Sorry for the late update. Love ya'll!
Enjoy reading! 💙
Chapter 3
*AUDREY POV*
Sa tinagal-tagal ko nang nag-aaral dito, hindi na bago sa akin ang e-bully ako. Hindi na rin bago sa kanila na lumalaban ako at gumaganti.
Sanay na ako. Sanay na silang lahat.
Pati ang palaging madala sa Guidance Office ay sanay na rin ako. Hindi na bago sa'kin 'to. Halos linggo-linggo akong pinapatawag o dinadala sa Guidance Office kasama ang mga nambully sa'kin.
Syempre, palaban ako eh! Kaya Guidance Office talaga ang bagsak ko. Pero kung hindi ako palaban, tiyak sa School Clinic ang bagsak ko at ako lang ang kawawa habang sila nagsasaya.
Swerte naman nila kung sila lang ang masaya at nakapanakit habang ako nasaktan lang. Dapat patas kami, parehong nasaktan at nasiyahan.
"Miss Tac-an, it's you again?!" napaikot ako ng mga mata ko nang banggitin ni Mr. Principal ang maganda kong apelyedo.
"It's me again? Bakit sir, ako lang ba ang nandito? Sila kaya ang nag-umpisa, ang tatlong Ugly Demonyita."
"What did you say?!" ang tinis ng boses ni Zia habang naniningkit ang mga matang nakatingin sa'kin.
"Walang ulitan sa binging kalansay." Susugurin na naman sana niya ako pero napatigil si Zia nang sumigaw si Mr. Principal.
Mr. Principal ang tawag ko sa kanya dahil nakalimutan ko kung anong apelyedo niya. Bahala sila diyan, hindi naman siya part ng family ko para alalahanin ang pangalan at apelyedo niya.
"Valdez, enough!" mukhang toro na si Mr. Principal na kulang nalang suwagin kaming anim dito. "To the Detention, NOW!"
"Ahy, Detention agad? Hindi na kami kakausapin sir?" kunwaring nagtataka kong tanong at pinandilatan ako ni Mr. Principal at galit na nagmartsa palabas ng cafeteria. "Galit agad?"
Walang imik kaming sumunod sa kanya habang ang tatlo, kinaladkad nina Muriel dahil ayaw nilang sumunod. Pasimple pa sila, gusto lang naman nilang mahawakan sila nina Muriel eh. Pero mas bet nila si Ruan pero hindi sila nilapitan o hinawakan ni Ruan, allergy kaya 'yan sa mga white ladies.
Feeling ko bakla 'to. Sayang, gwapo pa naman masyado. Mas gwapo pa sa kuya ko. Type ko nga siya eh!
Magapang nga 'to sa Halloween, magpapanggap akong Sadako. Mehehehe!
Kaagad kaming itinapon este pinapasok sa Detention Room ng magkahiwalay. I mean, sa iisnag room kaming tatlo tapos ang Three Ugly Demonyita sa kabilang kwarto.
"Sir! Mr. Principal! Sure kayong hindi kami sa iisang kwarto lang? Malawak kaya 'tong room na 'to! Kasya-kasya kaming anim! Sige na sir! We are ready to rumble pa naman!"
"Miss Tac-an! Umayos ka ha? Na-tak-an na gid ko sa imo!" ahy! Galit na siya? Nag-ilonggo na eh. Hekhek!
"Sir, huwag na ma-beast mode, sayang ang buhok este ang kapogian mo kapag nagagalit ka. Sige na sir, babay! B. A. B. A. Y by Yeng Constantino.". Napapailing nalang siya at tumalikod na habang sina Muriel ay natatawang nanonood sa amin.
Nakita ko rin si Ruan na napapangiti ng konti. Ayieee! Napapangiti ko si Papa Ruan, gapangin ko na talaga 'to! Promise! Walang lokohan! Sabunutan ko pa ang panot naming principal!
"Muriel! Muriel!" tawag ko kay Muriel at nilingon ang dalawa na natatawa habang nakaupo na sa mesa.
"Oh? Crush mo 'ko?" nakangising sagot nito. Nagkunwari pa akong nasusuka sa sinabi niya at inirapan siya.
BINABASA MO ANG
Ang Nerd na Palaban
General Fiction"Saka mo na ako yabangan kapag magaling ka na sa recitation. Puro ka paganda lang, ang utak, wala namang laman. " "Maganda ako. Sa paningin ko at ng pamilya ko. I'm beautiful on my own way. Kung pangit ako sa paningin mo, pangit ka rin sa paningin...