Chapter 1

24 1 0
                                    

Work

"Siya ang magiging amo mo, Az." Si tita habang malawak ang ngiti sa kaharap naming ginang.

"Annyeonghaseyo." I tried to smile but my lips keep on quivering so I just bow a bit to show my respect. Hindi man halata pero kinakabahan ako. Never in my life have I had sleep in someone else's house other than Tita Henny's.

Ni hindi nga ako nakatulog nang maayos kagabi. Iniisip ko kung kaya ko ba talagang magtrabaho gayong wala naman akong experience sa ganitong trabaho bukod sa mga simpleng gawaing bahay na ginawa ko noong maaksidente si Mama.

"Come inside." Naunang pumasok si Tita Henny bago ako sumunod dala ang isang maleta na naglalaman ng ilang gamit ko.

The house is big but not as big as those seen in the movies or dramas. Nilibot ko ang tingin sa paligid at napansing kahit wala silang katulong ay malinis pa rin iyon.

Tita Henny said that my boss and her husband are both kind and understanding. Wala raw akong dapat ikabahala dahil siguro siyang hindi ako mapapahamak sa panunuluyan ko sa bahay ng pamilya Lee. Napanatag ako roon ngunit may katiting na kaba pa rin akong nararamdaman.

"Your aunt told me that it's your first time to work." Ani ng ginang bago kami pinaupo sa sofa na kaharap niya.

Tipid akong ngumiti at pasimpleng tumingin kay Tita Henny bago binalik ang tingin sa ginang.

"Yes, madam." I said politely.

"Don't worry, it's okay. Beside you have a lot of time to learn." aniya. Tumango ako, sumasang-ayon sa sinabi niya.

Nang magsimulang magkwentuhan sina tita at ang ginang ay tahimik kong pinagmasdan ang paligid ng sala. Maayos at malinis ngunit may kulang. There are two blue and white Chinese porcelain vases with money trees inside. There is also one Pablo Picasso's piece beside their wedding pictures and some family pictures with a boy who I assumed is their son.

"What should I call you?" Mrs. Lee's question made me turn my head towards her.

"Uhm, you may call me Azra, madam." I smiled a bit.

"Your name is as pretty as you." Agad namula ang pisngi ko. I am used to getting compliment about my face but to hear it from someone who's still as beautiful as her despite her age made me feel flattered.

"And you're cute when you blush, I suddenly miss my youth." She pouted and tapped both of her cheeks lightly.

"You still haven't change, though. You still look pretty like before!" ani Tita Henny na tinawanan lang ng ginang.

Ilang saglit pa silang nagkwentuhan bago nila ako hinatid sa magiging kwarto ko sa bahay na ito. Mrs. Lee said that I should rest first then start my job after lunch.

Tita Henny hugged me before she bid goodbye. Nagpaalam din si Mrs. Lee na may aasikasuhin sa garden.

Pabagsak na umupo ako sa maliit ngunit malambot na kama. Nasulyapan ko ang hindi pa nabubuksang maleta ko kaya iyon ang inasikaso ko.

Pagkatapos kong ilabas ang mga gamit at ilagay iyon sa maliit na closet ay napagpasyahan kong lumabas ng kuwarto para hanapin ang amo.

I know she said that I should rest first but I don't think it's right. Narito naman ako para magtrabaho, hindi para magbakasyon.

Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap ng garden dahil pagkaliko ko sa kaliwa ay nakita ko agad ang sliding glass door na dadaanan patungo sa garden.

"Madam..." I called her.

"Gapjagi!" napatalon siya sa gulat bago ako hinarap, ang isang kamay ay nakasapo sa dibdib niya.

Broken Compass (SKZ Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon