Chapter 9

42 3 2
                                    

Hello! Pambawi sa matagal na hindi pag-update. And here it is! May POV na si Bebe Ruan! Tentenen!

Chapter 9

*AUDREY POV*

  Nanginginig ang mga kamay ko hindi dahil sa galit, kundi dahil sa kaba. Dahil kanina, nagtext  sa'kin si kuya at kailangan daw naming mag-usap. May pakiramdam na ako kung ano ang pag-uusapan namin at iyon ang nagpakaba sa akin ng sobra. Alam kong nagkalat na ang nangyari kaninang umaga.

Aligaga akong inayos ang mga gamit ko sa bag at hindi mapakali. Mabait si Kuya Andrew pero pagdating sa ganitong bagay, ayaw niyang ma-involve ako sa mga kaibigan niya. Hindi ko alam kung bakit. Pero kasalanan ko bang nagkagusto at minahal ko ang kaibigan niya?

"Mauna na ako sa inyo ha? Kailangan ko pang makipagkita kay kuya." paalam ko sa dalawa habang inaayos ang pagkakasukbit ng bag sa'king balikat.

"Samahan ka na namin, AM."

"Hindi na AG," nakangiting pagtanggi ko. "Nakakaabala na saka kay kuya na rin naman ako sasabay eh."

"Pero AM, parang galit si kuya. Mas mabuting kasama mo kami, lalo na si AG at nang mahiya siyang pagalitan ka."

Napangiti ako at umiling. Kahit naman kasama ko sila, kung galit si kuya, galit talaga.

"Kilala niyo si kuya, kahit sina mama at papa pa ang kaharap niya. Walang makakapigil sa kanya." Lumungkot ang mga mukha nila at bumuntong-hininga na ikinatawa ko. "Paano, see you tomorrow!"

I waved my hand to them  before leaving the room. Napahinga ako ng malalim nang nasa labas na ako at nilakasan ang loob upang ihakbang ang mga paa. Sa totoo lang, nakakaramdam ako ng takot.

Takot na baka lalayuan ako ni Ruan dahil kay kuya. Takot na baka tuluyan ng mapalayo sa'kin ang lalaking unang minahal ko.

Kinakabahan man, nagpatuloy pa rin ako sa paghakbang hanggang sa makarating ako sa rooftop. Dito ni kuya naisipang mag-usap kami kasi sa mga ganitong oras, wala nang tumatambay dahil nagsipag-uwian na ang mga estudyante habang ang iba, may klase pa.

Dito ang paboritong tambayan nila kuya dahil tahimik at kokonti lang ang pumupunta. Tamad ang nga estudyante na tumambay dito dahil nasa ikalimang palapag na ito.

Hinihingal akong napatukod sa'king mga tuhod. Maya't maya ay umayos ako ng tayo at pinahiran ang mga pawis. Huminga muna ako ng malalim bago hinawakan ang seradura ngunit bago ko pa ito mabuksan ay may lumabas na ikinaatras ko.

"Audrey? What are you doing here?" gulat na tanong ni Kuya Bryan habang nakaakbay kay Ruan na titig na titig sa'kin.

"Hi kuya! Nandiyan na ba si Kuya Andrew?"

"Naku bebe girl, hindi maganda ang mood ng kuya mo ngayon. Mainit ang ulo eh! Hintayin nalang natin siya sa Parking Lot." sagot ni Migs at hinawakan ako sa braso para sumabay na sa kanila.

"Mag-uusap kasi kami ngayon." Pilit ang ngiting sabi ko at nilagpasan sila para makapasok na sa loob.

"Pero bebe girl, may kakausapin daw ang kuya mo at halatang galit o inis siya sa kakausapin niya." Nag-aalalang pagpigil ni Muriel.

Nilingon ko sila at nginitian. "Alam ko po, kaya nga inaya niya ako rito para mag-usap kami." Gulat na napatitig sina Kuya Bryan at Ruan sa'kin. Alam kong alam na ni Ruan kung bakit galit si kuya.

"Yang, what did you do this time na ikinagalit ng kuya mo?" imbes na sumagot, nginitian ko lang si Kuya Bryan at kinawayan sila bago tuluyan ng pumasok.

  Nakita ko si kuya na nakapatong ang magkabilang siko sa railing habang malayo ang tingin. Isinara ko ng dahan-dahan ang pintuan bago siya nilapitan. Isang dipa ang layo ko sa kanya at tumingin sa baba kung saan maraming nga estudyanteng palabas ng University.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Nerd na PalabanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon