Chapter 12

605 24 2
                                    

Minsang pumasok si Jansen sa kwarto at nag ring ang cellphone ng binata.Maxine calling iyon ang nakaregistered sa screen ng cellphone ni Storm.

Hindi siya nag alinlangang sagutin ang phone nito.Hindi niya alam kung magagalit ba ito o hindi.

"Hello"matabang niyang sagot sa kabilang linya.

"Uhmm... Pwede ba kay Storm?"malambing nitong tanong.Natigilan siya babae ang caller nito.

"He still in the shower,may kailangan ka ba?alanganing tanong niya sa kausap.

"Uhmm...pakisabi na lang na... I'll waiting for him sa hotel suite ko.He knows my hotel room bye!"anito na sadyang nilambingan ang boses.

Saktong lumabas na ng banyo si Storm.Inilapag niya sa kama ang cellphone nito.

" Someone calling you!Ayan sinagot ko na Maxine daw!Magkita daw kayo sa Hotel suite niya na tinutuluyan niya."paangil niya dahil sa inis na nararamdaman.

"Jansen honey its not what you---

Hindi na niya pinatapos ito nagmamadali na siyang lumabas at binagsak ang pintuan pasara.Sobrang sama ng loob niya sa binata.At hindi siya tanga harap harapan pang ipinaalam na nagkikita nga ang mga ito.

Masaya silang nagkukuwentuhan ng dumating sina Storm at Keith,kasama nila ang Beauty Contest winner na madalas na kasama ni Storm.Mukhang masaya ang mga ito at nakangiti pa ito habang kausap ang mga kasama.

"Hi!guys meet Maxine!" pakilala ni Storm sa kanila.Naka mini na maong skirt lang ito at naka halter top.Maganda nga talaga ito lalong lalo na sa malapitan at nakakainggit ang kaputian na mamula mula.

"Hello!!" simpleng bati naman nila.Ang tatlo namang lalaki ay nag unahan pang lumapit sa mga ito at nakipagkilala at nakipagkamay dito.Nahuli pa niyang kumikislap o nagniningning ang matang ngumiti si Storm,na hindi nakaligtas sa paningin nina Mary Ann at Kristine.There's something fishy with Storm and Maxine.

Hindi naman mapakali si Jansen sa kinauupuan niya.

"Aah guys maglalakad lakad lang kami sa labas. Maiwan na muna namin kayo!" paalam ni Kristine dahil nararamdaman niya ang pagkailang ni Jansen.

Nakahinga ng maluwag si Jansen,dahil naiintindihan siya ng mga ito.

Si Rhyder ang nakabuntot sa kanila dahil hindi pumayag si Giuseppe,mahigpit ang bantay nito kay Kristine.Nalaman kasi nila na mag kakilala pala si Giuseppe at Kristine at ang binata pala ang tokang maging bodyguard guardian ng dalaga.

Nagtungo sila sa isang simpleng Restaurant.Isang simpleng kainan lang siya na pwedeng magvideoke ang lahat ng trip kumanta.

Nagkayayaan silang kumanta,nakabukod ng mesa sa kanila si Rhyder na tahimik lang na nagmamasid sa paligid.

Tumayo si Jansen ng siya na ang kakanta.Nagustuhan niya ang kantang napiling ilagay sa videoke machine.

Nagustuhan niya ang song para kay Rhyder mukha kasi itong may heartache na pinagdadaanan kaya napag tripan niyang kantahan.

"I dedicated this song to you Rhyder hope you like it!"natanawan niya ang grupo na sumunod pala sa kanila with Maxine,napakunot ang noo si Storm sa pangalang binanggit ng dalaga.

Right from the start

You were a thief, you stole my heart

And I, your willing victim

I let you see the parts of me, that weren't all that pretty

And with every touch you fixed them

Storm- Playful ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon