Kabataan ang siyang pag-asa ng bayan.
Kaya edukasyon ay ating pangalagaan.
Mahigit sampong taon na ang nakaraan,
Simula noong diniklara ni Jose Rizal ang ating kalayaan.Maraming pagsubok man ang ating haharapin.
Pero para sa bukas ay ating kakayanin.
Gumising ng umaga para matulungan si Ina.
Mag hugas ng pinggan, magpakain sa mga kapatid at iba pa.Ngunit ito'y hindi nila kailan man nakikita.
"Babad ka na naman sa cellphone!!" laging bukambibig ni Mama.
Gusto mo mang ipagtanggol ang sarili pero ito'y di mo magawa.
Tikom ang bibig na sinusunod ang lahat ng utos nila.Hindi nila alam na ika'y pagod na.
Pagod sa pag-sagot sa asignatura,
Pagod sa pakikinig sa mga bukambibig nila.
Sambit ng iyong sarili,"nais ko din magpahinga."Pagod, at mga sakit na salita ay nag halo-halo na.
Ina kayo nama'y makiramdam, pagsusumamo ng iba.
Ako'y hamak na tao lamang at may kapaguran.
Mawalay man ang isang pag-asa ng bayan sana kayo ay wag iiyak kailanman.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry:Completed
PoetryIsagad mo pa! Para aking madama ang kapusukan na iyong dala. "Ang sarap" sambit mo pa. "Malapit na ako" dagdag mo pa. Ngunit ako'y nagising sa bangungot na iyong dala. Dahil sa iyong kapusukan, may nabuong di inaasahan. Pagkatapos ng gabing iy...