"Unknown Direction"
"Ma, ano bang kahibangan 'to?!" nag-iinit na ang ulo ko sa galit. Mabilis na rin ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa pagod na mga mata ni Mama. She wants me to work abroad with Tita Henny. Magiging kasambahay daw ako roon. Oo nga't pangarap ko ang makapunta sa ibang bansa pero hindi bilang kasambahay lang. I'm not downgrading it, but I have higher dreams than that. Ambisyosa na kung ambisyosa pero may mga pangarap talaga ako at alam kong kakayanin kong maabot iyon.
"Mahirap din naman sa akin, anak. Ayoko rin namang matitigil ka sa pag-aaral pero kasi hirap na hirap na akong tustusan ang pangangailangan natin at ng mga kapritso mo." Sa tono niya sa huling sinabi ay pakiramdam ko'y sinisisi niya ako. Tumulo ang luha ko na agad kong pinalis.
Akmang yayakapin niya ako nang hindi sinasadyang napalakas ang pagtabig ko sa kamay niya. Muntikan na siyang mahulog sa inuupuan niyang wheelchair. Marupok na iyon kaya umuga iyon nang matabig ko siya.
Agad akong nagsisi sa nagawa lalo na nang makita ang pamumutla sa mukha niya sa takot siguro na mahulog siya sa sahig kanina.
I hugged her when she started sobbing. Nakonsensiya ako sa nagawa.
"A-ayoko ring m-magtrabaho ka para sa atin pero Az, p-pagod na pagod na ako. Hindi kita sinisisi sa lahat ng masamang nangyari sa akin... sa atin. Mahal na mahal kita, anak. Para sa'yo rin naman ang pagtatrabaho mo sa ibang bansa. Isang taon lang Az, pagkatapos noon at nakapag-ipon ka na, makakabalik ka na sa eskwela." si mama habang patuloy na naglalandas ang luha niya sa kaniyang pisngi. Maging ako'y napaiyak na rin. Naramdaman ko ang yakap niya sa balingkinitan kong katawan.
Kinabukasan ay pumasok ako sa school na mugto ang mata. My friends noticed and asked what happened. Kinuwento ko sa kanila ang kahihinatnan ko after ng graduation namin sa isang linggo at hindi ko inaasahan ang nakuhang reaksyon mula sa kanila.
"Eww, you're going to be a yaya? Yuck!"
"No, a housemaid, not a yaya." Agap ko sa sinabi ni Misty pero ganoon pa rin ang reaksyon niya, nandidiri na para bang sakit ang pagiging yaya.
Misty's known for being that rich and spoiled brat girl and we somehow clicked because I have good sense in fashion. And now that I'm stooping too low on her standards, kulang na lang ay ipagtulakan niya ako at sipain.
"It's still, you know, not classy." Frea seconded. The rest of the girls agreed on her. Inaya ko silang kumain sa canteen pero kani-kanila sila ng excuse para lang hindi ako makasama.
I'm disappointed, sad, but most of all angry at how they reacted on my situation. How dare they? Malaki ang naitulong ko sa kanila pagdating sa mga art projects namin at ito lang igaganti nila sa akin?
What a fake asses, tsk.
Napasabunot ako sa sariling buhok habang kumakain mag-isa sa canteen ng private school na pinapasukan ko. Ang ilang kapwa ko estudyante ay napatingin sa akin na para bang nababaliw na ako. I only rolled my eyes at them. Lalo na roon sa mga lumipat pa talaga ng upuan para lang makalayo sa akin.
I saw my friends, wait, ex-friends enter the canteen. Nang makita ako ni Misty ay tinaasan niya ako ng kilay bago umupo sa lamesa sa kabilang dulo ng canteen.
Mga peke! Akala niyo maghahabol ako sa inyo? No! Maghihirap ako pero hinding-hindi maghahabol sa mga taong ayaw sa akin. I love myself and I can survive living a life without those fake friends. Tss, and'yan lang 'pag kailangan ka nila at kapag hindi na'y iiwasan ka na na para bang may dala-dala kang virus.
Maaga akong umuwi sa araw na iyon, hindi katulad ng mga nakagawian ko dati na tatambay pa sa coffee shop o sa mall kasama nila Misty.
I saw my mother's eating in the kitchen alone. Hindi niya siguro inaasahan ang pagdating ko kaya nanlaki ang mata niya nang makita ako.