Chapter 3
Siblings
Katulad nang nakasanayan ay maaga akong nagising kinabukasan. Sa garden ako dumiretso matapos makapag-ayos ng sarili. Mamaya pa naman ang gising ng dalawang amo at mabilis lang makapaghanda ng agahan dahil iinitin ko lang ang ilang pagkaing hindi gaanong nagalaw kagabi.
I wonder if their son is an early bird or not? Should I at least make some breakfast for him before cleaning here in the garden? Nagdalawang-isip pa ako kung babalik ba sa loob at magluluto ng agahan niya kung sakali pero sa huli ay itinuloy ko na lang ang ginagawa sa garden.
He's here for vacation so it is more likely that he will wake up late. Pinagkibit-balikat ko na lang iyon.
Malapit nang mag-summer dito pero para sa akin ay malamig pa rin kahit na nagrereklamo na ang karamihan dahil daw sa init. It is all over the news.
I was watering the plants when I heard someone cleared a throat. Lumingon ako sa pinanggalingan ng ingay at nanlaki ang mata ko nang makita kung sino iyon.
"You're early." Madilim ang tingin niya sa akin habang nakahalukipkip ang mga kamay. Tumaas ang isang kilay niya bago nang-uuyam na pasadahan ang kabuuan ko. Napatingin din tuloy ako sa katawan at ayos ko.
I am wearing a pink longsleeve shirt and denim short shorts. Mahaba ang suot kong damit kaya halos hindi na kita ang shorts sa ilalim. I am also wearing a pink slippers na medyo putikan na dahil sa basang lupa.
Binalik ko ang tingin sa kaniya at napataas na rin ng kilay tulad niya. Naiinis na pero pilit na pinipigilan ang sarili.
"Neodu." You too.
"You know how to speak hangul now, huh?"
"Not much." Tipid na sagot ko at tinalikuran siya para ipagpatuloy ang pagdidilig sa mga halaman.
Hindi ko man tingnan pero ramdam ko ang paglalakad niya palapit sa akin.
Shit!
"Aren't you supposed to cook breakfast at this hour?" tanong niya nang tuluyang makalapit sa tabi ko. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pagsilid niya ng kaliwang kamay sa bulsa ng itim na short at ang isa ay tila dinadama ang texture ng dahong hawak niya.
"Didn't you know that your parents like to eat their food while it is hot?" balik na tanong ko, inignora ang tanong niya. He frowned.
He looks pissed. Magkadikit ang makakapal na kilay niya na dumagdag lang lalo sa kakisigan niya. I'm pissed at him, too, but that doesn't mean I can stop my self from praising him.
"I am my parents' son and that makes me your boss too, so hurry up and cook me some breakfast, you dumb housemaid." Napanganga ako sa tinawag niya sa akin. Too much for praising his physical appearance. Ang ganiyan kagandang mukha at katawan ay pangit pa rin kung pangit ang ugali!
Tinigil ko ang ginagawa sa garden at nagmamartsang sumunod sa kaniya sa loob ng bahay.
Pagkapasok ko sa kusina ay nakita kong naroon na siya at nakaupo sa isa mga upuan doon. Nilagpasan ko siya at nagtungo sa may lababo para maghugas ng kamay. Sunod ay nilabas ko sa ref ang mga pagkaing iinitin sa oven pagkatapos ay napagpasyahang magluto ng fried rice.
Habang gumagalaw ako sa kusina ay parang may lawing nanonood sa bawat kilos ko. It is making me uncomfortable!
Nang magsimula na akong maghain ng mga pagkain sa harap niya ay tinaasan niya lang ako ng kilay. The hell.
"Do you drink coffee?" I asked. Nakatalikod ako sa gawi niya para maiwasan ang titig niya. He is damn making me uneasy.
Nang mag-ilang minuto na hindi niya pa rin ako sinasagot ay humarap na ako sa kaniya. But I gasped when I saw how close our distance is. He is already on my personal space!