Chapter 20

759 24 2
                                    

"Eunize sure ka na ba?Pwede pa tayong umurong sa plano mong ito!" ani Maria Losel sa kaibigan.

"I will not back out from my plan!I want to know where my child is.Kung gusto mo ikaw ang mag back out!" ani Eunize kay Maria Losel.

"Kung siguradong sigurado ka syempre go ako, kaya nga nasa likod mo lang ako para tulungan ka.Kahit anong mangyari naka suporta ako sa iyo para mahanap natin kung saan nila dinala ang anak mo." ani Maria Losel.

Matagal na nilang pinag planuhang magkaibigan na magpapanggap na transgender upang makapasok sa teritoryo ng Black Poison Syndicate.Isa si Eunize sa naghahanap sa leader ng grupong ito dahil sa anak niyang nawawala.

Ito lang ang naiisip niyang paraan upang mahanap niya ang nawawalang 1 years old na anak.Hindi niya alam kung saan ito dinala ni Bianca.

Ang baklang pinagkatiwalaan niya na pag iwanan ng kaniyang anak.
Kapitbahay niya noon si Bianca sa isang apartment.Nilalagnat si baby Euna at wala siyang mauutusang bumili ng gamot nito.Wala ring mapag iiwanan sa bata.Kaya nang mag offer ang baklang kapitbahay niya na ito muna ang magbabantay sa bata ay walang pag alinlangan na pinag katiwala dito ang kaniyang anak.

Bukod sa hindi naman siya magtatagal sa botika na siyang malaking pagkakamali niya.

Umuwi siya hindi na niya nadatnan ni ang anino ng kaniyang anak na tinangay na pala nito.
Nagwawala siya sa galit ng malaman na umalis na pala ito ng inuupahang apartment.Nung time na mag offer ito na babantayan ang kaniyang anak nagkataong may nakalimutan lang ito sa inuupahang unit.

Nagtanong tanong na siya sa mga kapitbahay pati sa barangay pero walang nangyari sa kaniyang paghahanap.May nakakitang dala nga ni Bianca ang anak niya pero wala naman silang idea kung saan nito dinala ang bata.

Ang alam niya lang ay may nag iisang kapatid si Bianca at hindi pa niya ito nakakaharap.Wala makapagsabi kung may kamag anak pa ang mga ito.

Halos mawalan siya ng ganang mabuhay ng mawala sa kaniya ang kaisa-isang anak.Hindi niya alam kung saan ito hahanapin at saan mag sisimula.Kung hindi dahil sa kaibigang si Maria Losel baka matagal na siyang sumuko.Ito ang nagpapalakas ng loob niya at sumusuporta sa kaniya bilang matalik niyang kaibigan.

Ito ang karamay niya sa pag hahanap sa kaniyang anak.May anim na buwan na siyang naghahanap sa kaniyang anak.Wala ring update ang mga pulis kaya nawawalan siya ng pag asa.

Hanggang sa nabalitaan nga niya na ang magkapatid na ito ay kasapi ng isang sindikato.Ang Black Poison Syndicate.Ito ang sindikatong may hawak sa karamihan ng mga gay at transgender na ginagamit ng organisasyon sa iba't ibang raket upang kumalap ng limpak limpak na salapi.

Kinukumbinsi ng grupo na sumali ang mga chakang bakla na may mataas na ambisyon sa buhay at target ng mga ito ang mga baklang kumakapit sa patalim.Inu-operan din ng mga ito na sagot ng organisasyon ang transformation ng mga ito upang maging isang ganap na babae na ultimate dream ng karamihang bakla.
Ito rin ang dahilan kaya maraming bakla ang naiinganyong sumali sa grupo.Ang gawin silang ganap na babae kapalit ng pag sunod sa utos ng kanilang pinuno na si Black Rose.

Nalaman ni Eunize na pag aari ng organisasyon ang Precious Night Bar na kanilang papasukin.Nag apply sila dito bilang waitress si Maria Losel at singer si Eunize.

Bakla at transgender ang tinatanggap sa nasabing bar.Policy ng nasabing bar hindi kailangan malaman ng customer na gay sila or transgender.Ang management lang ang makakaalam ng kanilang record.
Hindi lang ang Precious Night Bar ang hawak ng grupo may ibat ibang klase ng raket at dito napupunta ang mga hindi kagandahang bakla na kailangan pang mag transform into a Godess Venus beks.

