Chapter 3
"Kian!!!"
"Ingay mo, bakit ba?"
Hinarap ko phone ko sa kanya "tingnan mo 'to, nakapasok na ako sa group nila"
"Edi okay basta pag may nangyari, aalis ka agad jan woki?"
"Yes boss" saludo ko.
-
Wala na naman akong magawa sa bahay as always.
What if i'll go to the mall kaya?
Oww great idea Ria, you should relax.
Nasa kalagitnaan ako ng pagiisipin ko nang bigla--
"Kring kring~~~"
"Yes hello?"
Buntong hininga, yun lang narinig ko.
"Riaaaa"
"Kian?"
"Kian ikaw ba yan? Hala anyare sa'yo? May lagnat ka ba? Tsaka bakit ibang number yung gamit mo? Ano bang nangyari sa'yo?"
Yung boses niya parang hirap na hirap na. "Ang sakit ng ulo ko, can you go to our house? Wala kasi si mama, hindi ko kayang magluto Ria, you know that" mahina man pero sapat na para maintindihan at marinig.
Pupunta ba ako? Yeah I should go, kaibigan ko yun.
-
Hala ano nga ulit yung favorite ni Kian na flavor dito? Jusq ayan na naman, sobrang makakalimutin ko talaga.
Hayst
*ting*
Ay palaka, may tumatawag jusq.
"Ria, can you come early? Nagugutom na ako eh"
"Malapit na dumaan lang ako sa mall to buy you meds and fruits"
"Okay lang naman yun kahit na wala jusq, may pagkain naman dito sa bahay, wala lang nga magluluto hehe"
"Hindi rin ako marunong kaya hindi ko alam paano mo nakakain yung ibang niluluto ko"
"Hindi nga masakit pero edible naman kaya okay lang" sagot niya.
Hayst "oh siya sige, magbabayad na ako"
"Yeah, ingat Ria"
"I will" sambit ko sabay baba ng tawag.
"Eight hundred fifty one po Mam"
Nagbayad na ako then commute ulit hayst gustusin ko man na matuto magdrive, ayaw naman ni mommy. Ayaw din ni Kian kaya wala akong magawa.
Okay lang naman kasi sabi nila delikado, naiisip lang naman nila ko. Next time nalang siguro, hindi naman nakamamatay kapag hindi marunong magdrive eh.
-
"Kian!!!" sigaw ko.
"My room Ria"
"Yeah, I know. Luluto lang ako sandali ahh"
"Okay po" ay bestfriend ko ba yun? Bakit ambait naman yata masyado?
Napailing nalang ako, may sakit nga diba Ria? Baka kaya ganyan.
"Yum" sambit ko after ko tikman yung luto ko "not bad Ria" cheer up ko nalang sarili ko baka husgahan ng magaling kong bestfriend eh.
-
"Kian!! Open the door for me please" 2mins had passed but still no Kian.
Hayst baka naman nakatulog na, sabi ko wait for me eh.