Hello! Enjoy reading!
Chapter 7
"Kanina pa ba kayo rito?" umayos ako ng tayo at ngumiti ng matamis kay kuya.
"Hindi, kakarating lang namin. Nakita nga namin kayo habang patungo kayo rito." Nagpipigil ako ng tawa nang sumama ang tingin ni kuya sa'kin.
Si Aiofe naman ay hindi napigilan ang pagbungisngis kaya sa kanya nabaling ang tingin ni kuya habang malamlam ang mga matang nakatitig dito. Iba talaga kapag umiibig, ano?
Bumaling ako sa mga kaibigan ni kuya at ngumiti, lalo naman akong napangiti nang makita ko si Ruan na nasa bandang likuran ni Muriel.
"Hi, Ruan!" masiglang bati ko sa kanya, parang nagulat pa ito at umiwas ng tingin.
"Hoy bebe girl, ako ang nasa harapan ni Ruan pero hindi mo binati, nakakasama ka na ng loob ha?" pagrereklamo ni Muriel na tinawanan ko lang bilang ganti.
"Kaya nga! Napaghalataan ko na 'tong batang ito. May favoritism!" segunda ni Kuya Bryan na ikinatango rin ni Migs.
Kuya Bryan is our cousin kaya siya lang tinatawag kong kuya dahil mas matanda pa naman siya sa'kin. Gano'n din naman ang iba kaso ayaw nila magpatawag ng kuya dahil nakakatanda raw. Pasalamat sila ang popogi nila kaya hindi na ako nangulit.
"Wala kaya!" tanggi ko habang nakangiti pa rin.
"Anong wala bebe girl-aww! Oo na bro! Hindi na! F*ck! Ang sakit!" natawa ako sa naging reaksiyon ni Muriel nang batukan siya ni Ruan nang hindi ko alam ang dahilan.
Nagtataka kong tinitigan si Ruan pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Akala naman niya titigil ako, ngayon pa na may ipinapahiwatig siya. Palagi niya akong hindi kinakausap tapos kaninang umaga, biglang may sinasabi na nagpakilig sa'kin. Kaya h'wag siyang umasa na hindi ko na siya kukulitin.
"Kuya Bry, may favor ako." nagpapa-cute kong baling kay Kuya Bryan. Naningkit naman ang mga mata niyang tumitig sa'kin.
"Tsk! Audrey, ano na naman 'yan?" binalingan ko si kuya at binelatan. "Susumbong kita kay mama."
"Porket magkatabi na kayong dalawa, ginaganyan mo na ako? Selfish!" inirapan ko siya tapos mas lumapit kay Kuya Bryan na katabi na niya si Ruan. Pumagitna ako sa kanilang dalawa. "Hoy Ruan! Malabo lang mga mata ko pero wala akong nakakahawang sakit!"
Bumuka ang bibig nito at itinikom ulit na para bang hindi alam ang sasabihin. Naasar ako sa kanya ng konti nang lumayo siya sa'kin kahit hindi naman kami magkadikit. Nakakasama ng loob mga wamport. Pero okay lang, hindi ko pa rin babaguhin ang plano ko para sa kanya. Gagawin ko ang lahat para maligawan ang supladong 'to.
"Kuya Bry, ano na? May favor nga ako." ungot ko at alam kong hindi ako tatanggihan ni kuya. Paborito ako nito eh. Alam niya lahat ng hilig ko at 'yong ayaw ko. Alam nga rin niya na crush ko si Ruan.
"Anong kapalit?" biglang napalis ang ngiti ko dahil sa tanong niya na ikinahalakhak ng dalawa habang si Kuya Andrew ay napatawa ng mahina.
"Kapalit? Mukha mo ipalit ko kay Zeba, gusto mo?" napairap kong sagot sa kanya at humalukipkip. "Oh wait! Pwedeng maging kaibigan mo si Zeba!"
"No way! Kahit wala nang kapalit basta h'wag mo lang akong ilapit kay Zeba ulit! No fr**king way!" hindi ko napigilang humagalpak ng tawa at sinabayan naman ako nina Kuya Andrew at Aiofe. Alam kasi nila kung gaano katakot si Kuya Bryan kay Zeba.
"Bro, manghingi ka pa ng kapalit." Pang-aalaska ni kuya na ikinasama ng hitsura nito.
Nagtataka naman ang tatlo pa nilang kaibigan na palipat-lipat ang tingin sa amin habang nakakunot ang mga noo. Hinihintay ko kung sino sa amin ang unang magsasalita o magsasabi kung sino si Zeba na kinatatakutan ng isang Bryan Royce David.
BINABASA MO ANG
Ang Nerd na Palaban
General Fiction"Saka mo na ako yabangan kapag magaling ka na sa recitation. Puro ka paganda lang, ang utak, wala namang laman. " "Maganda ako. Sa paningin ko at ng pamilya ko. I'm beautiful on my own way. Kung pangit ako sa paningin mo, pangit ka rin sa paningin...