Bakit Hindi ka Crush ng Crush Mo?
by Xian LimBear with my grammar, guys. :)
Para sa nagpakatanga, nagpapakatanga at patuloy na magpapakatanga. :) Ayos lang yan, lahat tayo may sari-sariling version ng katangahan.
She wants him, He wants other. He look for her, I hope “her” (she) can read this.
Lalala~ isipin niyo nalang wala yan. ↑↑↑↑ Hahaha. Eksdi.
♥-KwinJanuary 4
Dear Diary,
Sa wakas! Pasukan na ulit bukas! Magkikita na ulit kami ng boyfriend ko. Ilang linggo niya rin akong hindi nakita kaya I’m sure miss na miss na niya ako. Maswerte daw ako ngayong taon. Sana nga. Sana rin malaman na ni boyfie na nag e-exists ako. Tumalon ako nung new year para tumangkad pa ako. Mas kapansin pansin kasi ang matangkad, diba? Heart heart.
Love,
Fiona
January 5
Dear Diary,
Muntik na akong hindi maniwala sa sinabi sakin nung feng shui expert chenes na maswerte ako ngayong taon. Kasi naman, na late ako ng pag gising kanina. First day pa naman! Kaya ayun.. hindi ako nakapasok sa first subject ko kasi late na ako. Perooo, nakita ko naman si boyfie! Tumatakbo papasok ng school. Siguro late rin siya. Asuuus. Lagi niya kasi akong iniisip kaya nalate siya. So kilig! Love,
FionaJanuary 6
Dear Diary,
Nagpalate ako ulit kasi baka magkita kami ni boyfie pero napunta lang ako sa principal’s office. Akala nila nag cutting classes ako. Di nila alam ginawa ko yun for the love. For the sake of love! Palibhasa kasi, matandang dalaga yung prince-epal este principal namin.
Love,
FionaJanuary 7
Dear Diary,
OH MY GOSH! As in OH. EM. GEE. Napansin ako ni boyfie! Sa wakas! Gusto ko talagang yakapin yung isang classmate niya na nagbato nang bola na tumama sakin. Kaya lang nagdugo kasi ang ilong ko. Ayun, di ko nayakap. Pero salamat sakanya kasi for the pers taym! Napansin ako ni boyfie! Nakita ko pa siyang tinatawanan ako. Yeees! Love,
FionaJanuary 8
Dear Diary,
Gusto kong mainis kasi natagusan ako pero dahil napansin ulit ako ni boyfie, ayos lang! Kahit araw-araw pa akong matagusan basta ba lagi kong mapapatawa si boyfie, gora ako. Yiiee. Napapadalas na ang pagtawa ni boyfie dahil sakin. Konte nalang, maiinlove na siya sakin.
Love,
FionaJanuary 9
Dear Diary,
Kinawayan ako ni boyfie! Emeged! Kinawayan niya ako with matching smile pa. Shocks! Hindi ako makapaniwala! Pero may epal kasi sa likod ko. Nakikikaway din kay boyfie. Feeling close! Nilapitan pa talaga nung babae si boyfie at nakipag kwentuhan! At dahil friendly ang boyfie ko, nakipagkwentuhan na rin siya. Next time nga sasabihan ko siyang wag kumausap ng hipon. Ang sarap isigang nung babae! >_
Love,
FionaJanuary 10
Dear Diary,
Alam kong nahihiya lang sakin mag friend request si boyfie kaya ako nalang ang nag add sakanya. Sana i-accept na niya ako. Heartheart.
Love,
Fiona