Chapter 17

608 25 2
                                    

Naglakas ng loob lumabas ng bahay si Jansen at may importanteng binili sa botika at ilang prutas na hindi siya mapakaling hindi makain.

Nakasuot siya ng hoodie jacket at naka sunglass upang hindi makilala ng mga naghahanap sa kanila.

Habang naglalakad siya naramdaman niyang may lalaking dumikit sa likod niya.Natigilan siya kaya naman napahinto siya sa kaba.

Nasa isip niya ang mga tauhan ng sindikatong humahanap sa kanila.Nakaramdam siy ng takot dahil ayaw pa niyang mamatay at gusto niya pang makasama ang mga kapatid niya.

Nakita naman ni Storm na galing sa isang tindahan si Jansen kaya naman sinundan niya ang dalaga.Para hindi rin siya makilala isinuot niya ang kaniyang dalang sunglass, naka army cap at nakamaong pants na maraming butas ang binata.Agad siyang dumikit sa likod ng dalaga at naramdaman niyang natigilan ito.

"Keep moving!mahinang utos niya sa dalaga.Kinakabahan man ginawa ni Jansen ang utos nito.Hindi niya hahayaang makuha siya nito.Nilakasan niya ang loob upang makatakas dito.Nang makakuha ng tiyempo sinipa niya ito ng ubod ng lakas na nag paigik sa nabiglang binata.Hindi niya kasi inaasahang gagawin ito ng nobya.Mabilis na tumakbo ang dalaga at nagkubli sa mga sasakyan.

" Ahh fuck!Dahil nabigla hindi niya inaasahan ang ginawa nito at may kalakasan ang pag sipa nito na muntikan ng tamaan ang iniingatan niya sa pagitan ng mga hita.

"Damn you Jansen!hinanap niya kung saan nag tungo ang dalaga.Paikot ikot siya pati ang mga gilid ng sasakyan hinanap niya pero hindi na niya ito makita.Hindi niya siguro namalayan na sumabay ito sa mga taong naglalakad.

Hinahanap niya ito ng mag ring ang kaniyang cellphone.

" Damn!Kahit kailan talaga istorbo ka!Bwesit na herodes 'to."tukoy nito kay Max na sinagot ang tawag habang gumagala ang paningin baka sakaling makita niya ang dalaga.

Hindi siguro nito nakilala ang boses niya at napag kamalan pa siya na isa sa mga tauhan ng Black Poison.Nagtatagis na lang ang kaniyang bagay na muling ibinulsa ang cellphone ng matapos ang tawag.

Sisiguraduhin niyang sa susunod hindi na siya matatakasan ng dalaga kung kinakailangang igapos niya ito gagawin niya upang hindi lang ito mapahamak.Masisraan na siya kakahanap dito kung hindi lang sa Uncle Sam niya hindi niya malalaman kung saan ito naglalagi.

Maingat na nakapasok si Storm sa loob ng bahay ng dalaga.Isinara niya ang secret passage na dinadaanan patungo sa mismong kwarto ni Jansen.Naamoy niya natural na amoy nito,and he really missed her.Nakita niya ang dalaga na nakasubsob sa toilet bowl na nagduduwal.Nakabukas ang banyo ng kwarto nito kaya kitang kita niya pati ang pamumutla nito.Hindi siya pumasok hinayaan niya lang muna ito at sumandal sa hamba ng pinto ng banyo.Napapa buntunghinga siya kahit gustong lapitan ang dalaga ay hindi niya ginawa.They need to talk kung ano man ang problema nila.

Every morning ganun ang eksena niya sa bahay nila.Naghilamos siya ng mukha saka inabot ang towel at nagpunas ng mukha.Nagulat pa siya ng makita ang hindi inaasahang mukha.Napahawak siya sa dibdib.

"Anong ginagawa mo dito?at paano ka nakapasok?Paano mo nalaman na nandito ako?"sunod-sunod na tanong niya na nilampasan ito.

" hey relaxs okay?Isa isa lang!First si Uncle Sam ang first owner nitong bahay he told me about the secret of this house.

Second, naghinala siyang nandito ka lang sa bahay mo and He is right dito ka lang pala nag lalagi kahit ilang beses na akong nag pabalik balik sa pag babakasakaling makita kita.Third, hindi ka dapat umalis ng Isla ng hindi ko alam Jansen."anito na hindi umaalis sa pagkakasandal sa hamba ng pinto ng banyo.Pinagmamasdan niya lang ang dalaga na nailang sa kaniya.

"Ngayong alam mo na buhay pa ako makakaalis ka na!!" pagtataboy niya sa binata.Namimiss niya ang binata pero pinairal niya ang galit niya dito.

Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito kaya naman nilapitan na niya ang dalaga.

