Ang Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito at “huwag mo akong salingin” ang ibig sabihin nito. Kinuha ito ni Rizal sa ebanghelyo ni Juan: 20: 13-17 sa Bibliya na tumutukoy kung paano pinagsusuot ng mga patalastas ang mga may ketong upang lubayan sila ng mga nakakasalubong nila. Mas madalas itong tinatawag na Noli; at ang salin sa Ingles nito ay Social Cancer. Sinundan ito ng El Filibusterismo, isa pang nobela ni Jose Rizal.
Kasaysayan
Unang nobela ni Rizal ang Noli Me tangere. Inilathala ito noong 26 taong gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon.
Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.
Ang nobela ni rizal ay tumatalakay sa mga kingisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito ng Espanya. Binabatikos din ng nobela ang mga bisyo na nakasanayan ng mga Pilipino at ang kapangyarihang taglay ng Simbahang Katoliko na nahihigit pa ang kapangyarihan ng mga lokal na alkalde.
Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli. Pagkatapos ng usapan, napayapa ang liberal ng Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal. Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal sa Leitmeritz:
“Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan, tinatanong ako ukol rito. Gusto nila akong gawing excommunicado dahil doon... pinagbibintangan akong espiya ng mga Aleman, ahente ni Bismarck, sinasabi nila na Protestante ako, isang Mason, isang salamangkero, isang abang kaluluwa. May mga bulong na gusto ko raw gumawa ng plano, na mayroon akong dayuhang pasaporte at gumagala ako sa kalye pagkagat ng dilim...”
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
Ficção HistóricaNoli Me Tángere, Latin for "Touch Me Not", is an 1887 novel by José Rizal during the colonization of the Philippines by the Spanish Empire to describe perceived inequities of the Spanish Catholic friars and the ruling government.