11: HAIR

10 1 0
                                    

Alas singko pa lang ng umaga ay nagising na ako at hindi na dinalaw pa ng antok kaya kahit maaga pa ay nagsimula na lang akong mag-ayos ng sarili para pumasok.

Ngayon ang official first day ko sa ibang subjects except sa archery ni master Wyat kahapon.

So far wala pa namang nangbully sa akin dito dahil hindi pa ako nakikita ng lahat.

Ihahanda ko na lang ang sarili ko dahil panigurado pagnakita ako ng ibang estudyante ay hindi nila palalampasin ang pagkakataong i-bully ako.

Pagkatapos kong ayusin ang higaan ko ay naligo na ako. Dala ang mga susuotin ko at ang tuwalya ay pumasok na ako sa banyo.

Hindi ito ang una kong makita ang banyo dito sa dorm ko pero hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako.

Ang linis at ang kintab ng tiles, pader maski ng mga gamit na nandito na parang ayaw mo na lang gamitin, hawakan o tapakan dahil baka madumihan.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng uniform namin. Hindi ito kasing gara ng uniform ng royalties pero maganda pa din ito. Yung katulad siya ng mga uniform ng mga estudyante sa Korea o sa palabas.

White long-sleeve, black vest, black suit na may embroidered logo ng Academia sa may right chest at may white linings indication ng kung ano ang level mo. Sa akin ay white pa lang dahil hindi ko pa raw napapalabas ang (mga) kapangyarihan ko. If only they know.

Hindi ko pa nasasabi sa kanila na alam ko na kung ano ang kapangyarihan ko at napalabas at nasanay ko nang gamitin iyon dahil iyon ang sabi ni goddess Cassiopeia.

Sa trainings ang ipalabas ko lang muna daw ay ang healing powers ko at enhanced speed ability ko para low-key lang ako at hindi pag-interesan ng mga dark magis.

Kasalukuyan akong nagsusuklay ngayon ng buhok ko at humarap sa salamin na ikinagulat ko.

Paanong naging ganito ang kulay ng buhok ko?

Dahil ba 'to sa pagpapalabas ko ng kapangyarihan ko? Pero hindi ito ganito kahapon ng magising ako. Brown pa rin ang kulay ng buhok ko kahapon. Bakit biglang naging rainbow colored na to ngayon?

"Sapphira halika na dito sa baba at kakain na dahil baka malate pa tayo sa klase." Rinig kong tawag ni Riz at Kie mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

Tinignan ko ang wristwatch ko at nagulat na lang ulit na 6 am na! Isang oras akong nag-ayos?! Napaface-palm ako. Malamang. Obvious ba Sapphira? 5am ka nagising tapos 6am na ngayon.

"Nandiyan na!" Pasigaw na sagot ko para marinig nila.

Napatingin ako ulit sa reflection ko sa salaming.

Nabubully lang naman ako noon dahil sa nerd get-up ko e. Pero hindi ko pwede ipakita ang totoong kulay ng buhok ko dahil ika nga nila nababase ang hair color ng isang magi sa kung ano ang kapangyarihang meron siya.

Kaya hindi ko pwedeng ipakita to sa kanila dahil paghihinalaan nila ako kapag healing lang ang pinalabas kong kapangyarihan.

Pwede ko naman sigurong pansamantalang palitan ang kulay ng buhok ko 'di ba? Nothing is impossible naman sa lugar na 'to e.

Pinikit ko ang mga mata ko at inisip na kulay brown ang buhok ko na may green ends dahil ganun ang nakita kong karaniwang kulay ng buhok ng may mga healing powers.

Pagbukas ng mata ko ay napangiti na lang ako dahil success ang pagpapalit ko ng kulay ng buhok.

Pagkatapos ng hair color session ko sa harap ng salamin ay lumabas na ako ng kwarto dahil naghihintay nga pala sa akin sila Kie at Riz.

Pagdating ko sa dining nandoon sila kasama na ang royalties. Wala raw may alam magluto sa kanila kaya makikikain na lang sila lagi sa amin. Hindi naman tumanggi ang dalawang kasama ko kaya ayan lagi silang nandito.

MAGICI ACADEMIA (UNDER MAJOR REVISION)Where stories live. Discover now