10: KEY

10 1 0
                                    

Andito ako ngayon sa garden at pinagmamasdan lang ang magandang tanawin ng mga bulaklak at halaman sa paligid.

It's so peaceful. Sana ganito na lang lagi.

"What are you doing here?"

Napalingon ako sa likod ko ng may isang pamilyar na malamig na boses ang nagsalita sa likod malapit sa akin.

"Prince Blade!" Wala sa sariling bulalas ko. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Fier. Call me Fier not Prince Blade." Aniya na siyang tinanguan ko.

Oo nga pala sinabihan niya ako bago ako muntik mamatay na tawagin na lang siyang Fier.

"Nagpapahangin lang po Fier." Tumango siya pero halata ang pagngiwi niya.

"Cut the 'po' word." He said. Naiilang man ngunit tumango na lang ako.

I don't want to mess with any of them especially him dahil masamang magalit ang royalties. And I'm a witness of that noon sa mortal world pa lang. Partida wala silang ginamit na powers noon.

"E ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Naiilang ako sa atmosphere namin dito. Ang tahimik kasi kaya nag open ako ng topic.

Pero dahil naalala kong cold and quiet type nga pala 'tong kasama ko ay hindi na ako nag expect ng sagot.

"Same, nagpapahangin and I can't sleep." Sagot niya na ikinagulat ko.

Tumango na lang ako at inaliw ang sarili sa pagtanaw ng ngayo'y napakagandang tanawin ng garden.

Gabi na kasi pero kahit ganun, maliwanag pa rin at halatado pa rin ang ganda ng buong garden dahil sa mga fairies, pixies at fireflies na lumilipad lipad sa paligid. Isama pa ang naggagandahang bituin sa langit.

Walang buwan ngayon.

"Alam mo bang ang most romantic set up is yung star gazing? 'Yong kahit tahimik lang basta you're with that person that means a lot to you ay ok na?"

Ewan ko ba kung bakit sinasabi ko to sa kaniya. Wala namang pake iyon sa pananaw ng iba.

"Ang peaceful kasi ng ambiance lalo sa gabi. Tahimik ang paligid, sariwang hangin, nag-gagandahang mga bituin." Dagdag ko pa. Wala akong pakealam kung nakikinig siya o hindi.

"Actually na eenjoy ko naman mag star gazing kahit mag-isa lang pero iba pa rin pala talaga ang feeling kapag may kasama. Kahit tahimik." Natatawa kong saad tsaka lumingon sa kaniya.

Nagulat ako na makitang nakatingin pala siya sa akin. Hindi ko alam kung kanina pa iyon o nasakto lang na pareho kaming napalingon sa isa't isa.

Either way, nagbibigay iyon ng kakaibang pakiramdam sa akin.

Hindi ako iyong tipong ng tao na mapag obserba lalo na sa pisikal na anyo ng kahit sino pero ang pagtitig sa mata ng kahit sino ang kahinaan ko.

Una akong nag-iwas ng tingin dahil naiilang na ako sa kakaibang tibok ng puso ko.

Hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya.

MAGICI ACADEMIA (UNDER MAJOR REVISION)Where stories live. Discover now