Andrian's POV
Tanging ang aking ina lang ang nagkukwento habang kami ay nag agahan.Nakikinig lang ako,samantalang si Jenny tahimik lang at nakayuko.
"Iho,alam mo bang dadating na si Kate bukas?." Masayang balita ni mama.
"Talaga ho?..pupunta ba sya dito sa bahay ma?."
"Oo naman,at sinabi kong nag asawa kana."
Napangiti ako at agad sumulyap sa kay Jenny.
"Sigurado akong hindi sya papayag na nag asawa ako."
Napangiti din si mama.
"Alam mo bang may anak na si Kate?."
"Really?" Halos di ako makapaniwala.
"Oo,saka plano nyang iiwan sakin ang bata...eh gustong gusto ko naman.." Nakangiti parin sya,tas napasulyap sulyap samin ni Jenny."Alam nyo namang matagal ko ng gustong magkaapo..."
Napatikhim ako.Napansin ko ding nailang si Jenny.
"Ma,alam mo namang minsan kalang dumalaw rito,gusto nyo ho ba lumipas ng isang gabi rito?..May 'dalawang extrang' room kasi ang di namin nagamit ng asawa ko." Idiniin ko pa ang pagkasabi ko nun.
You know naman separate room kami,kahit may nangyari na samin..mas lalo tuloy lumayo ang loob nya sakin...gusto kong makasama ang asawa ko sa isang kwarto kahit sa isang gabi lang...alam kong galit pa sya sakin,pero gusto ko talaga syang makatabi,at kung pwede lang,luluhod ako at hihingi ng tawad para pansinin nya ako uli.Ganyan ko sya kamahal! Aakuin ko na lahat ng kasalan! XD
Halatang nagulat si Jenny sa sinabi ko,napatingin lang sya sakin,at parang nag aatubili sya.
"Ah..mabuti naman kung ganun,siguro di nyo nagamit ang ibang kwarto.Sige lilipas ako ng isang gabi rito."
***
Malalim na ang gabi pero di parin ako makatulog.Nakatagilid ako at pinagmasdan ko ang likod ng asawa ko.Magkatabi nga kami,pero nakatalikod naman sakin -__-
Napaharap nalang ako sa kisame.May naisip ako.Bumangon ako at may kinuha sa aparador,isang maliit na kahon na nilagyan ko ng singsing naming dalawa..
Buti di napansin ni mama na pareho kaming walang suot na singsing.. >_
Itatago ko ang singsing nato,umaasa parin ako na balang araw...marealize din ni Jenny na mahal na mahal ko sya.At umaasa rin akong matutunan rin nya akong mahalin...
***
Pagdating ng umaga..
"O mga anak,aalis na ako.Mag ingat kayo dito ha?." Yumakap si mama sakin.
Yumakap rin sya sa asawa ko at hinalikan sa pisngi.
"Iha,matanong ko lang,kailan mo ba akong bibigyan ng apo?."
"Ma?!.." Saway ko kay mama.
"Eh bakit ba? Nagtatanong lang naman ako.." Ayan naman sa pouty lips nya."Alam mo namang naghihintay ako sa sagot mo iha..?"
Halata kong nag aatubiling sumagot si Jenny, Napayuko nalang sya.
"M-Malapit na ho ma...maghintay lang ho kayo..we're on the process naman ho."
Kumislap pa ang mga mata ni mama sa narinig.Maging ako..natulala.
"Narinig mo yun iho?? Kaya bilisan nyo na..sige na,wag nyo na akong ihatid palabas..pasok na kayo sa kwarto.!" Excited much na sabi ni mother dear.
"Ma naman..." Saway ko uli sa kanya.
"Sige na,aalis na ako! Mag ingat kayo.." Ang wide ng ngiti nya..tss
Hinabol ko lang ng tingin si mama habang papalabas sya at sumakay ng kotse.Napasulyap naman ako sa asawa ko,I saw redness in her face....
BINABASA MO ANG
My Lovely Bride
Romance"Kahit ano pang gawin mo para lang masaktan ako..I will never feel pain..Coz you will never my partner,you're just my wife!" --Andrian Erriole
