Chapter 6 (Part 2)

11 2 2
                                    

Chapter 6 (Part 2)

Stay

Naging tahimik ang biyahe namin sa sumunod na oras. Wala namang gaanong traffic kaya lagpas isang oras lang ay nakarating na rin kami sa bahay ng tiyahin.

I saw Tita Henny's already outside, probably waiting for us, for me.

Hindi ko mapigilang ngumiti nang tumigil ang sasakyan sa tapat ni Tita.

I excitedly open the door beside me and went out. Ngumiti si Tita nang makita ako.

She opened her arms wide and I went nearer to feel her embrace. Kahit man lang kay Tita ay maramdaman ko ang presensya ni Mama.

"Tita, I miss you..." I said, tears pooled in my eyes. I felt her chuckled. Lumayo ako at sinimangutan siya.

"Look at you now. You looked snobbish and cold before, but now..." maluha-luha niyang saad. Kaunti lang naman ang interaksyon namin ni Tita noon. Madalang lang din naman siyang umuuwi sa Pilipinas. Hindi ko lang alam na sa mga panahong iyon ay pinagtuunan niya ng pansin ang mga galaw at gawi ko.

"Tita naman... Hindi naman po ako snob noon, ah!" I jokingly said, kahit na nagiging emosyonal na rin.

"Oh, Minho!" lumingon si Tita sa likod ko. Ganoon din ang ginawa ko at nakitang bitbit na niya ang maliit kong backpack at ang bulaklak na binili ko kanina.

Lumapit si Tita sa kaniya kaya napilitang lumapit na rin ako. Pasimple kong hinablot ang mga gamit ko sa kaniya.

I should be thankful but I know Tita's going to scold me for what he did. Ginawa ko na ngang driver ang anak ng boss ko, siya pa naglabas ng kaunting gamit ko.

"Thank you for driving my niece all the way here! I've prepared foods for you!" si tita na maligayang-maligaya na akala mo nakakita ng artis—

Oh, right, he's technically a celebrity, tss.

"Tita, may kasama po siyang kaibigan. They have somewhere to go." Paliwanag ko. Iyon kasi ang napag-usapan sa hapag kanina.

After dropping me off here, they'll go somewhere to chill at pagkatapos ay uuwi na. Sa isang araw pa ang uwi ko at magbi-biyahe ako mag-isa.

"Oh, it's true?" paninigurado ng tiyahin. Sumimangot ako sa kaniya dahil parang hindi kapani-paniwala ang sinabi ko.

"Yes, ma'am." Pormal na sagot ni Minho.

Lumabas si Jisung sa sasakyan at siya naman ang binati ni Tita. Jisung politely and shyly greeted back.

"But the forecast said it will rain hard today, you two should stay! Or at least eat here. It's my way of showing my gratitude for accompanying my niece. "

Nakamasid lang ako sa ekspresyon ni Minho habang nagsasalita si Tita. Seryoso lang ang mukha niya habang nakikinig. Hindi ko alam kung papayag ba siya. He's already planned their escapades but Tita's right.

Madilim na ang kalangitan na animo'y ilang sandali lang ay bubuhos ang malakas na ulan.

Tirik pa ang araw noong nasa may café pa pero habang palapit kami rito kina Tita ay padilim nang padilim ang langit.

Tumingin si Minho sa suot na apple watch bago tumango. Hindi ko alam kung sincere ba siya sa pagpayag o napilitan lang.

My aunt's smile grew wider as she led us inside her house. Hindi kasing laki ng bahay ni eomma ang bahay ni Tita pero malawak pa rin iyon.

Nasa likod nila akong tatlo, bitbit ang bulaklak at bag ko. Si Jisung ang may dala ng mga pagkaing hindi naman namin nakain sa biyahe.

Pinaupo ni Tita Henny ang dalawa sa kulay puting sofa habang ako'y hinila niya sa kung saan matapos magpaalam saglit sa mga bisita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken Compass (SKZ Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon