SMILE, CHUCKLE, LAUGHTER

734 24 3
                                    

           LORELEI           

Matagal tagal na rin kaming magkasama dito sa apartment namin ni Loki. Wala kasi kaming pasok ngayon. We have a three-week vacation, kaya naman susulitin na namin 'to.

Wala namang nabago except sa kasama ko siya at kahit papaano kung meron akong natutunan eh 'yon ay ang magluto. Natututo na rin ako magluto ng sinigang, adobo, menudo, at iba pa. Dati kasi simpleng hotdog at itlog lang ang kaya kong lutuin, mga pirito ba. Syempre nanonood ako sa YouTube ng procedures o 'di kaya'y nagpapaturo kay Tita Martha kung paano magluto para na rin sure.

As usual hindi na naman ako tinulungan ni Loki, ano pa ba ang aasahan niyo sa kanya. Loki being Loki, he would rather locked himself in a room, solve a puzzle, or read than help me with cooking. I don't mind asking questions like 'Hey! Loki, would you lend me a hand?' or the likes at baka bigyan niya lang ako ng totoong kamay.

I remember once I invited him to eat with me. Ginamitan na naman niya ako ng mga salitang "Brain works better on an empty stomach." Pero di uubra yun sa akin kaya wala siyang nagagawa kapag pinipilit ko siyang kumain.

Gusto niyo malaman kung ano sinasabi ko para mapapayag siya?

I just said that 'If he doesn't eat, I will ignore him.' Effective naman.

Kagigising ko lang ngayon mula sa pagkakahiga. I went to bed early last night so I woke up earlier than usual. Dahil wala namang ganap, eight o'clock in the morning na ako nagising.

Pumunta muna ako sa banyo para gawin ang mga dapat gawin. Nagsipilyo at naghilamos, mamaya na ako maliligo nang bandang tanghali para presko sa katawan. Pagkatapos lumabas na ako sa kwarto ko.

As I opened the door, I saw Loki sitting on his usual seat, holding a book and what? Iba na naman kasi yung binabasa niya. Ano ba naman 'to, paiba iba ng binabasa!

"Good morning." sabi ko. See? Hindi man lang siya ganahang sumagot o batiin ako.

Tama ba yung nakikita ko? Is he reading romance genre? I just saw it on the cover by the way.

But I noticed something. Wala pa siyang kape sa lamesa. Tinatamad siguro magtimpla 'to. Pumunta na lang akong kusina, magtitimpla ng kape. Since wala pa siyang kape, titimplahan ko na rin siya.

Nang matapos, dinala ko na sa table yung kape. He was even surprised when I put the cup of coffee in front of him. Pero tiningnan niya lang yun tapos tumingin sakin tapos sa kape ulit.

Problema nito?

Muli niyang ibinalik ang tingin sa libro at nagbasa.

Weird. He really is.

I just ignored and sat on the opposite couch, I forgot to bring my laptop so I put down the coffee first before taking it. I was about to stand up when someone from the outside opened the door after knocking thrice. There's only one person who would do that. Tita Martha.

"Oh gising na pala kayo.." sabi niya pagkakita samin pagpasok niya. "Good morning, iha." sabi ni tita pagharap sakin sabay lingon sa kasama ko "Loki."

"Good morning rin ho tita." sabi ko.

Loki, on the other hand, just nodded to Tita Martha and turned his attention back to reading. He also sipped the coffee I made for him. He didn't react so I can't say if he enjoyed it or what. It's good that he drank it somehow.

Ngayon ko lang napansin na may hawak hawak pala si tita Martha pagdating niya. Obvious naman na ulam yun para samin ni Loki. Nice! Salamat at hindi ko na po-problema-hin ang iluluto at kakainin namin!

Project Loki FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon