Gising Pilipino

55 2 0
                                    

Sa aking pagmumuni-muni,
aking natanong ang aking sarili.
Ano na ang nangyari sa ating bansa?
May pandemya, bagyo at iba pa.

May pandemya na nakakapanindig balahibo,
Bagyo na sunod-sunod ang bagsak sa ating bansa.
Ngunit sa kabila neto ay marami padin ang matitigas ang ulo.
Kailan ba kayo tumino?

Mga kabataan ay tumitigas ang ulo lalo.
May ibang mga magulang naman na hinahayaan lang ang anak nila.
Ano ba ang magandang gawin sa inyo?
Kung ang simpleng pagsunod lang ng batas ay di niyo pa magawa?

Kahit saang dako ng bansa ako titingin.
Ang dulot ng bagyo ay nakakapinsala ng marami.
May nagugutom at nawalan ng bahay.
Sumisigaw  ng tulong sa nakakarami.

Maraming tao ang nagbingi-bingihan,
At nag bulag-bulagan.
Di niyo ba napansin, na baka ito na ang tamang oras.
Oras para tayo'y bumalik sa kanya at mananampalataya.

At sa kabila ng pandemya, bagyo at iba pa.
Ay meron padin tayong makakapitan.
Ang panginoon na siyang may alam sa lahat.
Ay di tayo pinapabayaan.

Spoken Word Poetry:CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon