Ibarra
Si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin o Crisostomo o Ibarra, ay isang binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.Maria Clara
Si Maria Clara de los Santos y Alba o Maria Clara, ay ang mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.Padre Damaso
Si Damaso Verdolagas o Padre Damaso, ay isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria Clara.Kapitan Tiago
Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago, ay isang mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.Elias
Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.Si Sisa, Crispin, at Basilio
Si Narcisa o Sisa, ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.
Si Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.Pilosopo Tasio
Si Don Anastasio o Pilosopo Tasio, ay maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.Donya Victorina
Si Donya Victorina de los Reyes de Espadanya o Donya Victorina, ay isang babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.Padre Salvi o Bernardo Salvi - kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na Hari ng Italya ng San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)
Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.
Don Tiburcio de Espadanya - isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.
Don Filipo - tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin
Señor Nol Juan - namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.
Lucas - kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
Tarsilo at Bruno - magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Tiya Isabel - hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia Alba - masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.
Inday, Sinang, Victoria, at Andeng - mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
Kapitan-Heneral - pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.
Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.
Don Saturnino - lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
Balat - nuno ni Elias na naging isang tulisan
Don Pedro Eibarramendia - ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo
Mang Pablo - pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
Kapitan Basilio - ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin; ama ni Sinang
Tinyente Guevarra - isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Kapitana Maria - tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.
Padre Sibyla - paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
Albino - dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
Historical FictionNoli Me Tángere, Latin for "Touch Me Not", is an 1887 novel by José Rizal during the colonization of the Philippines by the Spanish Empire to describe perceived inequities of the Spanish Catholic friars and the ruling government.