Where Do Broken Hearts Go?
(That Thing Called Tadhana Soundtrack)MOVE ON. Isa yan sa pinakamadaling sabihing salita dito sa mundo pero sobrang hirap gawin.
Kapag nakipag-break ka, hindi mo naman kailangan makalimot, kailangan mo lang mag move on. Magkaiba ang meaning ng ‘makalimot’ sa ‘move on’. To forget means you need to forget ALL the memories you’ve shared together while moving on means you still remember but you’re not getting hurt or you’re not affected anymore.
Paano nga ba mag move on? Wag mong isipin ang taong nanakit at patuloy na nananakit sayo. Iwasan mong mapag isa. Appreciate the care of your family, friends and all people around you. Listen. Accept the fact that’s its already over. Tapos na. Wakas. The end. And most especially, learn to love yourself again. Hindi baleng masaktan ka nang sobra. Ang mahalaga kaya mong gumising sa umaga at simulan ang araw kahit wala na siya. Oo, masakit. Alam ko. Hindi naman pinagbabawal ang umiyak. Umiyak ka lang nang umiyak hanggang dumating yung point na wala ka nang maiiyak na luha para sakanya. Pero sana naman pagkatapos mong pabahain ang Pilipinas dahil sa luha mo, gamitin mo naman ang mata mo para makita ang kagandahan ng mundo. Nabuhay ka nung wala pa siya at ngayong wala na siya, alam ko na kaya mo ulit.
There are reason why God put our eyes infront and it’s for you to look forward, not backward.
Kailangan ng mahabang panahon para makalimutan ang isang tao minahal mo nang sobra pero minsan kailangan talaga nating mag move on at harapin ang katotohanan na sadyang may kabanata sa ating buhay na dapat nang isara habambuhay. Matatagalan ang paghilom ng sugat mo kung hindi ka manlang mag e-effort na gamutin ito.
Just like what Bob Ong said “Kung nagmahal ka ng isang tao at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at sisisihin mo naman ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka parin. Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo, magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo kundi ikaw mismo.”
If you really for each other, you’ll end up together. God have a plan. A much better plan for you. What you just need to do is to trust Him. Tiwala lang. One thing for sure, sa bilyon-bilyong tao dito sa mundo may isang tao na nakalaan para sayo. Sayo at sayo lang. Don’t be sad if something end because in every ending there’s always such a word called beginning.
Lagi mong tatandaan na pag may bagay na natapos, hindi mo na ulit ito masisimulan. Pag nasira, hindi mo na maibabalik sa dati. Minsan ang buhay ay hindi umaayon sa gusto mong manyari. Pag alam mong sinasaktan ka na ng isang tao, huminto ka na. Wag kang tanga, please lang. Hindi na uso sa panahon ngayon ang martir. Masakit nga ito pero dapat matutunan mong magpalaya. Wag mong pahirapan ang buhay mo. Mahal ka ng Diyos. Lagi mong tatandaan na sa bawat katapusan laging mayroong salitang simula.