Dahil hindi naman chaka sina Eunize at Maria Losel kaya natanggap sila sa Precious Night Bar.Hindi naman talaga sila ang nasa list na dapat matanggap kung hindi pa nila pinurga ang dalawang beki na mas maganda pa sa kanila.Dahil pinurga nila ang dalawang beki hindi ito nakarating kaya naman sinuwerte silang makapasok sa Precious Night Bar.

Gagawin ni Eunize ang lahat upang mahanap ang baby niya.Kailangang mahanap niya si Bianca na siyang kumuha sa kaniyang anak.
Masyadong baby pa ang anak niya para mawalay s kaniya.At walang sino man ang maaaring kumuha sa kaniyang nag iisang anak.Naiiyak siya everytime na naalala si baby Euna.Paano pa kung malaman ng ama nito na may anak sila at nawawala pa.
Hindi niya alam ang gagawin.

Ang mga tauhan ng naturang bar ay magkakasamang naninirahan sa isang compound na may 10 units.
Maswerte na sila Eunize at Maria Losel dahil dalawa lang sila nito sa isang unit.Mahihirapan kasi silang kumilos kung may beking kasama baka mabulilyaso pa sila sa kanilang pagpapanggap.

At ayaw rin naman nila na may kasamang beki sa kwarto dahil kahit sabihing beki or bakla ito lalaki pa rin ito baligtarin man ang mundo.

Hindi siya galit sa lahat ng bakla pero dahil sa ginawa ng mga kapederasyon nito pati pagtingin sa ibang bakla ay nadadamay na rin sa mga hindi magandang nagawa ng iba.

Umaakto silang mga beki pag may mga kasamahang bakla pati ang pananalita upang hindi sila mahalata.

"Hi!mga bakla bago kayo dito?"tanong ng isang bakla na malanding kumending habang lumalapit sa kanila.

" Yup!"sagot ni Maria Losel dito.
"Nga pala ito iyong uniform niya bilang waitress."

Ako nga pala ang Diyosang mula sa kalangitan na bumagsak sa lupa Diyosang Anne Cutex."anito na rumampa.

"Hehe mukhang napasama ang bagsak mo sa lupa gurl!" Komento ni Eunize na siniko ni Maria Losel.

"Ay true ka mamah!" anang kasama nitong bakla rin.

"Heeeh!atrimitida ka bakla pag ikaw kasama ko sinisira mo ang pangarap ko." reklamo nito sa kasama.

"Ako nga pala si Scarlete mga mamah pasensiya na kayo sa baklang Diyosang Anne Cutex baka gusto niyo magpalinis sa kaniya ng paa." anito.

"Ay pak I like it ganern nga mother oi mga bakla baka like niyo sa akin mag pa pedicure at manicure ako lang ang hanapin niyo.
Ako lang naman ang reyna ng mga paa dito." Ito kasi ang trabaho niya.
Naiinggit nga ito sa magagandang baklang tulad nila dahil sila lang ang qualified na makapasok sa Precious Night Bar.

Isa ito sa nangangarap na maging isang diyosa na magkaroon ng makinis na balat at nang gandang hindi mo inakala.Ang mukha kasi nito ay may naninirahang isang angkan ng mga pimples na nag kalat na ng lahi sa kaniyang oily face.

Kaya naman isa ito sa mga chakang naingganyo na sumali sa organisasyon ng Black Poison upang maambunan kahit man lang ng nakakalasong ganda ika nga.

Mga angking ganda na numero unong pangarap ng mga kabaklaan.Hindi lang mga kalahi ni Eba ang nangangarap na mag taglay na ganda at sexyng katawan.Bakla man sila pangarap din nila ang mga pangarap ng mga babae lalo na kung pag ibig din lang ang pag uusapan.May damdamin din silang nasasaktan nangangarap na may lalaking mag mamahal sa kanila na hindi iiwan at hindi ipagpapalit pag nakakita ng maganda at sexy.Kaya hindi niyo masisisi ang katulad nilang beki na ang iba sa ka desperadahan nakakagawa ng hindi maganda sa kaniyang kapwa.Ang iba kumakapit sa patalim para sa pansariling kaligayahan na doon na lang nila natatagpuan.

Storm- Playful ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon