Chapter 15

652 28 2
                                    

"Anong update sa paghahanap niyo kay Jansen at sa mga kapatid niya?" Tanong ni Mr.Martin sa inutusan niyang tauhan upang hanapin ang dalaga.

"Boss huling natagpuan ng mga tao ko nasa isang Isla ang magkapatid.Pero Boss itinawag ng mga tauhan ko na nawawala doon sa Isla si Ms.Jansen nitong mga nakaraang linggo." report ng inutusang tao nito.

"Punyeta!!Hindi maari!Ano bang trabaho ang inaatupag niyo at hindi niyo magawa ng maayos ang inuutos ko?Malaki ang binabayad ko sa inyo kaya gawin niyo ng maayos ang trabahong pinagagawa ko.Kailangan makita niyo siya sa lalong madaling panahon." galit na utos ni Mr.Martin sa tauhan.

Mariing hinagod ng palad nito ang ulo.Sumasakit ang ulo niya dahil mabagal magtrabaho ang mga ito na hanapin ang kaniyang pinapahanap.

"Siguraduhin niyo na pagbalik niyo sa akin kasama niyo na ang mag kapatid.Gawin niyo ang lahat para makita agad sila.Walang ibang pupuntahan ang mga iyon kaya mag madali kayo!Sige sige magsilayas na kayo at may kameeting pa ako!"

"Yes Boss!!" paalam nito kay Mr.Martin at lumabas na ng opisina nito.

"Mainit na naman ang ulo mo?Hindi pa ba nahahanap ng mga tauhan mo ang anak mong si Jansen at ang kaatid niya?" tanong ng bagong pasok na si Rosie.

"No!Hanggang ngayon hindi pa nila nakikita.Ewan ko ba ang kukupad kumilos ng mga tauhan mong iyon.Maghanap ka kaya ng ibang mauutusan para makita agad sila.Ang daming araw na nasasayang dahil sa kanila.Maghanap ka ng ibang tauhan na hahanap sa anak ko.Ang laki laki ng ibinabayad ko pero nalulusutan sila.Ang lalaki ng mga katawan iisang babae lang hindi pa magawang bantayan."reklamo ni Mr.Martin kay Rosie.

" Haist relaks lang honey!Who knows baka bukas matagpuan na nila ang hinahanap nila.Wag mong intindihin iyon at pag sasabihan ko ang mga iyon na madaliin ang paghahanap.

Get ready mag uumpisa na ang meeting sa comference room.Let's go!!"ani Rosie.

Kinuha niya ang laptop at sumunod dito upang mag tungo sa comference room kung saan naghihintay ang mga ka business meeting.Its a busy day for him.Marami siyang mga dapat kausapin at asikasuhin.

"Hi guys!!"malanding bati ni Maxine sa kanila habang nakapulupot ang braso nito kay Storm.

Muling bumalik ng Isla si Storm dahil sa importanteng bagay na kailangan ang kaniyang presensiya.

Sinimangutan ni Aileen si Maxine dahil sa nakikitang pag pulupot nito sa binata.Naiinis siya dahil ito ang dahilan kung bakit nasasaktan ang Ate Jansen niya, isa rin ito sa dahilan kaya nag pumilit umalis ang Ate niya kahit alam niyang nasa peligro ang buhay nito.

Lantaran ang pag irap niya kay Maxine sa inis niya dito.

" Hey girl what's that face huh?"tanong nito nang lapitan nito si Aileen.

"Do you have a problem with my pretty face huh?Im know your pretty than me pero wala ka ng magagawa sa mukha ko.May problema?" taray niya sa babaeng kaharap na ikinatawa lang nito na mas nag pairita kay Aileen.

"You know what gusto ko iyang pagtataray mo pero hindi iyan oobra sa akin darling!" bulong ni Maxine sa dalagang sambakol ang mukha.Naiinis na nilayasan sila ng dalaga na sinundan naman ni Mary Ann.

Binatukan ni Storm si Max ng mawala sa paningin ang mga kasama.

"Ano na naman pinagsasabi mo dun at ganun ang itsura ni Aileen?" ani Storm.

"Wala lang natutuwa lang ako sa expression ng hipag mo bro ang sarap asarin.Kaya alam ko ngayon pa lang hindi lang si Aileen ang maiinis malamang pati ang Ate niya selos na selos." anito na humalakhak ng bigyan ng masamang tingin ni Storm si Maxwel.

"Tang ina mo Max pag hindi ko nakita si Jansen dahil sa kagagawan mo ikaw ang ibibitin ko ng patiwarik.Dahil pag ako naunahan ng mga tauhan ni Black Rose malilintikan ka talaga sa akin na hinayupak ka!."pagbabanta ni Storm kay Maxwel na tatawa tawa lang.

