Gayuma

39 1 0
                                    

Gayuma
by Abra


I know, I know super tagal ng update. Masyado lang talaga akong busy. This story is very light. Pang paalis ng stress.. or not.
♥-Kwin


"She's UGLY"

Well, that's an understatement.

Maitim.

Payat.

Pango ang ilong.

Malaki ang mata.

Sabog na buhok.

Makapal na labi.

Maraming pimples.

Hindi ako nanglalait, nagde-describe lang.

Siya si Kyla.

Madaming nagsasabing panget siya. Well, tama naman sila. Walang ginawang panget si Lord diba? Siguro nga hindi si Lord ang gumawa sakanya. Hahaha! Joke lang.

Maganda... naman yung mga sinusuot niyang damit.

Maganda... yung boses niya. Sana nga naging boses nalang siya. Ang ganda kasi talaga ng boses niya. Mala anghel. Hindi mo nga aakalain na sa mukhang yun nang galing ang ganun kagandang boses.

Alam mo yung badtrip??

Tangina.

Nainlove kasi ako sa panget na yun.

Nakakasuka... pero mahal ko kasi.

Lintik na puso to. Ang sarap dukutin at tadtarin eh. Sobrang tanga. Sa dinami dami ng pwedeng mahalin yung panget pa na yun?! Boset lang. Ang sarap magpakamatay.

Mababawasan nga lang ng gwapo sa mundo pag nagpakamatay ako.

Bakit kasi sa Kyla na yun pa ako nainlove?! Ako na heartthrob sa school namin? Ako na mayaman? Ako na gwapo? Ako na maputi? Ako na malinis? Ako na mabango?.Ako na pinipilihan ng maraming babae? Ako na si Aj Lermes?! PAKIEXPLAIN NGA SA ISANG DAANG MANILA PAPER KUNG BAKIT SA KYLA NA YUN PA AKO NAINLOVE.

"Ayan na si Fiona" sabi nang isa kong kabarkada

"Mas maganda pa nga si Fiona dyan eh. Hahaha! Walang katulad yung kapangetan niya!"

Nagtawanan sila. Habang ako, pinipigilan ang puso ko sa pagwawala. Takte! Bakit ba malaman ko lang na nasa paligid siya nag wawala yung puso ko?! Bakit ako kinakabahan?! Kinukulam niya ba ako?!

Nung nakita ko siyang pumasok na sa room namin saka lang ako nakahinga ng maluwag. Her presence makes me go crazy.

Kailan nga ba ako nabulag sa Kyla na yan? Ahh.. tanda ko na. Last year. Simula nang maging kaklase ko siya.

Nung una lagi ko siyang pinagtatawanan. T'wing nilalait kasi siya ng kabarkada ko, kasama ako sa nakikitawa. Ewan ko ba, hindi naman joke yung nga sinasabi nilang panlalait kasi totoo naman pero natatawa ako. Lagi ko siyang tinititigan pag may problema ako. Kasi naman naiisip ko na maswerte parin ako kahit na may problema ako kasi hindi ako nagkar'on ng mukha (kung mukha ngang matatawag yun) na katulad ng sakanya. Nung nagsabog ata ng kagandahan si Lord, sa 100 feet below sea level ata siya nagtago eh. Kahit isang butil kasi wala siyang nasalo.

Araw-araw ganun. Tatawanan siya. Aasarin. Lalaitin.

Hanggang sa isang araw.. nasa gym ako at nag aayos ng gamit ko. Kakatapos lang namin maglaro ng basketball. Ako na nga lang ang natira kasi naligo pa ako. Paalis na sana ako nang may narinig ako.

It Starts with MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon