Pahina 5

8 2 0
                                    

🎵Is this really happening
or I am just dreamin'
I guess it's true, I can't
believe.🎵


Uwian, naghiwalay na sila ni Lisa dahil may lakad ito kasama ang boyfrend nitong si Bambam.



Minsan gusto niyang mainggit sa mga ito dahil mahal na mahal ni Bambam si Lisa kahit na minsan ay may toyo ito.



Napailing nalang syang naglakad at bigla naman niyang naisip si Taehyung. Kahit naiinis sya dito ay hindi parin niya maiwasang kiligin sa ginawa nitong pag-akbay sa kanya kanina.


Palabas na sya ng gate ng may marinig siyang tumawag sa kanya.

"Jennie!" Napahinto ako upang hanapin iyon.



At nakita niya nga si Taehyung na palapit sa kanya nang nakangiti.


Napakunot naman ang noo ko  at nagtaka.

"Hatid na kita!" Sambit nito nang makalapit sa akin.


Hindi pa masyadong nag sink-in sa pandinig ko ang sinabi nito kaya nakatingin lang sya kay Taehyung.

''Tsk.. sabi ko hatid na kita, bingi ka ba?" Nangingiti na ulit na tanong nito sa kanya.


Para naman akong naalimpungatan sabay irap ko kay Taehyung.

''At bakit mo naman ako ihahatid? Marunong akong umuwing mag-isa noh!" Mataray kong sagot sa kanya.

"Gusto ko lang naman mag-thank you, dahil binalik mo yung wallet ko tapos pinag-panggap pa kitang girlfrend ko kanina." Mahinahon nitong paliwanag sa akin.


Inirapan ko lang ito at akma ko na sana siyang iiwanan nang muli itong nagsalita na lalo niyang ikana-bwiset.

"Kapag hindi ka pumayag I will think na may crush ka sa'kin kaya ayaw mo akong makasama!" Nanunukso pang sabi nito habang nakangiti.

"Bakit ba ang feelingero mo? Sinabi nang wala akong crush sayo!" Nakasimangot na sagot ko dito.


Tatalikuran na sana niya ito ng bigla naman nakisama ang panahon at bumuhos ang ulan.

"Takte na yan! Kanina lang maaliwalas ah!" Naiinis na sambit ko.


Naramdaman naman niya ang paghawak sa braso niya at pagtingin niya si Taehyung pala hinatak siya nito papunta sa kotse. 


Hindi naman na ako nakatutol  sa ginawa nitong paghatak sa kanya at nang-ipasok din sya nito sa loob ng kotse.


Mabilis din itong umikot papunta sa driver seats.


Medyo nabasa na nga ito at nakasimangot na tumingin sa akin.

''See... sasakay ka rin pala gusto mo pang mabasa muna ng ulan!" Pagrereklamong sabi nito at pinaandar na nito ang kotse.


Napa-roll eyes nalang ako dahil sa inis dito. No choice na siya kaya fineel nalang niya ang pagsakay sa kotse ni Taehyung.



"So, dito pala sa inyo!"


Narinig ni kong sabi nito.
Nang makarating na sila sa bahay nila.

'Sino kasama mo diyan?" Tanong ulit nito sa kanya.

"Kuya ko." Maikling sagot ko sabay baba ko sa kotse niya. 


Lumabas na din si Taehyung at lumapit sa kanya.

''Gusto mong pumasok?  Ipakikilala kita sa kuya ko." Pag-aya ko.

"Wag na next time nalang!" Tanggi nito. "Bakit wala ba mama mo?" Usisa pang tanong nito sa akin.

"Bakit ba ang dami mong tanong?" Naiiritang balik tanong ko sa kanya.


Sinimangutan nalang sya ni Taehyung.


Maya-maya napatingin naman ito ng seryoso sa akin na parang may naisipi sabihin.

''Jennie.. what if mag-pretend tayo bilang mag-boyfrend and girlfrend.. It's that okay with you?" Seryosong tanong ni Taehyung sa kanya habang matiim akong nakatingin sa kanya.


Para namang nauumid ang dila ko at hindi makapag-salita dahil sa lakas ng tibok ng puso niya, natuturete pati ang isip niya ngayon.


Ano na naman kayang kalokohan ang balak nitong gawin at bakit gusto pa siyang isali.


Pero pinilit pa rin niyang magsalita dahil nakatitig sa kanya si Taehyung at mukhang inaantay ang isasagot niya.

''B-bakit naman tayo mag-prepretend?" Nauutal pang tanong ko rin sa kanya na hindi ko alam kung bakit bigla ay hindi ko siya matignan ng diretso.


Gusto niyang pagalitan ang kanyang sarili dahil kanina lang ay sobrang tanggi niyang may crush sya dito.

''Para tigilan na ako ni Tzuyu atsaka para makaiwas na din sa gulo, sa mga babaing may boyfriend na pero nag-papacute parin sa'kin!" Seryosong paliwanag nito sa akin na mukhang hindi naman napapansin ang reaksyon ko. Ngumiti pa ito ng tipid sa kanya.


Inirapan ko ito upang mabasawan ang nararamdaman ko.

''Tsk, feelingero ka talaga noh!" Pero alam ko namang na totoo ang sinasabi nito.

"Pag-isipan mo!" Sabay sakay sa kotse nito.

"Teka, hoy Taehyung sandali lang!" Pigil ko sana sa pagalis niyo upang sumakay na sa kanyang kotse.

Pero umandar na ang kotse nito kaya wala na akong nagawa pa  kundi ang mapa-buntong-hininga nalang.

Fallin' in love with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon