Chapter 2

87 8 6
                                    

    Pasensiya na po, sobrang busy kasi talaga ng buhay ko kaya hindi nakapag-update kaagad.

  Enjoy reading!

  Chapter 2



  Dumukmo ako sa desk ko at huminga ng malalim. Palaban ako pero sa totoo lang, nasasaktan ako. Hindi ko lang ipinapakita dahil alam ko, mas malala ang gagawin nila. Magagawa nila akong saktan ng pisikalan kung hindi ako lalaban ng talakan.

Matapang ako pero ang puso ko, durog na durog na. Sobrang durog na minsan gusto ko nang sumuko pero alam kong hindi maganda kapag susuko ako. May pamilya akong nagmamahal sa'kin.

  Masama bang maging simple?

Masama bang naka-eye glasses?

Kasalanan ko bang sira ang mga mata ko?

Kasalanan ko bang nagkaganito ang mga mata ko?

Kasalanan ko ba kung palagi akong may sagot sa recitation at sa iba pa?

Hindi naman 'di ba? Pero bakit parang pinandidirihan kaming naka-eyeglasses? Bakit para sa kanila, isa kaming maduduming tao? Tinatawag na freak, disgusting, nerd at iba pang masasakit na salita na akala mo, naka-commit kami ng napakalaking kasalanan.

Minsan gusto ko na silang saktan ng pisikalan nang sa gayon, tumigil na sila. Pero ayaw ko namang gawin, ayaw kong mapapahiya sina mama at papa nang dahil sa'kin. Nang dahil sa maiksi kong pasensiya minsan.

  Tao lang din naman kasi ako, napapagod at nasasaktan. Nauubos minsan ang pasensiya at napipikon. Gusto kong manakit para mabawasan ang sakit ng dibdib ko pero alam ko, ako pa rin ang talo sa bandang huli. Palalabasin lang na ako ang masama.

  Ang unfair ng buhay.

  Kung ako lang sana ang pinapili nina mama at papa ng papasukan ko, hindi ko pipiliin ang university na 'to. Mas gusto ko do'n sa Amaezona University kasi narinig ko na maaayos ang mga estudyante do'n. May mga pasaway man, atleast napaparusahan dahil strikto ang may-ari ng school. Ayaw niya sa mga bullies. Ayaw niya sa mga nang-aapi.

  Kaso, sina mama ang pumili nito dahil dito si kuya nag-aaral. Ayaw nilang mahiwalay ako kay kuya para raw may nagbabantay sa'kin pero gano'n pa rin naman ang nangyayari, nabubully pa rin ako.

  "Beshy..." hindi ako umimik nang tawagin ako ni Alaia, nanatili akong nakadukmo sa desk ko.  "I am so sorry. Alam kong nahihirapan at nasasaktan ka na pero kasi ayaw kong dumating sa point na saktan ka na nila ng pisikalan. Natatakot akong masaktan ka."

  Hindi pa rin ako umimik pero itinaas ko ang kanang kamao ko at nag-okay sign na ikinahagikhik nilang dalawa saka sabay akong niyakap. Nasa magkabilang gilid ko silang dalawa kaya napapagitnaan nila ako.

  "Layo! Naiipit ako." Siniko ko silang dalawa ng pabiro kaya nakatanggap ako ng kurot sa magkabilang bewang ko. "Aruu! Shakit!"

  Nagsipagtawanan lang silang dalawa habang ako nakasimangot. Mga walanghiya talaga! Paano ko ba naging kaibigan ang mga 'to?

  Ah! Oo nga pala, napanood nila no'ng binully ako at ipinagtanggol nila ako. Magmula no'n naging magbestfriends na kaming tatlo.

  Grade 7 ako no'ng nakilala ko sila at magmula noon, sila na ang palagi kong kasama at kasangga sa lahat ng bagay. Tagapagtanggol at taga-comfort. Kahit kailan, hindi nila ako iniwanan.

  Mas lalo kaming naging close no'ng sinabi ko sa kanila ang pinakamadilim na nangyari sa buhay ko. At dahil do'n, labis ang pangpoprotekta nila sa'kin kahit alam naman nilang palaban ako.

Ang Nerd na PalabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon