Andrian's POV
"Let me go! Ano ba!.."
Panay ang pagpupumiglas nya sa paghigpit ng hawak ko sa kanya.Medyo nagulat din yung babaeng kasama nya,napanganga lang ito.
Nagdilim na ang paningin ko.Parang nainsulto talaga ako...
"What are you doing here,Jenny??" Ang talim na ng titig ko sa kanya."And who's this damn girl??? Wag mong sabihing??"
Hindi sya umimik.Nakayuko lang sya.
"Answer me Jenny!?..girlfriend mo ba yan ha??!!" Galit na galit na talaga ako,nakakuha na kami ng atensyon sa mga tao.
Halatang napaigtad sya sa lakas ng boses ko.At iwinaksi nya ang kamay ko sa braso nya,at humugot sya ng hininga.
"Ano bang paki mo ha???..at sino kaba sa akala mo para magtanong sakin ng ganyan??!!"
That hit me.Ouch.. >_
Mapait akong tumawa ng mahina.
"Sino ako??..di mo naba ako kilala ngayon ha??...ano bang nangyari Jenny? Akala ko ok na tayo? At may pakialam ako sayo dahil asawa kita!!!.."
Napansin kong nagulat yung babaeng kasama nya.
"A-Asawa mo sya?." Gulat na tanong nung babae.
Hinarap ko ang babaeng kasama nya.
"Oo.. Asawa nya ako..kaya Miss..kung ano mang naging relasyon nyo ng asawa ko,itigil nyo na." Matigas kong pagkasabi.
Napamaang ito.At binalingan ko uli si Jenny.Hinila ko sya at pakaladkad na ipinalabas sa bar.Nakatingin pa ang mga tao samin..I don't really care..they better mind their own business!.
Pilit pa syang nagpumiglas habang ipinasok ko na sya sa kotse.Padabog ko yung sinara ng makapasok na sya,at pumasok na ako at umupo sa driver seat.
"Ayokong umuwi!!..leave me alone!."
Nagbibingihan lang ako at ipinaandar ko na ang makina at pinaharurot ang sasakyan..
***
Pagdating nang pagdating sa bahay,diretso ako sa kwarto habang hilang hila parin si Jenny.
Sa galit ko,pabagsak ko syang tinulak sa kama.!
"I hate you Andrian...!!!!" Sigaw nya.
"You hate me? Well you should! Coz I'll hate you more for doing this to me!!!.." Sagot ko naman.
Napabuntong hininga pa ako then continue."Masuwerte ka nga dahil ako ang naging asawa mo!. Binigay ko lahat sayo Jenny.. At naintindihan kong ganyan ka..you acted like a man..but please wag mo lang ipakita sakin ang kahibangan mo sa babae! Tinanggap kita sa buhay ko dahil mahal kita!. At sana isapuso mo yun!. Kahit ilang beses mo pa akong saktan, I will never feel pain..hindi parin kita pakakawalan ng basta basta lang...i'll do everything para di ka uli mawala sakin,coz you will never my partner! You're just my wife!.."
Di sya nakaimik.Halos di sya makatingin sakin..nakita kong may dumadaloy na luha sa pisngi nya.
Lumunok sya.At bigla syang nagsalita.
"Andrian.. Hindi tayo bagay..hindi tayo talo!..Sinabi ko na sayo diba? For me sa papel lang tayo kasal at hindi sa totoong buhay!.."
My jaw gently move.Nainsulto talaga ako.Parang isinampal nya sakin ang mga pinagsasabi nya.
"Oo nga pala,I forgot..na napipilitan kalang pala sa pagpapakasal sakin..I forgot na hinubad mo rin pala ang singsing mo..at ako,sobrang tanga ko dahil hanggang ngayon..suot suot ko parin ang letseng singsing nato!.." Pahablot kong hinubad ang singsing ko sa harap nya.
Tulala sya.At di sya gumalaw.
Nagsalita ako uli.
"Are you happy now??.Wala na akong pakialam sayo at wala ka ng pakialam sakin! Now I realized, but nga ba ako pumatol sa katulad mo? Eh may mas higit pa naman sayo!."
Di ko na hinintay yung sagot nya, nag walk out na ako...
***
Kinabukasan,wala ako sa mood pumasok sa trabaho.Past 7 na ng umaga.
Nagulat pa ako ng mapagbuksan ko ang aking ina.
"Iho! Kumusta kayo??.." Yumakap sya sakin at beneso ako."How's your married life?"
Nag aatubili pa akong sumagot.
"Ahm... F-Fine lang ma.."
"Well that's good! Siguro nagulat ka dahil nandito ako..gusto ko lang bumisita sa inyo.Nasan ba ang asawa mo?.."
"Natutulog pa sya." Maikli kong sagot.
Pinatuloy ko na si mama sa loob..
"Iho,nakapag almusal naba kayo?.."
Umiling ako.Kagigising ko lang..ayoko pa nga gumising eh..tss..>_
"Oh cge,ako na bahala sa almusal! At gisingin mo na ang asawa mo,sabihin mong nandito ako." Napaka jolly talaga ni mama..mabuti pa sya.
Tumango lang ako at agad umakyat sa taas.
BINABASA MO ANG
My Lovely Bride
Romance"Kahit ano pang gawin mo para lang masaktan ako..I will never feel pain..Coz you will never my partner,you're just my wife!" --Andrian Erriole
