Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko na nasa bedside table ko.
"Hhhmm.." Hayy ano ba yan! Anong oras na ba?
6:30am
Shit! Male-late na ako!
Agad agad akong bumangon at nagpunta sa banyo para gawin yung rituals ko. After a minute tapos na ako sa mga rituals ko at hindi na ako kumain dahil 20 mins. na lang late na talaga ako. Sa cafeteria na lang siguro ako kakain mamaya.
***
Pagdating ko sa school agad akong tumakbo papunta sa room at pag-open ko ng room himala at ang peaceful dito.
Anong nangyari?
Pero ilang minuto din nagsitawanan naman sila at nakikita kong nandidiri sila. Alam ko namang ako yung pinandidirihan nila eh. Hayy.
"Tsk. Here na naman yan? Kailan pa ba yan maglalaho sa paningin natin?aisht!" rinig kong bulungan ng mga classmates ko.
Sanay na ako sa kanila mula ba naman nung elementary pa ako nila binubully. Di pa ba sila nagsasawa sa mga ginagawa nila sa 'kin? Kasi ako sawang sawa na sa kakaintindi sa kanila. I swear!
Di ko na lang sila pinansin tulad ng palagi kong ginagawa para iwas sa mas malalang gulo. Pumunta na ako sa pinakadulong upuan na malapit sa may bintana at doon naupo. Dito naman talaga ako palaging umuupo eh.
Atsaka mag-isa lang din naman akong nakaupo dito kasi wala namang mangangahas na tumabi sa isang nerdy na tulad ko di ba? Sobra kasing mapagmataas ang mga tao dito eh.
"Kakadiri talaga siya kahit kelan! tsk." rinig ko pang bulong nila. "Oo nga eh. ang landi pa nga eh. Alam nyo ba yung eksena kahapon na nagpatulong pa talaga sya sa mga royalties lalo na kay Prince Blade! Ang landi! " Sabi ko na nga ba at mababalita na naman yung kahapon eh hayys...
"Siguro malandi din ang mga magulang nyan. like mother like daughter." sabi naman ng isa na tinawanan pa ng iba.
Biglang nag-init ang ulo ko sa sinabi niya at feel kong parang may kung anong gustong kumawala sa kin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon.
Di ko makontrol ang sarili ko ngayon gusto kong pagbabanatan tong mga bully na to eh.
Ramdam kong humangin ng malakas at nagliparan ang mga upuan ngayon dito sa room. Rinig kong nagsisitakbuhan silang lahat at takot na takot. And after that everything went black.
3rd Person's POV:
Lahat ay natakot at nabigla sa nangyari at silang lahat ay nagsitakbuhan at nagtago.
"Halimaw talaga yung babaeng yun! " Sigaw ng isang babaeng isa sa mga nambubully sa babae.
"Mommy! help! monster!" sigaw naman ng iba habang nagsisitakbo palayo. Takot ang lahat na nakakita sa nangyari doon sa babae at sa mga nambully dito na sila Eva.
Nakita nilang siya ang dahilan ng pagbabago ng panahon at ang pagkabalibag ng mga kagamitan sa kanilang silid aralan. Takot na takot ang lahat hanggang sa biglang natumba na lang si Sapphira.
Walang gustong tumulong sa kanya dahil ang tingin nila sa kanya ay isang halimaw.
Hanggang sa may isang napakagwapong lalaking sumulpot at binuhat ang walang malay na si Sapphira.
Pero bago pa man sya umalis ay siya namang pagdating ng mga royalties at binura ng lalaki ang mga memorya ng mga estudyanteng nakakita sa buong pangyayari upang wala silang maalala sa nangyari sa oras na yun.
Marianne Aqua's POV:
Hi readers! Ako nga pala ang pinakamagandang prinsesa ng Water Kingdom.Naglalakad kami ngayon papasok sa academy kung saan kami pumapasok dahil sa misyon namin. At yun ang hanapin ang nawawalang prinsesa at ang naglayas na prinsipe ng buong Elemental World.
Kung bakit naglayas yung prinsipe? Para hanapin ang nakababatang kapatid niya. Yun ang alam namin sapagkat yun ang nakalagay sa sulat ng Prinsipe ng umalis sya.
Habang nag -iisip ako dito about sa magical world ay napukaw ang atensyon namin dahil sa takbuhan ng mga estudyante at ang pagdilim ng kalangitan at nakaramdam ako --ay mali kami pala kasi lahat kami ay nabigla sa naramdaman naming malakas na kapangyarihan.
Parang galing ito sa classroom namin na nasa 3rd floor.
Pero sino naman ang isa pang magical user na narito sa mundo ng mga tao?
Dali-dali kaming nagtatakbo paakyat sa 3rd floor at pagdating namin doon ay nagulat kami ng sobra ng makita si....
"P-prince Axielle?"-gulat na tawag ni Rei sa lalaki na ngayon ay may buhat na babae... W-wait!
"Omy! Sapph!" -nasigaw ko ng makilala ang buhat -buhat ni Prince Axielle. Anyare sa kanya?
"I thought you are here to guard and protect my sister but what happened?" he said in a cold tone. Anong sinasabi niya? Nahanap niya na kaya ang kapatid nya?
"You're right. Pero hindi pa namin sya nahahanap." sabi ni Ali pero tumawa lang sya sa amin. Napakunot noo tuloy kami. Hindi namin sya gets. Bakit sya tumatawa? Napatingin kami kay Blade ng kausapin siya ni Prince Axe.
"Is she cute Fire Prince?"tanong ni Prince Axe kay Blade na may ngisi sa labi. Eh?
"Nope. She's not." sagot ni Blade at nag iwas ito ng tingin pero tumawa lang ulit si Prince Axe sa kanya. Anong meron?
'Being concern is not a bad idea at all.*chuckles*' huh? sino yun?
'Secret.'
"psh."-Blade
"I think you should go home now to the academy. I'll just take her." huling sabi ni Prince Axe at saka umalis na karga pa rin si Sapph.
"Wait! Saan mo dadalhin si Sapph?" Tanong ko sa kanya at tumigil naman sya pero hindi sya lumingon pero sumagot naman sya.
"Kung saan sya nararapat." sagot nya.
"Uuwi ka na ba sa academy?"tanong ko pa.
"Oo. I'm done with my mission as well as yours so it's time to go home." sabi niya at tuluyan ng umalis sa harap namin.
So nahanap niya na ang nakatakdang Prinsesa?
***
YOU ARE READING
MAGICI ACADEMIA (UNDER MAJOR REVISION)
FantasiFrom lowest to highest, From the bottom to the top, Be exalted or be exiled.