Dati
by Sam Concepcion
Para sa lahat ng 90's Kid. Proud 90's Kid here!
♥-Kwin
"Buti nalang naisipan nating dalhin ang mga bata dito sa park"
"Yeah. Look at them, nakakatuwa silang pagmasdan"
I take a picture of them at inupload sa instagram with a caption 'Experiencing the real childhood experience :)'
Pagkatapos ko ilagay sa bag yung aking iPhone 8s, sumandal ako dito sa inuupuan naming bench at tumingala sa langit. Parang ewan akong napapangiti sa mga naalala ko.
Binalingan ko ng tingin si Rain na ngayo'y tuwang tuwang pinagmamasdan ang mga bata.
"Do you still remember, Rain?"
He glance at me "Remember what?"
"Our childhood memories"
Ngumiti siya ng malapad "Ofcourse Summer. Bakit ko naman yun malilimutan eh dahil dun kaya tayo napalapit sa isa't isa"
"Yeah right. Naalala ko pa nga nung unang beses tayong nagkita. Kakauwi ko lang galing sa states nun tapos nagba-bike ako sa subdivision natin. I saw you running tapos may humahabol sayong bata din kaya ayun, binangga kita. I thought kasi may ginawa kang di maganda sakanya. Yun pala nag lalaro lang kayo ng taya-tayaan. Buti nalang di gaano malakas ang pagkakabangga ko sayo nun"
Tumawa siya "Tandang tanda ko pa yun. Tapos nun sumali ka na sa laro namin, ayun nawala yung bike mo kasi iniwan mo na"
Hinampas ko siya ng pabiro "Oo nga. It's your fault kaya ako napagalitan ni Mommy nun"
"Aba! Bat ako?"