Mahal kong Pilipinas

678 3 0
                                    

Pinakamamahal kong bansa,
Aking lupang sinilangan.
Lupang aking kinamulatan,
Bayan na siyang mapag-mahal.

Itong tula na ito ay sa inyo inaalay.
Sana'y may mapulot kayong leksyon na siyang tunay.
Tayo may nakaranas ng sakuna at problema,
Ngunit kapalit neto ay masasayang ala-ala.

Dahil sa kabila ng mga problema,
Ay di parin tayo nakalimut sa pagtulong sa isat-isa.
Nagpapakita lang na tayong pilipino ay mapagmahal sa kapwa.
Mapag-bigay at sa kapwa ay nag-aalala.

Tayo ma'y lugmok sa kahirapan ngayon.
Ngunit bukas tayo ay aahon.
Di man ngayon pero sa tamang panahon.
Kaya tayo'y maghintay at patuloy na lalaban sa hamon ng buhay.

Spoken Word Poetry:CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon