Chapter 14

640 26 2
                                    

Ilang beses na niyang inignora ang bawat tawag sa kaniya ni Storm.

Galit pa rin siya dito at wala na siyang balak pang kausapin pa ito,Para ano pa? para ipamukha sa kaniya na hindi naman talaga siya nito minahal.Kalilimutan na niyang nakilala pa niya ang lalaking kauna unahang minahal niya at wala na rin siyang balak magmahal kung sakali,tama na ang minsan.

Pinanindigan na niyang hindi maglalabas kung kinakailangan lang.Marami pa namang stock ng pagkain kaya hindi siya magugutom.

Ilang linggo na ring masama ang kaniyang pakiramdam.Magdadalawang buwan na siyang delayed sa monthly period,isa pa iyon sa problema niya. Pero ang pghahanap sa kapatid ang kailangan niyang unahin bago ang sarili niya.

Nakatanggap siya ng tawag kay Aiden,nung una wala siyang balak sagutin ang tawag sa pag-aakalang si Storm na naman ang makulit na tumatawag.

Naiyak siya ng makitang ang kapatid ang caller niya.

"Hello Aiden?Nasaan ka pupuntahan kita!" Umiiyak siya habang sinasabi ito sa kausap.

"Please dont cry Ate Jansen, ayokong mag-alala ka sa akin kaya ako tumawag." anito sa kabilang linya.

"Ano bang ginagawa mo Aiden?Alam mong nag aalala ako sa iyo.Bakit ka umalis kina Sarah?Sa kaniya kita pinag katiwala pati iyong tao nag aalala rin sa pag kawala mo." sermon niya sa kapatid."

"Im sorry Ate I will call Sarah later na lang.

Im okay at safe ako sa kinaroroonan ko ngayon Ate Jansen."

"Utang na loob Aiden sabihin mo sa akin kung nasaan ka pupuntahan kita ngayon din!

Hindi mo lang alam kung anong nararamdaman ko,kung pano ako mag-alala sa iyo na baka pinatay ka na ng mga humahanap sa iyo.Alam mong hindi ko kakayanin pag may nangyaring masama sa iyo.

Hindi ako makatulog sa kakaisip kung buhay ka pa ba?Kung okay ka ba o napahamak ka na sa taong iyon."Nanginginig ang mga kalamnan niya sa tensiyon habang umiyak na kausap ito sa mobile phone niya. 

"Please Ate Jansen intindihin mo lang sana ako,alam ko kung ano ang pinagdadaanan mo dahil sa problemang dinala ko!".umiiyak din ito.Naintindihan niya ang nararamdaman ng Ate niya,ganito sila kamahal nito kahit magkaiba ang ama nila.

Ate gusto ko man na sabihin kung asan ako ngayon pero hindi maaari para sa kabutihan niyo rin ito ni Aileen,mas mabuting wag mo na lang malaman Ate.Promise sa ikagagaan ng loob mo nasa safety place ako at may mga tumutulong sa akin Ate.

Wag ka mag-alala Ate lagi ako mag iingat para sa inyo.At lagi mo tandaan Ate mahal na mahal ko kayo ni Aileen lagi kayong mag iingat.

Please Ate wag ka masyadong mag-alala,isipin mo rin ang sarili mo at si Aileen.

I know nasa mabuti kayo, sige Ate hindi ako pwedeng magtagal.

"I love you Ate Jansen ingat kayo lagi ni Aileen."

"Ano pa bang magagawa ko?basta ingatan mo ang sarili mo.Aiden pinanghahawakan ko ang sinabi mong nasa ligtas na lugar ka.Pag may problema tawagan mo agad ako."

Naiyak na naman siya habang kausap ito.

"I love you too,please take care yourself.Isipin mo na lagi kaming nandito para sa iyo kahit anong mangyari.Mahal ka ni Ate tandaan mo iyan!"

"I will always remember Ate ingat kayo lagi bye!

Kahit papaano nakahinga siya ng maluwag dahil nasa mabuti itong lagay.

Ang hindi niya alam kung saang lupalop ito at kung kailan sila magkita kitang mag kakapatid.

Nasa tabing dagat si Aiden habang nakatanaw sa kalawakan ng karagatan.Nakaupo siya sa isang putol na kahoy.

Storm- Playful ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon