Hello? Parang tagal na ho ano bago ako nakapag-update ulit. Sorry.
Abangan po natin ang planong panliligaw ni Audrey kay Ruan. Harhar!
Enjoy reading!
*ALAIA POV*
Napabuntong-hininga nalang ako habang pinagmamasdan si AM na tumatakas mula sa'kin. Hindi na ako nag-abalang habulin siya dahil hindi ko rin naman siya maaabutan.
Isa pa, masaya na akong makitang malusog at makulit siya kaysa iyong tahimik at nando'n siya sa Hospital na nakaratay.
"Hindi mo hahabulin?"
I turned around and make faces to AG who's giggling while still recording.
"Hey! Stop that! Kaasar ka, alam mo ba 'yon?"
"Hindi." Nakangiting pamimilosopo niya at ibinulsa ang kanyang cellphone. "Pero, hindi mo talaga hahabulin 'yon?"
Ngumiti ako at inakbayan siya. "Hindi. Hayaan mo siya. Hindi na baleng hindi ako makaganti, ang mahalaga, she's healthy and happy." Madamdamin kong sagot.
When it comes to Audrey, we are paranoid and always scared. Dahil alam namin kung ano ang pinagdaanan niya. May mga problema kami sa buhay pero kung iisipin, maliit lang ito kung ikumpara sa mga pinagdaanan ni Audrey.
She's still sufferring and her nightmares always chasing her in her dreams every night. Hindi man katulad noon pero binabangungot pa rin siya at mauuwi sa hospital.
Kaya palagi namin siyang binabantayan at hindi iniiwan kahit na napakatapang niya at palaban. Kahit na sabihing takot sa kanya ang mga siga.
Ayaw ko sa pagiging palaban niya ng sobra dahil baka sasaktan na siya ng mga lalaking binabara niya. Kaso ayaw kong makita ulit ang sakit na bumalatay sa mga mata niya no'ng pinagsabihan ko siya. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan niya kahit hindi ko naranasan ang ma-bully.
I am lucky 'cause I never received any bad words from others. But I felt sad and anger everytime I heard someone insulted my bestfriends especially to Audrey.
"I felt relieved." Napatingin ako kay Aiofe at nagtatanong ang mga mata kung anong ibig sabihin niya. "Because you know, she's okay now. Palagi nalang ako kinakabahan at natatakot sa tuwing tumatawag sina tita na isinugod siya ng Hospital. Nag-o-overthinking ako. Like, baka napaano na siya o baka malala ang kalagayan niya. O baka sinaktan na naman niya ang sarili niya."
Sabay kaming napahinga ng malalim at napapikit ako saglit. "Ako rin naman eh. Pero hindi ko ipinapakita ang takot ko sa tuwing nasa Hospital siya. Alam mo naman na mas lalong sumasama ang loob niya kapag gano'n."
"What if, kausapin natin family ni Nanay Mercy?" Aiofe suggested.
Napaisip din ako. Pwede rin naming kausapin pamilya ni Nanay Mercy pero baka katulad lang din ng ginawa nila kay Audrey na ipagtabuyan kami.
"Yeah, let's try." Nakangiti kong sang-ayon at nagset na kami ng date kung kailan kami pupunta sa pamilya ni Nanay Mercy.
Napatingala ako sa langit at napausal ng dapangin.
Nanay, gabayan mo naman kami. Sana tanggapin kami ng naiwan mong pamilya at sana patawarin na nila si Audrey.
---
*AUDREY POV*
Hingal na hingal akong huminto sa pagtakbo at itinukod ang kaliwang palad sa locker. Pagod na pagod na ako at gusto ko nang sumalampak sa sahig kaso baka madumihan ang damit ko, kaya huwag nalang.
BINABASA MO ANG
Ang Nerd na Palaban
General Fiction"Saka mo na ako yabangan kapag magaling ka na sa recitation. Puro ka paganda lang, ang utak, wala namang laman. " "Maganda ako. Sa paningin ko at ng pamilya ko. I'm beautiful on my own way. Kung pangit ako sa paningin mo, pangit ka rin sa paningin...