"Are you ready Princess?"
Napatango na lang ako kahit hindi ako prinsesa. Ilang beses ko nang nireklamo sa kanila na hindi ako prinsesa pero nginingitian lang nila ako.
Ngayon na nga pala ako babalik sa academy dahil tapos na ang training ko dito sa realm ng mga dyos at dyosa.
Nagcast na ng spell si goddess Cassiopeia hanggang sa may lumabas na isang portal.
"Paalam Sapphira!" Sabay-sabay na paalam nila. Ngumiti naman ako sa kanila tsaka lumapit na sa portal.
Lumingon ulit ako sa kanila sa huling pagkakataon ngayon. Alam ko namang babalik ako dito sa susunod na panahon.
Hindi ko nga lang alam kung kailan iyon pero sabi ni goddess Cassiopeia ay tatawagin daw nila ako ulit sa panaginip ko.
Kumakaway sila goddess Cali, goddess Erra at god Wyat sa akin habang si god Gray ay nakangiti lang sa akin katulad kay goddess Cassiopeia. Wala dito si god Phyro at hindi namin alam kung nasaan siya.
Tumalikod na ako at tumalon sa portal hanggang sa lamunin na ako ng dilim.
Minulat ko na ang mga mata ko at nanlaki bigla ang mata ko ng mukha ni Prince Blade ang bumungad sa akin.
Nakatitig siya sa akin pero as usual nakapokerface pa rin siya.
Napabangon ako bigla dahil doon dahilan para marinig ko ang pagtunog ng ilang buto ko.
"Aray!" Daing ko dahil ang sakit ng kasu-kasuan ko.
Akala ko ayos na ang katawan ko mula sa training ko sa El Paradiso pero ngayon ko pa lang pala mararamdaman lahat ng sakit.
"Don't move." Napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
Nakatutok ang palad niya sa akin at may light red na ilaw na iyon na unti-unting bumabalot sa buong katawan ko. Kasunod niyon ay ang unti-unting paggaan ng pakiramdam ko. Unti-unti ring nawala ang sakit ko sa katawan.
Wow may healing powers din pala si Prince Blade? Ayy gagi malamang naman Sapphira!
"Your friends will be here in a minute." Aniya tsaka umupo sa couch katapat ng kama kung saan ako nakaupo ngayon.
As if on cue, ay may narinig na akong yabag ng sapatos papalapit sa kwarto kung nasaan ako at ang mga boses ng Royalties.
Magtatanong sana ako kung paano niya nalaman kung kelan ang eksaktong pagdating ng royalties pero nagulat na lang ako at nagtaka ng mag-invisible siya.
Nakikita ko pa rin naman siya pero ewan ko na lang sa iba.
"Oh my God Sapph!" Napatakip ako sa tenga ko nang wala sa oras dahil sa pagtili ng kung sino sabay damba ng yakap sa akin.
Hanggang sa mapagtanto kong lima silang babaeng nakayakap ngayon sa akin.
Kahit may air powers ako ay halos mawalan na ako ng hangin sa katawan dahil sa higpit ng yakap nila na parang wala ng bukas.
"I-I can't b-breathe." Nahihirapan kong sambit sa kanila na biglang natauhan at wala pa sa alas-kwatrong kumalas sa pagkakayakap sa akin.
Nakita kong napailing na lang sa gilid ang mga lalaki kasama si Prince Blade.
"Sobra kaming nag-alala sa'yo! Akala namin mawawala ka na!" Naiiyak na wika ni Princess Phoebe na nginitian ko na lang. Akala ko din.
"Alam mo bang isang linggo kang tulog?! Nag-alala kami ng sobra sa'yo." Nanininghal na aniya ni Kielly na halatang nagpipigil ng luha niya.
"Ayos lang po ako. Actually excited na po akong pumasok mamaya--"
"No. You have to rest first. Bukas ka na pumasok." Aniya ni kuya Axe na pinutol nag sasabihin ko tungkol sa pagpasok mamaya sa mga klase. Napanguso na lang ako.
YOU ARE READING
MAGICI ACADEMIA (UNDER MAJOR REVISION)
FantasyFrom lowest to highest, From the bottom to the top, Be exalted or be exiled.