Hi! Please vote and comment your reactions. ❤️Chapter 8
Ilang araw na mula no'ng na-meet nina Ruan si Zeba. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maiwasan ang hindi matawa kapag naaalala ko ang reactions ng tatlo.
Parang mga tuta na takot na takot eh. Pero sabagay, pwede sila maging tuta kasi ang cute nila pagmasdan. Hahaha!
Napangiti ako nang malawak nang mamataan ko si Ruan na nasa harapan ng kanyang locker habang may inaayos. Mabilis akong lumapit sa kanya nang may pag-iingat.
Hinampas ko ang katabi niyang locker na ikinagulat niya. "Audrey!"
Natawa ako ng malakas dahil sa kanyang hitsura at sinamaan niya pa ako ng tingin.
"Hindi ko alam na magugulatin ka pala, Bebe Ruan." Nakangiting pang-aasar sa kanya.
"What do you want?" sungit talaga! Kahit kailan basta maraming tao, sinusungitan niya ako. Ano kayang problema nito?
"Sungit mo talaga!" usal ko at sumandal sa katabing locker habang pinagmamasdan siya. "Pasalamat ka bebe kita."
Pinandilatan niya ako ng mga mata sabay pasimpleng tumingin sa paligid. Natatakot yata siyang may makarinig o makakaalam na bebe ko siya.
"Stop calling me that." nakakunot-noong saway niya at isinara ang kanyang locker.
"Eh anong gusto mo? Babe? Sweetheart? O Hun?" nakasunod kong tanong sa kanya at nagbulungan ang mga tsismosa nang marinig ang sinabi ko.
Huminto siya sa paglalakad at lumingon sa'kin.
"You're not afraid of them?" pointing the students and I shook my head while grinning. "To Andrew?" I shook my head again. "What should I do to you?"
"Wala. Hayaan mo lang na mahalin kita at tawaging bebe, okay na 'yon." Nakangiting sagot ko na ikinakunot-noo ng kanyang noo.
Kahit medyo nasaktan ako sa hinawi niya, ngumiti pa rin ako. Hindi naman kasi kasalanan ni Ruan na minahal ko siya. Hindi niya obligasyong mahalin ako.
"Tsk!" Iyan lang ang ginawa niya at nag-umpisa na namang lumakad. Ngumiti pa rin ako pero hindi na ako sumunod.
I know my limitation.
Inirapan ko ang mga estudyanteng naghagikhikan at nagbulungan saka inambaan sila ng suntok. Sinamaan nila ako ng tingin at tiningnan mula ulo hanggang paa.
"How dare you call him bebe? Eh hindi ka nga niya gusto!"
Lumingon ako sa pinanggalingan ng matinis na boses at napaikot ng mga mata dahil sa nabungaran ko. Ang tatlo nga pala ito, ang reyna na walang trono, anghel na nakatira sa impyerno at iyong babaeng nagswing sa chandelier(pertaining the singer who sang Chandelier. Lol! Her name is Sia.)
"Sus! Ikaw nga hindi niya magawang tingnan sa mga mata eh! Kaya patas lang--"
"You're not coming?!" nabitin sa ere ang sasabihin ko sana nang marinig ko ang sinabi ni Ruan.
"Ha?!"
"Want me to drag you from there?" napanguso ako para itago ang ngiting nais kumawala sa aking mga labi.
Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya at nang katabi ko na siya, nilingon ko sina Queenie na nakanganga.
Kumindat ako bago sumigaw. "Bye Queenie! Ipagdadasal kita! Sumalangit sana ang iyong kaluluwa!"
I heard Ruan snorted while covering his mouth with his fist. Natawa ako nang mapagmasdan siya.
Lord! Bakit naman ang gwapo niya? Huhuhu! Ang unfair ng life! Kaya hindi ako umaasa na magugustuhan ako nito eh! Isang gwapo, magkakagusto sa isang potato? Naku! Himala iyan!
BINABASA MO ANG
Ang Nerd na Palaban
General Fiction"Saka mo na ako yabangan kapag magaling ka na sa recitation. Puro ka paganda lang, ang utak, wala namang laman. " "Maganda ako. Sa paningin ko at ng pamilya ko. I'm beautiful on my own way. Kung pangit ako sa paningin mo, pangit ka rin sa paningin...