"Nahihibang ka na ba Jansen?Hindi ka ba nag iisip ha?Ilalagay mo ba ang sarili mo sa kapahamakan stupid!"bulalas ni Storm.

"Oo na stupid na kung stupid!kung iyon ang tingin mo sa akin.Alam ko naman na ikapapahamak ko ang pag alis ko pero hindi ko naman maatim na may mangyari sa kapatid ko."

"Bakit mapipigil mo ba ang Black Poison sa balak nila sa inyong magkapatid huh?Anong kaya mong gawin?May magagawa ka ba?ani Storm na naiinis sa tigas ng ulo nito.

"Alright!You need to pack your things ng makaalis na tayo dito.You're not safe here!"ani Storm.

" No!Hindi ako sasama sa iyo!"pag mamatigas niya.She hate him baka pag sumama siya dito lalo lang siyang masaktan.Wala siyang balak makipag kompitensiya kay Maxine.And speaking of Maxine nahagip ng mata niya na ito ang tumatawag sa binata nang biglang mag ring ang phone nito.

"Damn!napamura ang binata bago sinagot ang phone.Pinakinggan lang nito ang kabilang linya.

" Bilisan mo sweetheart!"malambing na bungad ni Max sa kabilang linya.Ito kasi ang nagmamaneho ng kotse na nakaparada sa may di kalayuan sa bahay ng dalaga.

Napapikit na lang ang binata na pinindot ang end call.Namumuro na sa kaniya ang Maxwel na iyon.Talagang panira sa kanilang dalawa pag ito na inlove nuncang tulungan niya.

Nakahalukipkip lang ng braso ang dalaga kaya naman kinuha niya ang maleta na sa gilid lang ng kwarto nito.Ipinatong niya sa ibabaw ng mesa at kumuha ng mga damit ng dalaga sa closet nito.Sinusubukan talaga nito ang pasensiya niya.

"What are you doing?Do you think na sasama ako sa iyo no way!"galit na pinagtatanggal nito ang mga damit na nilalagay ni Storm sa kaniyang maleta.Muling ibinalik sa aparador.

Hinayaan naman ito ni Storm,mawawala rin ang galit nito sa kaniya.

Napansin niya ang isang bagay na nakapatong sa mesa isang pregnancy test.

Kinuha niya iyon,its possitive tama ang hinala niya ng makita itong nagduduwal kanina.

Binalikan niya ang bag at ibinalik ulit sa loob ang lamang inalis na ni Jansen.

This time wala itong nagawa,naisilid niya ang mga damit nito sa travelling bag at muling isinara.

Muling pipigilan sana ito ni Jansen ng maramdamang parang binabaligtad ang kaniyang sikmura.

Natutop nito ang bibig at tumakbo ito sa bathroom at nagsusuka na naman.

Naiiling na sinundan ng tingin ni Storm ang nobya.Masama na nga ang pakiramdam may pagka stubborn pa rin.Pumasok siya ng banyo at hinagod ang likod nito na nagduduwal sa bathroom sink.

Nang mahimasmasan ang dalaga ay tinabig niya si Storm na naiiling na lang.

"Now that you know where I am you can leave!!"

"Yeah honey we can leave at this house come on.You're not safe anymore here!" anito sa dalaga na ibinaba sa kama ang bagahe.

"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako sasama sa iyo."

"At ilang beses ko din ba na uulitin na sasama ka sa ayaw at sa gusto mo?Now get change ng makaalis na tayo." Maawtoridad na utos nito.

"I said No!hindi ka ba nakakaintindi!" Gigil na tugon ni Jansen.

Napatingala sa kisame ang binata at muling hinarap ang dalaga.

Do you think na papayag ako na maiwan ka dito huh?Hindi mo ba naisip na ang mga kapatid mo?Hindi mo ba naisip na malalagay sa alanganin ang buhay mo pati anak ko idadamay mo?"

"Hindi ko alam sinasabi mo!" Maang ni Jansen.Dumilim ang mukha ng binata at inihagis sa kama ang pt na nakuha.Sinundan naman ng tingin ng dalaga ang inihagis nito.Namilog ang mata niya.

"Ganun ba kalaki ang galit mo sa akin pati ang tungkol dyan itatago mo pa?!Mariing naisabunot ang kamay sa kaniyang buhok na nagtitimpi sa galit.Bumuntunghinga at muling hinarap ang dalaga.

"Let's go!Kinuha nito ang maleta at malamig na tingin ang pinukol sa dalaga.

Nakasimangot na sumunod ang dalaga hindi niya pinansin si Max na binati pa siya.Tahimik din sa loob ng sasakyan si Storm hinayaan nito na si Maxwel ang magsalita ng magsalita.









Storm- Playful ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon