Chapter 2
Jealous Kid
"Azra!"
Naghuhugas ako ng mga plato sa kusina nang marinig ang tawag sa akin ng amo. Agad akong nagpunas ng kamay at hinintay ang pagpasok niya sa kusina.
"Eomeonim." Sagot ko nang makalapit siya. She looks so happy and excited for something. Dalawang linggo na ako rito at hindi nagbago ang tungo nilang mag-asawa sa akin. They are so nice and understanding. Pinagpapasensyahan nila ang mga pagkakamali ko pero ayaw kong abusuhin iyon.
Hinarap niya sa akin ang cellphone niya. I can read hangul now. Madali lang namang pag-aralan iyon. Pero hindi ko maintindihan ang mga nakasulat na mensahe roon. Nababasa ko pero hindi ko naiintindihan.
My knotted eyebrow and my confused eyes might have wakened her senses. Saka pa lang niya siguro naalalang baguhan pa lang ako sa bansang ito.
"I'm sorry, my bad." She said apologetically but she can't hide her excitement.
"My son texted me... and he said that... he's going home!" mabagal na saad niya dahil pinipigilan niyang isigaw iyon pero sa huli ay hindi na niya tuluyang napigil iyon.
She then hugged me tightly that I can hardly breathe. Natawa na lang ako nang pakawalan niya ako matapos habulin ang hininga.
Naiintindihan ko ang reaksyon niya. Higit isang taon na niyang hindi nakasama ang anak dahil sobrang busy sa trabaho.
Hindi ko maintindihan ang anak niya. Hindi naman ganoon kalayo ang Seoul dito sa Gimpo, pero bakit hindi siya makabisita? If I were him, I'll come home once in a while no matter how busy I am. Lalo na at hindi naman isyu ang pera sa kaniya.
Mr. and Mrs. Lee cannot go to his place because eomeonim is not fit to travel for health reasons kaya dapat lang na ang anak nito ang mag-effort na umuwi paminsan-minsan.
"We need to prepare. Oh my God, uri junbihae!" umiiling ako habang nakangisi. She's always smiling but I haven't seen her as happy as this.
"Let's start cleaning the house first then fix his room, can you do it Az? I will just cook his favorite foods while you do the cleaning." Tumango ako.
"Of course, eomeonim!" masaya kong saad at pinagpatuloy muna ang hinuhugasang pinagkainan bago nilinas ang silid ng mga pusa, pagkatapos ay ang sala naman. Natagalan ako roon dahil pinaglagay ako ng dekorasyon ni eomeonim doon.
I like decorating and designing houses kaya na-enjoy ko ang pag-aayos doon. Nang matapos ay ang kuwarto naman ng anak ng amo ko ang sinunod ko. Ang sabi ay nasa biyahe na raw ito kaya binilisan ko ang pagkilos.
Napa-palakpak ako sa sarili nang makita ang magandang bagay na nagawa ko ngayong araw. Everything's now clean and organized.
"All is done well. Good job, Az." Pagkausap ko sa sarili at pinasadahan ng tingin ang bawat sulok ng kwarto.
"Yeah, good job, Az." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses habang nakahawak sa dibdib dahil sa lakas ng tibok ng puso ko sa gulat. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang pamilyar na lalaki sa pintuan. I haven't seen him in person pero sa dami ng pictures niya sa bahay na ito ay parang alam ko na ang buong pagkatao niya plus Mrs. Lee was very keen on telling stories about him, her son.
"Ah, H-hello." Damn, I'm stuttering! Well, uh, his presence is a bit intimidating and he feels so hard to reach. Para bang kasalanan ang kausapin siya ng isang tulad ko. And I'm not even exaggerating anything, it's the truth.
"Y-your room is-is ready, Sir Min-Minho." Pasimple kong sinaway ang sarili dahil sa pangingig ng labi. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at tiningnan ang bukas na pinto sa likod niya. Gusto ko nang lumabas sa pintuang iyon.