Ang Kalesang sinasakyan ni Ibarra ay masayang bumabagtas sa isang masayang pook sa Maynila. Ang kagandahan ng sinag ng araw ay nakakapagpapawi sa kanyang kahapisang nadarama. Sa pagmamasid niya sa kapaligiran, biglang bumangon sa kanyang nahihimlay na diwa ang isang alaala.
Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaing naglalako ng mga bungang-kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga karitong hila ng mga makupad na kalabaw. Pati ang bilanggong patay sa ilalim ng kariton at malapit sa dalawang bilanggo rin ay kanyang naalala.
Sa patuloy na pagsusuyod ng kanyang tingin, napansin niya na walang ipinagbago ang punong Talisay sa San Gabriel. Ang Escolta naman sa tingin din niya ay lalong pumangit. Nakita din niya ang mga magagandang karwahe na ang mga sakay ay mga kawaning inanatok pa sa kanilang mga pagpasok sa mga tanggapan at pagawaan, mga tsino at paring walang kibo. Sa mga paring nakasakay sa mga karwahe, namataan niya si Pari Damaso na nakakunot-noo. Si Kapitan Tinong nuon na kasama ang asawa at dalawang anak na babae at nakasakay sa ibang karwahe ay binati si Ibarra.
Napadaan din siya sa Arroceros (ngayon ay C.M. Recto) sa bahaging kinalalagyan ng pagawaan ng tabako. Naalala niya na minsan na siyang nahilo dahil sa masamang amoy ng tabako.
Nang madaan siya sa Hardin Butaniko saglit na napawi ang kanyang mga magagandang gunita. Pumasok sa kanyang isip na ang hardin sa Europa ay nakakaakit at nakapag-aanyaya sa mga ito upang iyon ay malasin. Itinuon niya ang tingin sa malayo at makita niya ang matandang Maynila na naliligid ng makakapal at nilumot ng mga pader.
Ang pagkakapatingin niya sa Bagumbayan ay nagpabangon sa bilin ng kanyang naging guring pari bago siya tumulak sa ibang bansa. Ang bilin ng pari ay (1) Ang karunungan ay para sa tao, ngunit ito ay natatamo lamang ng mga may puso lamang. (2) Kailangang pagayamanin ang karunungan upang maisalin ito sa mga susunod na salin-lahi at (3) ang mga dayuhan ay nagpunta sa Pilipinas upang humanap ng ginto. Kung kaya’t nararapat lamang na puntahan ang lugar ng mga dayuhan upang kunin naman ni Ibarra ang ginto nila (dayuhan).
BINABASA MO ANG
Noli Me Tangere
Ficción históricaNoli Me Tángere, Latin for "Touch Me Not", is an 1887 novel by José Rizal during the colonization of the Philippines by the Spanish Empire to describe perceived inequities of the Spanish Catholic friars and the ruling government.