Pahina 2

16 2 2
                                    

" I have a hopeless
crush on someone
I have no chance
with!"

Nang matapos nga ang klase namin agad kong hinagilap si Taehyung upang ibalik dito ang wallet niya.

Gusto sana niyang isama ang Bestfriend niyang si Lisa,pero may lakad pala ito kasama si Bambam na boyfriend na nito since 3rd year highschool pa sila.

Matagal na rin silang magbestfriend ni Lisa since elementary sabay silang nag-enroll dito at ahead lang ng One year sa kanila si Bambam.

Finally ay natanaw na niya si Taehyung na papunta sa parking lot upang kunin siguro ang kotse nito.

Lalapitan na sana niya ito nang may biglang apat na lalaking humarang
kay Taehyung. Tingin ko ay mga estudyante rin ang mga ito.

Na curious ako kaya naisip kong hintayin kung anong gagawin nila. 

"Taehyung, pwede ba tayong mag-usap?"  Naulinigan kong sambit nung isang lalaki na medyo may hitsura din naman.

"Siguraduhin mo lang importante yang sasabihin mo! Dahil ayokong mag-aksaya ng oras sa mga walang kwentang bagay." Parang naiinip pa na sambit naman ni Taehyung dito.

"Ang balita ko kase, pinopormahan mo pa si Saeron. Do you know that she's my girlfrend?" Napipikon naman na tanong nito kay Taehyung.

Napa-ismid naman dito si Taehyung pagkarinig sa sinabi nung lalaki at mapaklang napangiti.

"Tss.. Sabi ko na eh, walang kuwenta itong pag-uusapan natin, yang sinasabi mong girlfrend mo ang lumalapit at nag-papacute pa sa'kin! So why don't you talk to her?"

Pggkatapos sabihin iyon ni Taehyung ay biglang nakakaloko pa itong ngumiti sa lalaking kausap niya. Pagkatapos nun ay bigla na nitong tinalikuran ang lalaking kausap niya.

"Aist, bakit ba hindi niya ayusin ang sagot niya?" Naiinis na sambit ni ko sa sarili habang tinatanaw niya parin ang mga ito.

Pero bigla akong nagulat ng biglang suntukin ng lalaking iyon si Taehyung hanggang sa gumanti na rin ito ng suntok sa lalaking iyon.

Napanganga ako ng makita kong tumulong na rin ang tatlong kasama nito para pagtulungan si Taehyung.

Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko upang tulungan ito. Naisip kong tumawag nalang ng guard para maawat sila. At sakto namang may nag-roround na guard sa parking area, agad ko na itong nilapitan upang humingi ng tulong. Dali-dali naman itong pumito habang tumatakbo papunta sa mga ito, sumunod naman ako dito.

Nang marinig naman nila ito ay mabilis na nagsipag-takbuhan at naiwan si Taehyung na nakasandal sa isa sa mga kotse dun habang hawak ang sikmura nito.

Agad kong nilapitan ni si Taehyung upang tanungin.

"Okay ka lang ba?" pag-aalalang tanong ko sa kanya. 

"Ano ba sa tingin mo?" ganting tanong naman nito habang hawak ang sikmura niyang tinamaan.

Inilibot ko ang paningin ko sa mukha niya. Sa isip-isip ko buti nalang at walang malalang tama ito sa mukha, dahil masyadong gwapo ito para masira lang.

Muli kong minasdan ang mukha niya at napatingin din ito sa mukha ko na parang minumukhaan ako.  Napapangiwi pa ito dahil sa sakit pa na nararamdam nito.

"Tsk..Ikaw na naman? Stalker ba kita?" Pasupladong tanong pa nito sa akin.

Pagkarinig ko naman sa sinabi nito ay nakaramdam na naman ako ng inis dito.

"For your information hindi mo 'ko stalker!" Mataray na sagot ko sa kanya. "Ikaw na nga tong tinulungan ko, baka nga kung hindi pa kita nakita malamang bugbog sarado ka na sa kanila!" Naiinis sumbat ko sa kanya.

Tumaas naman ang sulok ng labi nito at napangiti na ikinanganga ko. 

"Tingin mo talaga kaya ako ng mga iyon?"  Sambit nito at umayos na ng tayo siguro dahil nawala na yung sakit ng pagkakasuntok dito.

"Okay, kasalanan mo rin kase, alam mo nang may boyfriend nililigawan mo pa!" Paninising sermon ko sa kanya.

"For your information din.  Hindi ako nanliligaw ng mga babae!" Iritadong sagot nito sa akin at tumalikod na upang pumunta sa kotse nito.

Napapikit ako dahil sa kayabangan nito. Ngayon niya talaga pinagsisi-sihan kung bakit nagustuhan niya ang mayabang na yun.

Maya-maya naalala naman niya ang wallet nito. Mabilis syang naglakad upang sundan ito.

"Hoy, lalake!"  Tawag ni ko sa kanya.

Napahinto naman ito sa akmang pagpasok sana loob ng kanyang kotse at nilingon ako

"Wallet mo!" Sabay abot ko sa kanya paglapit ko dito.

Nagtataka namang kinuha iyon ni Taehyung.

"Pa'no ito napunta sayo?" Kunot noong tanong nito sa akin.

"Naiwan mo yan kanina sa liblary, sa sobrang sarap ng tulog mo hindi mo namalayan na nalaglag na ang wallet mo!" Pasupladang sagot ko sa kanyana sinamahan ko pa ng isang irap.

"Pinaki-alaman mo ba ito?" Seryosong tanong pa nito sa akin.

Napataas naman ang kilay ko pagkarinig ko sa tanong niya sa akin. Pilit akong nagtitimpi na sumagot kay Taehyung.

"Natural buksan ko yan, pa'no ko malalaman kung kanino yan! Tanga ka ba?" Nangigil na tanong ko naman sa kanya.  "Don't worry walang nawala diyan!" Napahalukipkip na dugtong ko pa sa kanya.

''Okay!" Maikling sambit nito at tipid na ngumiti sa kanya.

Sabay sakay sa kotse nito nang hind man lang nagkuhang magpasalamat sa akin. Kaya naiwan akong napatanga nalang.

''Antipatiko talaga sya! Bakit ko ba sya naging crush talaga? Ni hindi man lang nag-thank you..!" Naiinis na sambit ko sa sarili habang tinatanaw  ang kotse nitong paalis na.



.........

Fallin' in love with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon