Chapter 2

1.1K 32 1
                                    

Hapon at nagpapahangin sa terrace si Jansen muli niyang pinagmasdan ang kabilang bahay.

Hindi naman kalakihan ito at simply lang pero ewan ba niya kung bakit interesado siya sa bahay na 'yon.

O baka lang wala silang sariling bahay at nangungupahan lang sila kaya atat lang siya magkaroon ng sarili.Nagkibit balikat na lang siya at pinagmasdang mabuti ang paligid nito.

Napansin niya ang di kalakihang gruto na nakadikit sa pader,kung susuriin wala pa atang isang dipa ang lapad nito.

Walang kakaiba pangkaraniwan lang, sa gilid nito ay mesang pabilog at upuang bakal na napipinturahan ng puti.Inip na inip siya at kating kati ang paa na lumapit kung saan niya nakita ang matandang lalaki.

"Hmm....why not?naisip niyang lumapit dito.Kaya naman nagmamadaling bumaba ng apartment at nagtungo dito.

Sinuri niyang mabuti ang pader,wala naman siyang napansin kundi ang halamang tumutubo sa buong pader,na nagmistulang wall design nito.

"Para akong tanga dito!"reklamo niya sa sarili dahil wala siyang napansing kakaiba.

"Hmmm...pero curious talaga ako,what if may secret passage pala dito?Hindi sumusukong nag isip siya.

Tumingin siya sa paligid wala namang mga tao baka kasi mapagkamalan siyang sira ulo na kinakausap ang sarili at worst sa lahat mapagkamalang magnanakaw,kamaman-man niya sa paligid ng bahay na iyon.

" Hmm..they say curiousity kills the cat,but who cares?!She is Jansen Tamayo Gatanela for her"curiousity makes knowledge"bakit kung di ka curious sa isang bagay malalaman mo ba kung ano ang meron sa bagay na iyon?"kausap niya sa sarili.

"I feel there's something behind this wall"patuloy na kausap sa sarili at sinuring muli ang pader kahit pang karaniwan naman ang nasabing pader.Buti sana kung The great wall of China pa ito baka pwede pa.

"Haist! nakakainis may sa engkanto yata iyong matanda na iyon,malamang sa hindi!tiningnan niya ang relo sa bisig.

Ganitong oras ko siya nakita dito.

"Hmm..what a nice idea Jansen!".maya maya ay kampanteng sumandal sa pader ang dalaga.

Nagulat pa siya ng biglang lumabas ang matandang lalaki sa pader.Nanalaki ang mata niya.

"What are you doing here young lady?Are you spying at me?maawtoridad ang boses nito.

"ah eh...bigla siyang kinabahan dito mukhang galit pa ata.

"Explain!"utos nito.

Daig pa niya ang nasa military kung maka command wagas.Napaka strict pa ng itsura nito at mukhang hindi mababali ang utos nino man.

"ah mm...Im just spying a little bet ah eh--amin niya dito na ngumiti ng alanganin sa matandang kaharap.

"Why are you spying at me?

"Im not spying at you Sir and excuse me Im not interested in old man my gosh!"taray niya dito na nawala ang pagkailang sa kausap.Baka isipin pa nito kay nag spy siya eh may gusto siya dito.Kahit kabado tinarayan niya pa rin ito.

"So what is it young lady?Im waiting.. seryoso pa rin ang mukha nito.Tukoy nito sa explanation niya.Hindi pansin ang pagtataray niya.

"Uhmm...lets say Im just curious about the house,it looks interesting na ang tinutukoy ay ang pader na dinaanan nito.Nakasara na ito at halatang hindi talaga pansin na isa itong secret passage.

Tumaas lang ang kilay nito sa mga sinabi niya.

Nakaka intimidate naman ang taong ito." anang isip niya,mukhang di matitinag ng kahit sino.Nagmamadali na lang siyang nagpaalam dito baka maakusahan pa siyang may masamang balak sa bahay nito.

Storm- Playful ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon