahan mo ako ro'n hano, hindi naman ako ganon kabusy para hindi ka pansinin." Simpleng sagot ko pero mukhang hindi talaga siya mapakali. Feeling ko iniisip pa rin niya yung napagusapan namin kahapon.

Hay "oh siya sige, bumalik ka na ron at magreview ka na ulit, paalis naman na ako eh."

Huh? Ganon nalang? Iniiwasan ba niya ako? O baka naman nag-ooverthink na naman ako? Baka nga. Sana.

Hayaan nalang nga, itutuloy ko nalang kung anong plano ko ngayon.

CAPTAIN REYALIDAD 🍂:
kamusta pala buhay RPW? 

LEADER JODS 🍂:
hoy alam niyo ba may naka ako roon!!!! RS!

CAPTAIN REYALIDAD 🍂:
wehh??
ano ba feel ng ganon?

LEADER JODS 🍂:
first time ko to ishare. 

CAPTAIN REYALIDAD 🍂:
halaaaa meron? Sino? 

RIA || 18 🍂:
miss na kita @Ezekiel Villafuerte

Sabi ko sa screenshot, ayoko kasing isend yun kasi mamemention siya so mas okay na yung screeenshot nalang. Mas safe. Pero...

CAPTAIN REYALIDAD 🍂:
Luhh Ate Ria patay ka kapag nakita ni kuya 'yan.

RIA || 18 🍂:
Hello edi iunsent ko kapag nakita kong nagseen, bilis lang nun.

CAPTAIN REYALIDAD 🍂:
Goodluck nalang sa'yo 'te, sana hindi niya makita 'yan.

LEADER JODS 🍂:
Ano RS? Relationship? 

CAPTAIN REYALIDAD 🍂:
Relationship Status

ADMIN EZEKIEL 🔎:
Relationship Status

CAPTAIN REYALIDAD 🍂:
bale, jowa mo sa RPW.
hala. 

Bigla na lamang lumaki nang tuluyan ang aking makita sa nakita, paanong bigla siyang nakapagchat nang hindi manlang niya nakukuha magseen? Sa sobrang kaba ko pati cellphone ko ay nabitawan ko at nalaglag sa ibaba.

A Beautiful Omission | On-goingWhere stories live. Discover now