Chapter 1

322 11 6
                                    


This story is dedicated to Audrey Mae Tac-an! Hi bhe, thank you for letting me use your name. I love you!

Chapter 1

*Audrey POV*

"Yeah, it was so hard to say goodbye. Yeah, you should know by now. And it is what it is, the boys in the house. It's BTOB, come on!" malakas kong rap habang nakahawak ng suklay at ginawang microphone.

Ako lang mag-isa rito sa kwarto ko kaya malakas ang loob kong sumigaw. Hindi rin naman ako pinapakialaman ni mama kapag kumakanta ako ng malakas.

Maganda boses ko eh! At walang makakapigil sa'kin kahit bagyo pa 'yan.

"Sis! Lumabas ka na diyan! Tama na concert! Mabubulabog mga butiki diyan sa kwarto mo!" napapadyak ako ng paa ko dahil sa sigaw ng kuya kong baliw.

"Tse! Inggit ka lang kasi hindi maganda boses mo!" ganting sigaw ko kay kuya at umupo nalang sa kama ko at ipinagpatuloy ang pagsusuklay ng buhok.

Kailangan ko na ring kumilos dahil papasok pa ako sa school. Baka ma-late ako at iwanan ng kuya kong siraulo.

"Sus! Inggit! Bumaba ka na diyan, kakain na. Inuna pa ang concert eh. Bilisan mo!"

Hindi nalang ako sumagot at inayos ang suot kong damit, sa school namin, walang uniporme kaya ayos lang kahit anong susuutin. Dinampot ko rin ang eye glasses ko saka humarap sa salamin.

Yes, I'm a nerd according to my schoolmates and batchmates but I don't care. Maganda pa rin ako!

Isinukbit ko ang aking bag sa'king balikat at sinipat na naman ang suot ko. Naka-blouse ako na kulay peach at nakafitted jeans. Ngumiti ako ng malawak bago tuluyang lumabas ng aking kwarto.

"Good morning mama! Good mornung papa! Good morning kuya kong pangit! Good morning cutie Andrea!" masigla kong bati sa pamilya ko na binati rin ako pabalik, syempre maliban sa kuya ko, inirapan ako.

"Good morning, my pretty ate!" masayang bati ni Andrea at hinalikan ko ito sa pisngi na ikinahagikhik niya. She's 5 years old kaya palagi akong nanggigigil sa kanya.

"Pretty? Ayan, pretty?"

"Bakit? May angal ka? Suntukan oh!" imbes na umimik, pinaikot lang ni Kuya Andrew ang kanyang mga mata at uminom ng tubig.

"Anak, umupo ka na at nang makakain na tayo." Untag ni papa at nilapitan ko siya saka hinalikan sa pisngi at gano'n din ang ginawa ko kay mama bago umupo sa tabi ni kuya.

Magkatabi kaming dalawa kaya palagi kaming nagbabangayan o nag-aasaran habang si Andrea, katabi ni mama sa tapat namin. Si papa sa dulo sa bandang kanan ko, ang hari ng aming pamilya.

"Let's pray. Audrey, lead the prayer. " nakangiting utos ni mama ni sinunod ko kaagad.

Umusal ako ng dalangin bilang pasasalamat sa pagkain at sa malusog na pangangatawan bago kami kumain. Ito palagi ang ginagawa namin tuwing kakain na kami. Galing ako sa relihiyosong pamilya, kaya tywing kumakain kami, nagdadasal muna. Nagsisimba rin tuwing linggo.

Pagkatapos kumain, sumabay na ako kay kuya papasok sa university. Pareho kami ng pinapasukan. Nasa second year na ako, college at si kuya fourth year. About cooking ang kinuha kong course, Bachelors in Culinary arts while kuya about business.

As usual, nag-aasaran kami habang bumabyahe papuntang school. Walang pikon sa aming dalawa kaya walang talo, walang panalo. Walang katapusang asaran at bangayan kaming dalawa na minsan si mama na ang napipikon. Hahaha!

"Bye pangit!" paalam ni kuya sa'kin. Iyan ang palagi niyang pang-aasar na ikinatuwa niya. Pero kapag ibang tao ang nagsasabi ng 'pangit' sa akin, parang papatay 'yan.

Ang Nerd na PalabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon