5: MAGICI ACADEMIA

133 6 1
                                    


Another day and another life to cherish. Pero hindi na sa kinalakhan kong mundo. Dahil ngayon ang simula ng panibagong buhay ko dito sa mundong sinasabi nilang totoong kinabibilangan ko.

May pag- aalinlangan man dahil panibagong simula na naman ang aking kakaharapin ngunit kailangan kong tiisin dahil kailangan ko ding hanapin ang rason bakit sinasabi sa akin ng lalaking nagligtas sa akin na dito ako nabibilang at kung sino ba talaga ako. Ngayon pa lang pupunta sa Academia sabi kasi ni kuya Axe inenroll niya muna ako doon kahapon tapos ngayon ako pupunta. Lahat daw ng estudyante nandoon na kahapon dahil start na bukas ng klase.

"Ready?" Napalingon ako sa likod ko and weaved a slight smile and nod. I think. I hope.

"Don't worry we'll just be by your side no matter what." He said again. Tumango na lang din ako ulit.

Nandito na pala yung carriage na sasakyan namin papunta sa Academia.

Pagkasakay namin I was shocked to see yung royalties na nakasakay din sa carriage. It is a very big carriage na para na din siyang yung limousine sa mundo ng mga tao. Pero paanong--?

They were smiling at us pagkasakay namin.. Except sa leader nila..

"Sino ka ba?"

Nangunot ang noo ko dahil may narinig akong isang boses ng lalaki sa isip ko.

Inilinga ko ang paningin ko pero balik na sila sa mga gawain nila kanina. Si Prince Rei at Princess Mar na nag- aaway na dahil sa candy na hawak ngayon ni Prince Rei.

Si Princess Phoebe nakasandal sa balikat ni Prince Eo habang nakaholding hands. Wow naman po nahiya mga single sa kanila hayys.

Si Prince Ali naman ayun nilalaro yung animal guardian niya slash pet. (Paano ko nalaman yung tungkol sa guardian pets?

Nakwento sa akin yun ni kuya Axe noong nandoon pa kami sa bahay niya dahil nakita ko silang nag-uusap ng isang malaking wolf doon sa isang secret room na hindi na secret kasi nakita at nalaman ko na hahaha. Kaya ayun inexplain niya.

Nakakafreak-out lang kasi like what the-? Isang hayop can talk like a normal human?)

Si Princess Wency naman ayun nakadikit kay kuya Axe.

"Shit!" Napamura ako ng biglang sumikip yung dibdib ko. Damn! Here I go again! Argh!

"Princess? What happened?" Nag-aalalang lumingon sila sa akin na biglang napahawak ng mahigpit sa upuan ko trying to calm myself down. Pero ang sakit!

Nag inhale - exhale pa rin ako para pakalmahin ang sarili ko pero ayaw mawala ng sakit. Napapikit na ako dahil nandidilim na yung paningin ko at umiikot na yung vision ko. Damn.

"Damn. Ahhhhhhhhhhhhh!!" Napahinto yung sinasakyan namin at biglang may palasong pumasok at muntik ng tumama sa akin pero biglang napa angat yung ulo ko and everything went black.

3rd Person's POV:

Halata ang pag - aalala sa mukha ng mga Prinsesa't Prinsipe dahil sa biglaang pagkahimatay ni Sapphira pero ng bigla silang naalerto ng may sunod -sunod na mga palaso ang tumama sa kanilang sinasakyang karwahe na maghahatid sa kanila sa Magici Academia.

Napagpasiyahan nilang iwan muna si Sapphira sa karwahe at lagyan ito ng invisible barrier upang hindi ito makita ng mga kalaban na umaatake sa kanila ngayon.

Pagkalabas nila sa karwahe ay agad nilang pinalibutan ito at inihanda nila ang kanilang sarili sa maaaring mga kalabang kahaharapin.

Isang sandali pa'y sunod - sunod ang pagsugod ng mga dwarves, elf, pixies, at ogres na siyang kinabigla ng mga royalties. Bakit tila biglaan ang pag - atake ng mga ito? At sa kanilang pagkakaalam ay hindi naman kampon ng kalaban ang mga kasagupa nila kung hindi mga tagapagbantay ng kagubatan.

Hindi nila alam kung tototohanin nilang paslangin ang mga ito o dedepensa lang sila upang makausap nila ito ng padaanin na lang sila ng mga ito ng matiwasay.

