The Man Who Can't be Moved

82 2 2
  • Dedicated kay Anthony Joseph Pamular
                                    

The Man Who Can’t Be Moved
by The Script


Para sa aking baliw na pinsan. Hahaha Ekasi peyborit niya itong kanta na ’to (ako din!) Isa sa mga pinagkakasunduan namin ito--- Music. :) One of my favorite version of  TMWCBM. Nakakaiyak. Si JK pa ba? Super krass ko yang batang yan. <33
♥-Kwin


IMAGINATION.


Yan ’yung laging ginagawa ko kapag nandito ako sa ilalim ng puno ng mangga sa park ng subdi namin.


Nag i-imagine ako ng mga bagay-bagay na posibleng mangyari... at mga bagay-bagay na imposibleng mangyari.


Ang tagal mo kasi, kaya kung ano-ano nalang ang nai-imagine ko.


Sabi mo diba babalik ka? Sabi mo babalikan mo ako? Sabi mo dalawang taon ka lang mawawala?


Pero.. asan ka na?


Limang taon na. Mag a-anim na taon na nga, pero bakit wala ka pa rin?


Wala ka bang kalendaryo diyan? Sana sinabi mo para pinabaunan kita ng kalendaryo.


Nakalimutan mo na ba ako?


Sana naman hindi pa. Kasi ako... kahit isang segundo hindi ka nawala sa isip ko.


Lagi kitang hinihintay dito sa tagpuan natin. Dito sa ilalim ng mangga ng aming subdivision. Araw-araw. Umulan man o umaraw. Walang palya akong pumupunta dito. Baka kasi bigla kang dumating tapos wala ako diba? Gusto ko nandito ako pag bumalik ka. Pangako ko kasi yun.. maghihintay ako sa’yo.


Naaalala ko ’yung unang pagkikita natin. Highschool days. Hindi ka ganun kaganda pero napansin agad kita.. napansin ka agad ng puso ko.


Buti na nga lang nagkaroon tayo ng SSG Officers Election. Dun kasi kita unang nakita. Naasar ka ba nung ninominate kita? Pasensya na. Crush na crush na kasi talaga kita kaya ginawa ko yung paraan para ma-notice mo ako. Effective naman diba? Nag kulay kamatis ka nga dahil sa kilig.. este dahil sa inis pala. Ako din ang nangampanya para sayo kahit ayaw mo. Dahil dun, nanalo ka. Ang galing ko diba?


Sorry talaga sa pangungulit ko, ha? Ang cute mo kasing asarin. At isa pa.. yun lang kasi yung paraan ko para hindi matorpe sa harapan mo. Yung pang aasar lang yung paraan ko para hindi mahiya sayo.. para makausap kita.. para pansinin mo ako.


At nung nagkalakas na ako ng loob, nagtapat ako sayo. Akala mo nung una “joke” lang ang lahat. Pero napatunayan ko naman na totoo ang nararamdaman k para sa’yo. Tawa ka nga ng tawa nun kasi kasing pula na ng kamatis ang mukha ko dahil sa hiya. Gumaganti ka sakin. Inasar mo ako. Yan tuloy, bigla nalang kitang nahalikan. Ramdam ko pa nga rin yung sakit ng sampal mo sakin pagkaputol ng halik natin.


Pero wala nang hihigit sa saya ng sabihin mo sakin na “Gago ka talaga! Pasalamat ka mahal din kita!”

It Starts with MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon