Kaya pa ba ?
Katanungang tanong nila.
Katanungan na kay daling sagutin.
Oo at hindi lamang ngunit bakit kay hirap netong bigkasin?Sinasabi ng aking puso na ikaw ay ilaban pa,
Ngunit tanong ng aking utak, hanggang kailan pa?
Paano ko nagawang ilaban ang taong di ako pinaglaban?
Sino ang aking susundin ang puso o ang isipan?Kay daya lang ng panahon giliw ko.
Ako'y nanahimik noon ngunit ako'y iyong ginulo.
Nagparamdam ka ng pagmamahal,
Ngunit nong minahal kita pabalik ay ang iyong paglisan.Kaya pa ba?
Siguro kasagutan ko'y OO
Pero ito'y nasundan ulit ng isang katanungan.
Kaya ko? Oo, pero hanggang kailan?Kaya ko pa ba talaga?
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry:Completed
PoetryIsagad mo pa! Para aking madama ang kapusukan na iyong dala. "Ang sarap" sambit mo pa. "Malapit na ako" dagdag mo pa. Ngunit ako'y nagising sa bangungot na iyong dala. Dahil sa iyong kapusukan, may nabuong di inaasahan. Pagkatapos ng gabing iy...