Chapter 7
"Saan tayo kakain, Ria?" tanong ni Kian.
Wait saan nga ba? "saan mo ba balak? Ikaw nag-aya eh" sagot ko.
"Pero ikaw kaya yung gustong gumala" balik niya.
"Gala lang eh, pero hindi pa ako gutom. Samahan nalang kita sa pupuntahan mo, dali." aya ko sa kanya.
Nakatitig nalang siya sa'kin "samahan mo 'ko bumili ng damit?"
"Shirts ba?"
"Yeah, tara?"
"Tara na"
Habang naglalakad kami damang dama ko yung mga titig ng ibang tao sa amin, sa amin ba talaga? Pero kasi kabwisitan nitong si Kian, akbayan daw ba ako habang naglalakad kami. Gash.
"Kailangan ba talaga naka-akbay ka sa'kin?" nagtatakang tanong ko.
Ayan na naman yung mga tingin niya, hay nako. Kung talagang bet ko tong kaibigan ko baka kami na kaso after he rejected me last time, I know na hanggang friends nalang talaga kami. "Oo naman." maikling sagot niya.
"At bakit? Para namang mawawala ako here Kian, dali na bitaw na" kumbinsi ko sa kanya pero hindi pa rin niya inaalis ang braso niya sa balikat ko. Mas lalo pa akong hinigit, bwiset talaga kahit kelan.
Hay nako, hayaan ko nalang nga.
Wala rin naman ako magagawa sa kaya eh.
Minsan talaga pag gusto niya wala ka nalang magagawa kasi maiinis ka lang kasi hindi niya talaga gagawin.
Habang pinapanood ko si Kian pumili ng mga damit na bibilin niya, nilibotko yung paningin ko, bigla akong may nakita sa kabilang side ng store na pinasukan namin. Feel ko bagay sa kanya yun eh. Bilin ko kaya. Hindi naman materialistic na tao si Kian kaya minsan ko lang din binibilan ng regalo.
Game bibilin kita ahit gaano kamahal. Hindi naman kasi lingid sa'kin na yung store na pinasukan namin is mahal yung mga damit. Maarte pa naman kasi sa damit tong si Kian.
"Psstt..." tawag ko.
Baling niya sa'kin "po?"
"Jan ka muna ahh, pili ka ng shirts mo. May titingnan lang ako ron" turo ko sa kabilang side ng store.
"Huh? Kala ko sasamahan mo ako? Tapos ngayon aalis?"
"May titingnan lang naman po eh" sabay talikod ko.
"Ria" tawag niya ngunit hindi ko nalang pinansin, patuloy lang yung lakas ko until a saleslady approach me.
"Good afternoon Ma'am"
Gands ng ngiti ni ate "Good afternoon din po." binalik ko nalang ang tingin ko sa damit. Actually, a polo shirt.
It's just a simple white polo shirt na may design na parang alon sa ilamin.
"Bagong dating lang po sa'min niyan Ma'am"
"Oww I see" nagiliw kong sagot.
"Opo Ma'am"
"How much is this naman po?" tanong ko.
"Two thousand, nine hundred and nine po Ma'am"
"So 3k po no? I'll get one po, medium po"
"Yes po Ma'am, noted. Kunin ko lang po." tumango nalang ako.