When I was Your Man

58 1 2
                                    

When I was Your Man
by Bruno Mars

Busy sa pagpapayaman kaya antagal bago mag update. :D Pasensya na po, Dyosa lang!

Para sa lahat ng nanghihinayang sa kanilang sinayang.
♥-Kwin

“Hello madlang tao! Magandang buhay sainyo! I’m Dj Sab! Nandito na naman tayo sa ‘Message and Request’ portion ng ating programa. Sa portion kung saan pwede kang mag message sa minamahal mo, kaibigan, crush, member ng family o kahit sa kaaway mo pa. You can confess here or simple thanked them or either rant them. Nasayo ang buong oras para ilabas ang nararamdaman mo. And after the message, you can request song that you want. So, who will be our first caller?”

When the phone rings sinagot na ito ng staff. May mga sinabi lang na rules bago binigay saakin yung linya.

“Hello”

Natigilan ako ng sandali.

“Hello, Dj?”

“Ah, yes? Pasensya na, medyo na excite lang ako kasi lalaki ang caller natin ngayon. Once in a blue moon lang kasi tayo magkaron ng lalaking caller”

I take a deep sigh.

“What’s your name kuya?”

“I’m Renz”

“Hello Renz. So, ilang taon na si Renz?”

“23 po”

“Anong pinag kakaabalahan?”

“I’m a architect po”

“Wow! In your young age architect ka na? Ang galing mo naman kuya!”

Tumawa siya sa kabilang linya “Nagsikap lang po that’s why I’m in this position na. Sipag, tiyaga at diskarte lang”

“Ikaw na talaga kuya Renz! So, are you ready now to give your message?”

“Yes”

“Message for your...?”

“For my ex”

“Okay. Madlang tao, this is Architect Renz, 23. Renz you have 20 minutes to say all that you want to say.”

“Okay. Hmm. This is for my ex...”

Sumandal ako sa upuan habang pinapakinggan siya.

“Hi. Kamusta ka na? If you’re asking me the same question, well.. I’m not fine. But I’m trying to be. It’s been what? 8 months since we ended our relationship, right? I mean, YOU ended our relationship. Ikaw lang ang may gustong tapusin ang 4 na taon nating pagsasama. And me leaving no choice, so I let you go. The most painful thing that I’ve done in my life cause I let go the one that makes me hold on in the ups and down of life.”

“But I’m not blaming you. Kasalanan ko naman eh. I know it’s my fault. Yung pinaka hinihingi mo kasi hindi ko nabigay. Yung time at atensyon. Nagpaka selfish ako. Naging busy kasi ako sa pag aaral. Inintindi ko lang yung pag abot sa pangarap ko not considering your feelings. Ni hindi ko nga namalayan na unti-unti ka na palang nawawala sakin. Hindi ko napansin na sa pagbalewa ko sayo, binaling mo na pala sa iba yung atensyon mo. Sa iba who can give you back their attention. So here I am now, I achieved my success but I lose you.. my everything.“

“Naaalala ko pa yung mga ginagawa mong effort para lang magkasama tayo.. para magka usap.. but me, being stupid, I ignore all of that.”

“I taken you for granted. At pinagsisisihan ko yun.”

Narinig kong sumisinghot na siya sa kabilang linya. Maybe, he’s crying.

“Pero sabi nga nila, nasa huli talaga ang pagsisisi. I’m too late. Meron ka na kasi ngayon.. may bago ka na. Siya yung lalaking kayang ibigay sayo ang buong oras at atensyon niya.. which is hindi ko nagawa or rather hindi ko ginawa kahit kaya ko namang gawin. Kung maibabalik ko lang ang oras, matagal ko ng ginawa. But I know it’s too far from reality.”

“Sana nung may pagkakataon pa akong hawakan ang kamay mo, ginawa ko na at hindi ko na binitiwan. Sana nung may pagkakataon pa akong yakapin ka, hinigpitan ko sana ang pagkakayakap sayo. Sana nung saakin ka pa inalagaan kita. Sana nung hawak ko pa ang puso mo, hindi ko ito binalewala. Pero ngayon, puro sana nalang. Hanggang dun nalang.. sana. ‘Cause you find your new man now. Your new happiness. Your new everything.”


Kumuha ako ng tissue. Nakakaiyak. This is one of the reasons kaya ayoko sanang tanggapin ang offer sakin na maging dj ng programang ito. Masyado kasi akong iyakin. But I accept this because I want to hear out other’s voice from within.

“Siya yung tumakip sa butas na pinabayaan ko kaya lumaki. Pinunan niya lahat ng pagkukulang ko. Sana alagaan ka ng bago mo.. mahalin, at respetuhin. Kasi pag hindi niya yun ginawa kahit sapilitan, nanakawin talaga kita sakanya.”

“Message ko na rin sa bago niya.. Tol, lagi mong tatandaan na paborito niya ang tokwa’t baboy pero hindi niya kinakain yung baboy, tokwa lang. Mahilig din siya sa music kaya lagi mo siyang kantahan bago matulog. Gustong gusto niya ang pusa kaya kung may asthma ka man, good luck nalang sayo.”

“Nakikita ko namang masaya na siya sayo kaya ayos na sakin yun. Basta sa ikasasaya niya, kahit ikamamatay ko handa kong gawin. Please do everything that I neglected to do when I was her man”

“Halata naman na siguro? I’m still not over you, mahal ko.. Pero after this, gagawin ko ang lahat para mag move on. Masakit at mahirap man, kakayanin ko. Sabi mo nga sakin, kung tayo, tayo parin sa huli. Maybe we’re destinied to be apart. Tama lang na nakipag break ka sakin. Kasi kung nanatili ka sakin, hindi mo mararansan yang kasiyahan na nararanasan mo. You desserve so much better than me. And me, I desserve this, to be broken, while you to be in better hands. Maybe we’re not really the one that meant for each other.”

“Times up! Grabe ka Renz! Hugot na hugot ang message mo ah! Pati ako napaiyak oh!” pinunasan ko yung mga mata ko. Seryoso ako, naiyak talaga ako.

“That message is really from my heart”

“Wow. Okay, I’m sure napaiyak din yung ex mo dyan sa message mo. Request time na. Anong ire-resquest mong kanta?”

“Uhm. Yung When I was Your Man po ni Bruno Mars”

“Naks. Yun talaga ah. Sige”

I search the song.

“Ayos na. Ikaw na ang mag introduce sa kanta, Renz. Alam mo na kung paano diba?”

“Opo”

“Okay. Start”

“Madlang tao, I requested When I was Your Man ni Bruno Mars because the lyrics of that song describes how I feel right now. This is for my ex. Sabrina Cruz. This is for you, Dj Sab”

And as I play the song, tears flow down again as the memories of our relationship flashes back.

It Starts with MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon