Ako'y nilalang na may buhay,
Ngunit bakit ako'y inyong pinapatay?
Sa tuwing nagsusuot ng kasuotan,
Kayo ay may reklamo at dahilan.Kesyo ganyan at ganito,
Ano ba ang inyong gusto?
'Pag kasuotan ay subrang iksi,
Tanong niyo'y bat ang iksi ng short mo?Sa tuwing magsusuot ng kasuotan,
Na hindi maganda sa inyong paningin,
Tatanongin saan ka ba nanggaling?
Dagdagan pa ng "Girl tayo'y nasa bagong henerasyon na!"Ako'y di manika,
Kaya't di ko alam saan lulugar.
Kapag naman may mababalitaan na may genahasa.
Sasabihin niyo, damit namin kayo'y tinutokso!Kayo'y huwarang tuso.
Bat niyo sisihin ang aming kasuotan,
Kung sa una palang di niyo alam paano ilugar ang inyong kalibugan.
Ako'y may pakiramdam at di isang laruan.Kami ay babae,
Ika niyo pa nga kami'y mahinhin.
Pero bat niyo kami hinayaang malugmok sa kahinaan?
Bat di niyo kami tulungan na makaahon at makalaban sa aming karapatan?Kami po'y babae at di manika!
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry:Completed
PoesíaIsagad mo pa! Para aking madama ang kapusukan na iyong dala. "Ang sarap" sambit mo pa. "Malapit na ako" dagdag mo pa. Ngunit ako'y nagising sa bangungot na iyong dala. Dahil sa iyong kapusukan, may nabuong di inaasahan. Pagkatapos ng gabing iy...