Chapter 4
*AUDREY POV*
"HOY! Ang iingay niyo! Manahimik nga kayo diyan!" hindi ko napigilang saway sa tatlong maiingay na nasa kabilang kwarto. "Parang baboy kayong kinakatay sa kakasigaw niyo!"
Tawang-tawa ang dalawa sa isinigaw ko. Limang oras na kaming nakakulong dito at hindi pa rin nila kami pinapakawalan. Papakawalan lang kami mamayang dismissal. Katulad pa rin ng dati, kaya hindi na ako nagrereklamo.
Sa limang oras naming pagkakakulong dito, ang dami ko ng nagawa. Katulad ng pagsusulat sa dingding gamit ang chalk na palagi kong dala, hindi naman sila magagalit dahil sanay na silang palaging may sulat ang dingding na gawa ko. Klarong-klaro pa ang sulat dahil kulay grey ang pintura ng dingding.
"SHUT-UP FREAK!" pasigaw nilang sagot at napaismid ako.
"AWOOO! AWOOO! BALITA KO MAY WHITE LADY DAW NA NAGPAPAKITA DIYAN!" ganting sigaw ko na ikinatili nilang tatlo kaya tumawa ako na saktong hindi nila maririnig. "Sino 'yong sumigaw kanina?"
Abala ang dalawa sa pagfe-facebook. Kanina nag-groufie kami tapos pinost namin sa facebook tapos ang caption, 'Sana all matapang kahit na-detention, 'di tulad ng iba diyan na parang mga baboy na kinakatay. Hindi ko sinasabing sina Zia 'yan ha? Hindi talaga.' Then I tagged my besyfriends and of course, sina Zia din at mga kaibigan niya para lalo silang maasar.
"Baka 'yong anghel na may sungay." Sagot ni Alaia habang patuloy pa rin sa pagdotdot ng cellphone niya.
"O baka iyong reyna na walang kaharian." dugtong naman ni Aiofe habang natatawa.
"O baka 'yong babaeng nag-swing sa chandelier?" saad ko at humagikhik. Sinabayan naman ako ng dalawa hanggang sa lumakas ang tawa naming tatlo.
Napahiga ako sa couch at nag-inat inat. "Bored na ako. Ano ba pwedeng gawin?"
"Matulog ka diyan. Kanina ka pa kasi palakad-lakad na parang sira." Suhestiyon ni Alaia habang nagbabasa na ng story sa wattpad.
"Ayaw, hindi ako inaantok. Suggest ka pa besh." Hindi ito sumagot kaya napasimangot ako at nag-isip kung ano ang pwedeng gawin. Nang may naalala ako at napasigaw sa tuwa. "Aha! May naisip na ako!"
"Diyos ko naman, Audrey Mae! Huwag ka ngang pabigla-biglang sigaw diyan!" asar na saway sa'kin ni Alaia kaya napanguso ako at kinuha ang bag na inilapag ko kanina sa sahig.
Hinalungkat ko ang aking bag at napapalakpak sa tuwa nang makita ang matagal ko ng dala-dala na baraha pero hindi ko pa nagagamit.
"Guys! Laro tayo, dali!" nakangiti ako ng malawak habang ipinakita sa dalawa ang hawak kong baraha.
Mabilis na binitiwan ng dalawa ang kanilang cellphone at sabay na masaya akong nilapitan. Magkakasundo kaming tatlo pagdating sa paglalaro ng baraha, lalo na ng tong-its at unggoy-unggoyan.
"Game! Dali na! Makakapaglaro ulit ako ng tong-its! Yipee!" masiglang sabi ni Alaia at natatawa akong sumalampak sa ibabaw ng mesa at gano'n din ang ginawa ng dalawa.
Nag-umpisa na akong balasahin ang baraha at ipinamahagi. Nang matapos, naglaro na kami at napangisi ako nang makitang magaganda ang aking mga baraha. Inayos ko ito at pinagsunod-sunod ang mga numero at bulaklak.
"Oh wait! Pustahan! Limang peso!" napaikot ng mga mata ang dalawa at naglapag ng tigli-limang peso sa gitna namin at ibinagsak ko ang isang baraha sa gitna namin.
"Ano ba 'yan! Walang mas mababa?" pagrereklamo ni Alaia na siya ang susunod na bubunot ng baraha na ikinatawa ko.
Nagkakatuwaan at nag-aasaran kami sa paglalaro. Hindi na namin namalayan ang oras at nagulat nalang kami nang may nag-iingay sa labas. Dumating na ang mga magri-release sa'min kaya singbilis ng kidlat na niligpit ko ang baraha at isinalampak nalang sa aking bag.
BINABASA MO ANG
Ang Nerd na Palaban
General Fiction"Saka mo na ako yabangan kapag magaling ka na sa recitation. Puro ka paganda lang, ang utak, wala namang laman. " "Maganda ako. Sa paningin ko at ng pamilya ko. I'm beautiful on my own way. Kung pangit ako sa paningin mo, pangit ka rin sa paningin...