" Hey bro relaks okay!High blood agad?c'mon sweetheart gusto mo ba ng coffee ipagtitimpla kita."lambing nito kay Storm na may kasamang himas sa likod ng binata.

"Maxweeeell!!!mariing banggit niya sa pangalan nito.Mariing binato ito ni Storm ng rolyo ng tissue pero nailagan nito.

" hahaha peace bro!"sabay layas nito na malakas na tumatawa.Nasapo ni Storm ang noo na para bang sumasakit ang ulo.Dahil sa hinayupak na lalaking iyon kaya siya nilayasan ni Jansen.Obvious naman na sinasadya nitong pag selosin ang dalaga bilang Maxine.Sinasamantala ng gago ang sitwasyon niya na hindi siya makakapalag dahil sa misyon nila.Silang tatlo lang ni Giuseppe ang nakakaalam sa undercover ni Maxwel bilang Maxine na siya ngang dahilan ng pag seselos ni Jansen.Kahit ang mga kasamahan niya na sila Xavi walang kaalam alam na si Maxwel at Maxine ay iisa.

Kaya nga natutuwa siya na pagtripan din sila Xavi at Hunter sa pakikipag landian ni Max bilang Maxine sa mga ito.Dahil ngayon pa lang pag nalaman ng mga ito na nilalandi nila ay si Max baka mabugbog nila ang binata.

Kaya nga enjoy na enjoy si Maxwel sa kaniyang pag babalat kayo upang mapag tripan din ang mga kasamahan.Naturingang mga ex army ang mga ito ay nagawa niyang paikutin sa palad ang mga lalaking galit sa mga binabae.

"Tsskkk...." natatawa na lang sa pinag gagawa si Maxwel habang iniinom ang alam sa kaniyang kopita.Bumalik na ito sa kaniyang kwarto kaya malayang iladlad ang sarili kabaligtaran bilang Maxine.Naiirita siya pag nakasuot pambabae at naka suot ng wig.Madalas talaga siya ang nakatoka sa mga ganitong misyon na minsan ay kinaiirita niya at minsan naman ay napapakinabangan niya.Lalo na pag inaasar niya si Aileen.Alam niyang asar na asar ito sa kaniya bilang Maxine.Nag eenjoy naman siyang inisin ang dalaga.Ngayon niya lang napansin na cute pala ang dalaga.

Hindi niya alam kung may gusto nga ito kay João na alam niyang hindi papatol sa dalaga.Nakikita niyang mas close ito kay Xavi at Hunter.

Naiiling na lang na tumayo na ang binata para maka pag shower.Buti na lang at hindi sensitive ang balat niya sa mga make up na nilalagay niya.Hindi galaw ang ginagawa niya para sa misyon niya.Pinag aralan pa niya kung paano gumamit ng make up at ibang bagay na magagamit bilang isang babae.Halos mapasigaw siya sa sakit noong unang mag pa wax siya ng mga balahibo sa kaniyang braso at binti pati balahibo niya s kilikili.

Nung una pinagtatawanan pa siya ni Storm ng samahan siya nito sa spa para sa kaniyang transformation bilang Maxine.Halos mamatay matay sa kakatawa sa kaniya nung time na iyon si Storm.Kaya naman gumaganti siya hindi nito magawang tumawa pag sinsadya niya itong landiin sa harap ni Jansen.Muntikan na nga siyang masuntok ni Storm dahil nagalit ang dalaga dito.

Halos maningkit ang mata ng dalaga pag nilalandi niya si Storm.At ang kaibigan niya walang magawa dahil ayaw rin naman nilang mabulilyaso ang kanilang misyon para na rin naman iyon sa kaligtasan ng dalaga.Alam niya ang kwento ng mag kakapatid kung bakit nasangkot sa gulong kinasusungan ngayon.

Lintik talaga ang grupo ng Black thorn tinik sa kanilang landas.Sakit din ng lipunan ang mga ito.Okay lang sana kung matinong gawain ang ginagawa ng organisasyon nila wala sanang problema.

Sangkot sa mga krimen at panggagantso ang grupo nito at sangkot sa pag patay kasama na ang mga membro nito na gusto nilang patahimikin pag alam nilang babaligtad na ang mga ito.Wala pa sila lead sa totoong identity ni Black Rose.Matinik itong mag balat kayo na hanggang ngayon ay malayang gumagalaw kasama ang mga kampon nito na magkalat ng kasamaan.Pati mga inosente ay dinadamay ng grupo.

Storm- Playful ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon