Andrian's POV
Pagod kong ibinagsak ang katawan ko sa kama.Napabuntong hininga ako at nag isip.Nasan na kaya si Jenny?..ilang beses na akong naghanap!.Bat di ko sya mahanap dito sa Pinas??..
God! Napabangun ako bigla.
Posible kayang pumunta ito sa ibang bansa??But how?...umiiling iling ako.
I know..nandito lang sya..ang galing naman nyang magtago...pero I won't give up! I'll find you!
Naisuklay ko ang kamay sa buhok ko.Kumislap ang mata ko ng maisip ko si Mang Joaquin. Yea right!..ama ito ni Jenny,malamang dun sya tumakbo at nagtago!..
***
Kinabukasan,sumilip lang ako sa opisina..at diretso na ako sa kotse ko.Humabol pa sakin si Stephan.
"Uyy bro! San kaba pupunta?? Bilis mo namang umalis?"
"Ah..pupuntahan ko muna ang asawa ko."
Pumasok na ako sa kotse,humabol parin sya.
"Pupuntahan??.Bakit? Di ba sya nakatira sa palasyo mo?." Kita ko ang pagtataka nya.
Napabuntong hininga nalang ako.
"Stef,bukas nalang tayo mag uusap,OK?"
"Pero---"
"Sige na,aalis na ako.Kaw na muna bahala dito..manager ka naman eh." Kumindat pa ako.
Nagpout pa sya! Wth?? Parang bakla lang!
"Ok..pero Andrei minsan nga lang tayo magkasama eh.Diba plano nating pumunta sa bar after ng trabaho?"
I sighed."Next time nalang bro."
Then inistart ko na ang kotse ko,at walang sabi sabing ipinaharurot ang sasakyan.
"Andrian!."
***
Umuwi ako sa bahay,dun sa bahay ng aking ina.Di na ako pumasok sa loob.Agad na hinahanap ko si Mang Joaquin..
Nakita ko sya sa likod ng bahay,at naglilinis ng kotse.
Napatikhim ako at agad syang napalingon.
"Oh..iho andito ka pala.." Napatigil sya sa ginawa nya at hinarap ako.
"Pa.."
Medyo nagulat ako sa sinambit ko,Tama namang mag 'Papa' ako sa kanya,ama sya ng asawa ko.
"Nasan ba si Jenny? Bat di kayo magkasama?" Takang tanong pa nya.
Napakuyom yung kamao ko.
"Yan din sana ang itanong ko sayo Pa,nasan na ang asawa ko??"
Nakita kong nagulat sya.
"A-ano ba yang pinagsasabi mo iho?.hinahanap mo ang asawa mo sakin?."
"Oo!..alam kong nagpunta sya sa inyo! Sabihin mo na sakin Pa!."
"H-hindi ko alam kung nasan sya.." Halatang nagsisinungaling sya,gatol gatol yung boses nya! At di sya makatingin sakin!
"Fuck..tell me!."
Sa galit ko,pahablot kong hinila ang damit nya at akmang susuntukin sya! Very unrespectful pero nawala na ako sa isip ko..
"Iho..h-hindi ko talaga alam.." Nanginginig na yung boses nya.
"Shit....!!" Mas hinigpitan ko pa ang paghawak ng damit nya at susuntukin ko na talaga sya..!
Nang bigla syang umubo..nabitawan ko sya.Ubo lang sya ng ubo hanggang sa nakasuka na sya ng dugo!..
"P-pa...!"
Mabilis akong kumilos at kinarga sya papasok sa kotse ko at dinala sa hospital.

BINABASA MO ANG
My Lovely Bride
Romance"Kahit ano pang gawin mo para lang masaktan ako..I will never feel pain..Coz you will never my partner,you're just my wife!" --Andrian Erriole