Ilang sandali pa biglang may tumalsik na isang pixie na naging dahilan ng biglaan nitong pagkamatay isang senyales ito na ang pixie na iyon ay isang evil pixie na may kapangyarihang mapasunod ang kung sino man na makalanghap ng itim na dust na kaniyang pinapalabas.

Isang babaeng nakagold - hooded -cloak ang lumitaw sa kanilang harapan at bigla niyang pinalagitik ang mga daliri na nagdahilan upang bumalik sa ulirat ang mga natitirang forest guardians na kalaban kanina ng royalties.

Agad silang nagsiluhod at nagbigay galang sa babaeng naka cloak.

"Hara!" Banggit ng isang pixie na may silver dust.

Tumango lang ang babae tsaka biglang naglaho. Nagpaumanhin din ang mga ito sa mga prinsipe't prinsesa na naistorbo ang paglalakbay papunta sa Academia.

Nagtataka pa man sila kung sino ang babaeng tumulong sa kanila ngunit wala na din silang magagawa dahil naglaho na ito.

Pagbalik nila sa kanilang karwahe, nandoon pa din at walang malay si Sapphira sa loob ng barrier na kanilang ginawa upang maprotektahan ito.

Tinanggal na nila ang barrier dito at agad na inakay ni Prinsipe Axielle si Sapphira upang ihiga ang ulo nito sa kaniyang hita para maging samantalang unan niya habang nakamasid lang sa kanila ang ibang mga prinsipe't prinsesa na magulo pa din ang isip kung bakit ganoon na lamang ang pag-aalala at pag-aalaga nito sa nerd nilang kaibigan.

Hindi nila maiwasang hindi isiping maaaring si Sapphira na nga siguro ang nawawala nilang Prinsesa ngunit maaari ding nag-aalala lamang si Prinsipe Axielle sa babae kaya siya ganoon makitungo kay Sapphira.

"Sapphira Jaise, who on earth are you?"

Third Person's POV:

Pagdating nila sa Academia ay sinamahan pa rin nila si Sapphira na gising na kanina pa, papunta sa HM office para kunin ang kaniyang schedule at iba pang kailangan para sa pagsisimula ng klase.

Pagdating nila sa harapan ng office ay kumatok na si Prinsipe Axielle at pumasok na silang lahat.

"Siya na ba Prince?"

"Opo."

"Hello Royalties! Sapphira Jaise right?" tanong ng hm kay Sapph na kahit nagtataka ay tumango na lamang. Ngumiti ng totoo at matamis sa kaniya si hm at binigay na ang kaniyang mga kailangan, pagkatapos ay umalis na sila.

"Welcome back Goddess."

"Sapph sure ka bang ok ka na? Tara sa clinic para macheck ka." nag aalalang saad ni Marriane kay Sapph na sinang - ayunan din ng ibang Royalties except kay Prince Blade na pokerface at nakatingin lang sa kanila.

Ngumiti naman si Sapph at saka umiling bago nagsalita.

"Ok na po ako, no need to worry." sagot niya saka sila tumungo sa dorm ni Sapphira.

May sariling bahay kasi ang buong royalties at hiwalay ito sa dorm ng mga ordinaryong estudyante. At dahil transferee siya at hindi siya prinsesa kaya inihiwalay siya ng dorm mula sa royalties. Gusto nga sana ni prinsipe Axielle na kasama nila ito sa dorm pero hindi pumayag ang headmistress para na rin sa kanilang kaligtasan dahil hindi pa nila ito kilala ng lubusan.

Someone's POV:

"Mahal na reyna at dyo** nakauwi na ang mga royalties at kasama nila ang prinsipe Axielle at ang isang hindi nakikilalang babae." Nakayukod na pagpapaalam ng tagasilbi sa isang babaeng nakatingin lang sa bintana ng seryoso.

"Sige salamat, maaaring nandito na nga siya. Puntahan mo na ang ating mga kawal at kayo'y mag ensayo ng maigi dahil kapag hindi nila sinang-ayunan ang aking mungkahi ay wala akong magagawa kung hindi ang sapilitang kunin siya sa kanila." Utos nito sa tagasilbi na nagbigay galang muna bago tuluyang umalis.

"Bunga ng kadumihan at pagtataksil hindi ka maaaring mabuhay dahil ikaw ang nakatakdang sisira sa lahat sa mundong ito na hindi maaaring mangyari."

"A***a, may pagpupulong tayo pumunta ka na rito." Nagteleport na siya ng marinig ang boses ng kaibigan sa kaniyang isipan.

***

Thank you for reading! 🧡

MAGICI ACADEMIA (UNDER MAJOR REVISION)Where stories live. Discover now