Chapter 5

23 2 7
                                    

Chapter 5

Drive

Nanatili ako sa terrace ng ilang minuto bago bumaba. Nakasalubong ko pa si Minho na kalalabas lang ng silid ng kaibigan niya. Tinanguan ko siya bilang hakbang sa pakikipag-ayos sa hindi maganda naming simula. Kinunutan lang niya ako ng noo bago nilagpasan. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon.

You can't really force someone to like you in an instant if they really don't want to and I understand that. Pumasok ako ng kwarto ko saglit para mag-ayos ng sarili.

Nawiwindang pa rin ako sa sitwasyon. May kamukha ako. At malapit pa iyon kay Han Jisung na kaibigan ni Minho. Ang liit naman ng mundo kung ganoon.

Binaba ko ang suklay at tiningnan ang sarili sa salamin. I have the same eyes as my father. My orbs are dark that turn hazel brown 'pag nasisinigan ang araw. Straight ang hanggang lagpas balikat kong buhok, malayo sa malalaking curls na buhok nila Mama at Tita Henny.

Matangos ang ilong ko at natural na pink ang kulay ng labi. Matangkad din ako tulad ni Papa. Si Papa.

Now I wonder what Mama feels whenever she looks at me. Palagi niya kayang naaalala si Papa sa akin? Now I feel so homesick. Miss na miss ko na si Mama.

Maybe I can take a day off tomorrow and visit Tita Henny? Papayag naman siguro si eomma. I feel thrilled and excited.

"Eomma." Tawag ko sa kaniya nang makita siya sa sala at nanonood ng TV. Pansin ko ang katahimikan sa buong bahay. Asan kaya sina Minho at Jisung?

"I... Can I go out tomorrow?" nahihiyang tanong ko. Nasa tabi lang ako ng sofa na inuupuan niya. She smiled.

"Sure! But may I know where will you go?"

"I'll visit my aunt, eomma." sagot ko.

"Oh, okay! I thought Quinton asked you to out!" aniya at bumungisngis. Kumunot ang noo ko. Nakita niya ang pagtataka ko kaya inabot niya ang kamay ko at marahang hinila para mapa-upo sa tabi niya.

"Well I talked with the Rockford couple last day and they told me their son is kind of interested in you! Omo! You didn't tell me you two communicate!" she exclaimed. Naiiling na natatawa ako ekspresyon ni eomma. She feels like a girl bestfriend I never had. I mean an honest and a real one.

Quinton and I communicate through Viber. Kapag lumalabas naman ako ng bahay ay lagi ko siyang nakikitang nakatambay sa labas ng bahay nila. Maikli nga lang ang bawat pag-uusap namin dahil sa mga utos ni Minho.

Speaking of him... Tss. Ceasefire na, Azra, diba! Pinigilan kong mapairap nang dumako ang madilim niyang titig sa akin. Napasimangot ako. What's your problem this time, huh?

"You know, I think that boy's nice. Though I don't want you to date yet." she pouted.

"What date are you talking, eomma?" Singit nang papalapit na si Minho. Nasa likod niya si Jisung na umiwas ng tingin nang mapalipat ang tingin ko sa kaniya. Pasimple akong tumikhim at binalik ang atensyon kay eomma na nag-eexplain sa anak niya.

"It's nothing, son. It's just about our neighbor, Quinton, you know him, right? I think he likes Azra."

"Tss. How could he likes Az, there's nothing special about her." tumaas ang kilay niya sa akin at mukhang nang-uuyam.

"Hyung..." madilim na tawag ni Jisung at tila nagbabanta. Lumingon sa kaniya si Minho at umismid bago umalis diretso sa hagdanan. Sumunod naman agad si Jisung nang hindi man lang sumusulyap sa akin.

"Don't listen to my son, he's just jealous..." I felt my heart beats loudly. Napahawak ako sa dibdib ko para damhin ang pisikal na sakit noon.

"He just couldn't accept that we have another child aside him." Napatunganga ako kay eomma.

Broken Compass (SKZ Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon