Pahina 6

4 1 0
                                    

🎵It's amazing how you can speak right to my heart
without saying a word, you can
light up the dark
try as I may I could never explain
what I hear when you don't say a thing...🎵

Gabi na, pero hindi parin ako makatulog pinag-iisipan nya pa kase yung sinabi ni Taehyung sa kanya kanina.

''Bakit naman ako papayag na maging girlfrend niya? Eh paano kung bugbugin ako ng mga babaeng may gusto sa kanya sa school! Grabe... baka makalbo ako, hindi ako papayag!" Para akong baliw na kinakausap ngayon anh sarili ko.

Nagdesisyon akong hindi ko gagawin ang gusto nitong mangyari.

Kinabukasan, natataranta pa akong mag-asikaso para sa pagpasok dahil napuyat talaga ako sa kakaisip sa alok ni Taehyung.

Pagbaba ko naabutan kong nag-aasikaso nang almusal ang kuya ko.

''Goodmorning!" Masiglang bati niya dito.

''Tsk.. Bilisan mo na, baka malate ka. Tinanghali ka yata ng gising?" Pagmamadali pa nito sa akin.

Simula ng maghiwalay ang parents nila ang kuya na niya ang tumayong ina at ama para sa kanya.

Mas pinili kase ng kuya niya na alagaan sya kesa pagpasa-pasahan sila ng parents nila. Parehas na din kase may mga kanya kanyang pamilya ang mga ito.

Pero kahit ganon palagi parin naman nagpapadala ang mga ito ng pera para kanilang dalawa.

May work naman ang kuya niya bilang head chief sa isang kilalang hotel dito sa seoul at alam niyang mahal na mahal sya nito at kahit kailan ay hindi sya pababayaan,

Meron na din itong girlfrend si Jisoo. Paminsan-minsan ay isinasama nya dito almost 3 years na rin ang mga ito, pero wala parin daw silang balak magpakasal hanggat hindi pa sya nakaka-graduate.

Na hindi naman niya sinang-ayunan dahil ayaw niyang maging hadlang sa kaligayahan ng mga ito. Pero lagi nitong pinipilit na hindi pa nya kayang mag-isa.

kaya naman pinangako nalang niya dito na pagbubutihan niya ang kanyang pag-aaral para makatapos na at makakuha agad ng magandang trabaho.

Lumapit sya dito at humalik sa pisngi nito.

''Bakit nandito ka pa? Hindi ka ba papasok?" Sunod sunod na tanong niya dito bago umupo.

''Mag-hahalf day lang ako." Sagot nito at tipid na ngumiti sa kanya.

''Masama ba pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong niya ulit dito.

''Okay lang ako, tinatamad lang akong pumasok ng maaga ngayon." Nakangiting sagot nito sa kanya habang nilalagyan ng pagkain ang plato niya.

Napangiti naman din sya sa kanyang kuya Jin.


Sa school habang papasok ako natanaw ko na agad si Taehyung na nakatayo sa hallway na dadaanan niya na parang may inaantay.

Pinagmasdan ko ito habang mabagal akong naglalakad. Hindi maipagkakaila na napaka-gwapo talaga nito.

First day of school noong una niya itong makita kasama ang tatlo nitong mga kaibigan na mga hearthrob din,  pero si Taehyung talaga ang nakapukaw ng kanyang atensyon.

Ang maganda nitong mga mata, ang boses nito, at pag-ngingiti ito ay palaging naka-box smile.

Natigil ang kanyang pag-iisip nang magtama ang kanilang mga mata ng bigla itong mapatingin sa gawi niya.

Mabilis itong lumapit sa kanya nang makita sya nito.

''Ba't ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay!" Nakasimangot bungad agad na tanong nito sa kanya.

''Bakit naman?"  Balik tanong ko rin sa kanya na sinabayan ko ng paglalakad.

Sinabayan naman din sya nito at muling nagsalita.

''Anong bakit naman?"

Naiiritang tanong ulit nito sa kanya.

''Hindi ba sabi ko sayo, pag-isipan mo yung sinabi ko sayo kahapon!" Pagpapa-alala pa nito sa akin. "Anong ginawa mo natulog ka lang ba ha?" Naiinis na tanong ulit nito sa kanya.

''Tsk, ngayon ko na ba dapat sagutin yun? Diba dapat ilang araw pa bago ako sumagot?" Nang-iinis na tugon ko din sa kanya.

''Bakit, ano bang akala mo nililigawan kita? Para patagalin mo pa ang pagsagot mo sa akin?" Naiirita ulit na balik tanong na naman nito sa akin.

Gusto ko sanang matawa dito pero pinigilan na lang niya dahil baka nga tuluyan na itong magalit at ipabugbog sya sa mga fans nitong babae dito sa school.

''Ang sabi ko lang naman mag pretend ka to be my girlfrend not to be my true girlfrend!" Dugtong pa nito na parang nauubusan na ng pasensya sa kanya.

''Ayokong maging girlfrend mo!" Mabilis na sagot ko.

''At bakit?" Napataas ang kilay ni Taehyung at nakapamewang na humarap sa akin.

''Gusto ko pang mabuhay! Sa tingin mo hindi ako masasabunutan ng mga babaeng may gusto sayo dito at paano si Tzuyu? My gosh Taehyung baka ihagis lang ako nun!" Pananakot niya pa dito sa pwedeng mangyari sa kanya.

Mukhang nakumbinsi naman niya ito dahil bigla itong natahimik na parang nag-iisip.

Fallin' in love with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon