" What is this i'm feelin',
I just can't explain.
when you near, I'm not
just the same"Taehyung's pov;
Pagkauwi ko sa bahay sinalubong agad ako ng maid namin upang tanungin kung gusto ko bang kumain.
Umiling lang ako at umakyat na sa itaas.
Ganito ang buhay niya puro maid ang kasama niya sa malaking bahay nila.
Namatay ang father niya when he was 10 years old because of heart attack kaya simula noon ang mother nalang niya ang nag-aasikaso ng mga business nila.
Hotel and restaurant ang negosyo ng pamilya nila meron silang 22 branch here in korea and last year nagkaroon na rin sila ng ilang branch sa US.
Only child lang sya kaya naman kung anong gusto niya, nakukuha niya agad.
Sanay na sya sa ganitong routine ng buhay niya kaya nga mas madalas pa syang nasa labas kasama ng mga barkada niya kesa ang magstay sya dito sa bahay nila. Kaya nga naligo lang siya pagkatapos niyang magbihis ay umalis din ulit sya upang makipag kita sa mga kaibigan niya.Sa isang pub house na pag-aari naman ni Jimin ang punta niya tumawag ito sa kanya at pinapapunta na sya nito doon.
Apat silang magkakaibigan O mas kilala sa school nila na mga hearthrob bukod sa pare-parehas silang mga gwapo, katulad din niya ay puro anak mayayaman din ang mga ito.
Matagal na din silang magkakaibigan, si Jimin ang pinaka-bestfrend niya sa grupo magkaibigan ang mommy niya at ang mommy nito kaya halos sabay na silang lumaki.
Ang dalawa na si Namjoon at Jungkook ay nung highschool nalang nila nakilala at madali naman nila itong nakapalagayang loob.
Pagdating niya sa pub house naabutan niyang nagkakasayahan na ang mga ito.
"Napaaway ka daw kanina?" Salubong na tanong agad ni Jimin sa kanya.
Naupo muna ako sa isa sa mga couch dun sabay abot sa akin ni Jungkook ng beer in can.
''Tsk, wala yun!" Balewalang sagot ko kay Jimin at binuksan ko ang beer na hawak ko.
''Anong wala yun? Gusto mo balikan natin?" Pangungulit pa ulit ni Jimin sa kanya.
''Oo nga naman Taehyung!" Sabat naman ni Jungkook "Pa'no kung nabugbog ka ng husto? Tsk, pag-nangyari yun paano na yung mga chicks mo? " Pang-aalaska pa na dugtong nito sa akin na sinamahan pa ng nakakalokong pagngiti.
Sinimangutan ko ito.
"Sigurado ako dahil sa babae yan!" Singit din ni Namjoon sa kanila.
"Ganyan talaga kapag hearthrob ka lapitin ng chicks!" Pagmamalaki na sagot sagot ko nalang sa kanila.
"Yahh, Taehyung wag mong solohin dahil hindi lang ikaw ang hearthrob!" Pagtatama ni Jimin sa akin. " Masyado mong sinosolo!" Nakatawang dugtong pa nito sa akin.
Napatawa ako dahil sa sinabi ni Jimin at muling ininom ang beer na hawak niya.
*****
Jennie's pov:
Kinabukasan habang inaantay ko si Lisa dito sa meeting place namin sa loob ng eskuwelahan naisipan ko munang bumili ng pagkain sa canteen.
Naglalakad na ako sa hallway nang mapansin kong andun si Taehyung kasama ang mga kaibigan nito.
Napanisn ko din na mayroong itong kausap na magandang babae. Napanganga ako ng makilala ko kung sino iyon. Si Tzuyu. Ang pinaka-sikat din na babae dito sa school namin. bukod kase sa maganda ito ay mayaman din katulad nila Taehyung.
Nang mapadako ang paningin ko kay Taehyung napansin kong mukhang naiirita ito habang kausap si Tzuyu.
"Eh ano naman kung madadaanan ko sila!" Nasambit ko.
Nagkibit balikat ako at malalim na napabuntonghininga bago muli akong nagpatuloy sa paglalakad patungo kung saan nakatayo sila Taehyung. Hanggang sa mapalingon ito sa akin na may kasamang pagngiti.
Nagtaka ako na bigla itong ngumiti sa akin na ikinabagal ng paglalakad ko.
''Andito na pala sya! Ba't ba ngayon kalang? kanina pa kita hinihintay!"
Hindi ko alam kung ako ba ang tinutukoy niya. Kaya napalingon pa ako sa likuran ko upang tignan kung may ibang tao. Pero sya lang naman mag-isa ang taong naglalakad dito sa hallway.
Bumalik ang tingin ko kay Taehyung na nakangiti pa din at nagulat ako ng maglakad ito palapit sa akin at bigla akong hilahin sa braso patungo sa harapan ni Tzuyu.
Sa sobrang bigla ko dahil sa ginawa ni Taehyung ay hindi na ako nakaimik. Pero mas lalo akong nagulat nang ipakilala ako nito kay Tzuyu.
Bilang... GIRLFRIEND DAW?
''Meet my girlfrend si Jennie!" Habang komportableng nakaakbay ang braso nito sa akin.
''HA!!" Yun nalang ang nanulas sa bibig ko dahil sa bigla naramdaman ko din ang pagpisil ng kamay ni Taehyung sa kanang balikat ko.
Napatingin naman ako dito na sinuklian naman nito ng pagkindat at sabay ngiti sa kanya.
Para naman akong na-hypnotize dito at wala nang nagawa kundi sumang-ayon sa ginagawa nitong palabas.
''Girlfrend mo sya kailan pa?" Mataray na tanong ni Tzuyu kay Taehyung.
''Bago lang!" Pagkasabi nun ay tinalikuran na nila ito ni Taehyung habang nakaakbay pa din sa akin.
''Paggpapalit mo ko sa kanya!" Pagalit na sigaw nito kay Taehyung.
Napalingon naman si Taehyung sa kanya at ngumiti ng nakakaloko.
''Alam mong hindi naging tayo, kaya wag kang mangarap!" At muli tinalikuran na namin ito.
''Let's go!" Sabay lakad namin.
Kasunod din namin ang mga kaibigan ni Taehyung na nagtatawanan pa. Iniwan nila si Tzuyu na galit na galit.
BINABASA MO ANG
Fallin' in love with you
FanfictionSabi nga nila... "Love is like a rosary that's full of mystery" Ito ang napatunayan ni Taehyung sa kanyang sarili. Dahil sa hindi niya malamang dahilan ay na fall sya sa isang simpleng babae na malayo sa standard ng magiging girlfrend niya. Si Jenni...